Chapter 5

46 41 20
                                    

Aki POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa iniutos sa amin ng master.

Tama ni Sean, pinaglalaro kami ng master ng mga bagay na hindi namin kayang laruin.

Tahimik ang mga kaklase ko.

Andito kami ngayon sa canteen habang naguumpisa na kaming mamili ng mga armas na gagamitin namin sa pagpatay namin bukas ng gabi.

Walang nagsasalita sa kanila. Animong mag kakaaway kaming lahat at wala ng ibang ililigtas kundi ang sariling buhay.

Maraming armas ang narito pero hindi ko alam ang mga tawag. Dalawang armas lang naman ang kailangang kuhanin para pumatay at matapos ang laro.

Nakakapagtaka lang dahil walang baril ang nakasalansan. Puro lang ito patalim.

Sa huli ay pinili ko ang isang mahabang espada kung nasa malayo ang target, at isang may katamtamang laki naman kung malapit lang ang target.

Itinapat ko sa mukha ko ang espada.

Talagang napakatalas nito.

Nanginginig ang kamay ko sa paghawak ko nito at hindi ko alam kung bakit.

Nakakatakot itong tingnan, at isang hawak mo lang sa talim ay siguradong mahihiwa ka agad.

Buo na ngayon ang aking desisyon.

Hindi ako papatay ng kung sino man.

Mas pipiliin kong mamatay sa kamay ng master kesa pumatay ng tao.

Pero alam kong hindi ito maaari, kaya may naisip akong bagong paraan.

Tatlumpo kaming nagpunta dito at nabawasan kami ng walo. Ibigsabihin ay dalawamput dalawa na lang kami dito. Sakto lang para sa aming lahat para makapatay kami.

Hindi ako magtatangkang kumitil ng buhay dahil alam kong may isa sa mga kaklase ko ