Ciara POV
Matagumpay kaming nakatayong apat ng kaklase ko habang hawak namin ang dugo ng target na napatay namin.
Pagod ang nararamdam ng buong katawan ko.
Konting konti nalang ay parang tutumba na ako dahil sa gutom, uhaw at sa pagod ko.
Napapikit ako ng biglang mamatay ang ilaw.
"CONGRATULATIONS MY DEAR STUDENTS. HAVE REST AND GO DOWNSTAIRS TO EAT IN CANTEEN." nadinig kong sabi ng master kaya kumalam ang sikmura ko.
Gutom na gutom na ako.
"EAT ANYTHING YOU WANT. TOMMORROW IS ANOTHER HELL DAY. WE WILL HAVE A GAME AND ONE OF YOU WILL DIE." pagpapatuloy pa nito.
"THE ONLY ONE PERSON WHO WILL WIN THIS GAME AND CAN LIVE UNTIL THE END IS WORTHY TO HAVE A PRIZE. YOU CAN GO HOME TO YOUR FAMILY AND HAVE THREE WISHES OR REQUEST THAT I WILL FULFILL." sabi nito sa nakakatakot pa rin na tono.
Halos magliwanag ang mukha ko sa madilim na kwarto ng dahil sa sinabi niya. Marami akong hiling na nais kong matupad. I don't know but I really find this game so interesting.
"BUT OF COURSE, ITS NOT THAT EASY TO PASS IN THE NEXT ROUND." sabi nito dahilan para magbago ang timpla ng mukha ko.
"YOU'LL KNOW WHAT I MEAN TOMORROW. TONIGHT, JUST EAT AND REST." sabi ng master.
"DON'T TRUST EASILY. DON'T LET PEOPLE TRICK YOUR WEAKNESSES." sabi ng master na hindi ko na lang pinansin. Ngayon ay gutom ako, gutom na gutom ako.
Muling bumukas ang ilaw at napapikit pa ako dahil sa sobrang liwanag.
Wala na doon ang mga bangkay ng mga kaklase kong namatay.
Nagmamadali kaming lahat na umalis ng kwartong iyon para bumaba papuntang canteen.
At halos maglaway ako sa putaheng nakahanda sa mesa.
Isang lechon ng baboy, iba't ibang klase ng prutas, gulay, tinapay, inumin at iba pa na talaga namang nakakabusog kung titingnan pa lang.
Mukhang gutom na gutom na rin ang mga kasama ko at gusto ng kumain.
Mabilis akong lumapit sa prutas at agad na kumuha ng isang ubas. Ninamnam ko ang lasa nitong matamis at medyo mapakla.
Ang mga kaklase kong halatang gutom ay nakatingin lamang sa akin.
Tinaasan ko sila ng kilay at hindi pinansin.
Hindi naman ako ang magugutom at ang manghihina kaya bahala sila. Kakailanganin ko ang pagkain para mas maging malakas ako.
Nahihiya ba sila? O ayaw lang nila ng pagkain at masyado silang pihikan?
Nagkibit balikat na lang ako saka ako lumapit sa lechon. Agad kong kinurot ang malutong na balat nito at mabilis na kinain.
Dalawampung minuto na akong kumakain pero hanggang ngayon sila pa rin ay walang emosyon na nakatingin lang sa akin.
Pansamanatala akong tumigil at tiningnan sila.
Maya maya pa ay humati ako ng tinapay at mabilis itong isinubo sa bibig ko.
Napangisi ako ng makita kong lumapit na si Sean sa mesa kung saan nakalagay ang maraming pagkain.
Magugutom din naman pala, maghahantay pa ng matagal.
Napapailing kong sabi sa kanya sa isipan ko.
Sean POV
Kanina pa ako natatakam na kumain.
Inisip ko na baka patibong ito ng master kaya niya kami pinakain.
Ngunit ng lumipas na ang dalawampung minuto at wala pa ring nangyayari na masama kay Ciara ay naisipan ko ng lumapit sa kanya at sumabay na kumain.
Kumurot agad ako sa lechon at akmang isusubo ko na ito ng biglang mangisay si Ciara dahilan para mabitawan ko ang piraso ng lechon.
Mabilis akong napatingin sa nangingisay at nakahiga habang tumitirik ang mata na si Ciara.
Tumagal ng limang segundo ang pangingisay niya ng biglang magsilabasan ang bukol sa katawan niya na para bang mamaso na napagkakalaki.
Lumaki ng lumaki ang bilog na bukol sa mukha, leeg, balikat, hita, braso at binti niya. Buong katawan niya ay napuno ng bukol na parang puputok na lobo ang itsura.
Hanggang sa biglang pumutok ang parang bukol sa buong katawan nya na parang lobo nga.
Magkahalong dugo na may kasamang parang tubig ang lumabas at tumalsik mula roon.
Napapikit ako sa sobrang pandidiri at agad na itinumba ang mesa na puno ng mga pagkain.
Hindi nagtagal ay namatay na rin si Ciara.
Siguradong lason ang nasa lahat ng pagkain na yan.
Buti na lang at hindi ako agad kumain dahil kung kumain ako, siguradong bangkay na ako makalipas ng dalawampung minuto.
Butas ang ilang parte ng katawan ni Ciara.
Napalingon ako at nakita ko na magkasunod na naglalakad si Ken at si Aki paakyat sa kwarto namin na hanggang ngayon ay may bakas pa rin ng dugo sa sahig at sa pader.
Sumunod na din ako sa kanila at saktong pagsara ko sa pinto ay ang pagkamatay ng ilaw.
Kung paano ito nagagawa ng master ay talagang nakakamangha siya.
Anong klase kaya siyang tao?
"THREE OF YOU IS SO UNBELIVABLE!" sabi nito sa namamanghang tono. Nakakamangha ba ngayon lamang nagbago ang tono ng kanyang boses.
"NOW, YOU SHALL REST. TOMORROW IS THE LAST GAME. GOODLUCK TO THE THREE OF YOU." sabi nito saka muling bumukas ang ilaw.
Aki POV
Alas singko na ng hapon ng magising ako.
Hindi ako makapaniwala na natulog ako ng halos labing siyam na oras ng dere deretso.
Mamaya ay mag uumpisa na ang last game.
Kinakabahan ako sa naisip.
Isa lang ang matitira sa aming lahat.
Gagawin ko ang lahat para ako ang magtagumpay sa laban na ito.
Lumapit ako sa cabinet at binuksan ito. Kumuha ako ng isang biscuit at agad itong kinain. Kumuha na rin ako ng bubble gum na kakainin ko mamaya pagkatapos kong kainin ang biscuit.
Naghantay pa ako ng ilang oras at walang ibang ginawa kundi palobohin ang bubble gum na wala ng lasa ng biglang mamatay ang ilaw.
Tumunog muli ng napakalakas ng telepono na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan nagmumula.
"I, YOUR MASTER." pagpapakilala nito.
"THIS IS THE FINAL ROUND OF OUR GAME. DO YOUR BEST TO WIN AND TO BE FREE." sabi nya.
Gagawin ko talaga ang lahat para ako ang manalo.
Kinakabahan man ay alam kong kakayanin ko ang bagay na ito.
Para saan pa na umabot ako ng final round kung hindi ko pa ito lulubus lubusin diba?
"I WILL GIVE YOU FIVE MINUTES TO KILL." sabi nito sa nakakapanindig balahibo pero wala na itong talab pa sa akin, "THE FINAL ROUND WILL START IN 3, 2 AND 1." sabi ng master at muling bumukas ang ilaw senyales na mag uumpisa na ang laban.
a k i l i c i o u s z
![](https://img.wattpad.com/cover/195170495-288-k190319.jpg)
BINABASA MO ANG
The Master's Telephone ✓
Mystère / ThrillerSHUP UP when THE TELEPHONE RANG FOLLOW HIS COMMAND when IT STOP READY YOURSELF FOR MORE DEATHLY GAMES IF YOU WANT TO FINISH THE GAME ALIVE, KILL ONE PLAYER DREAM TO SUCCEED, BELIEVE TO YOURSELF, KILL TO SURVIVE. WARNING: C H E A T I N G I...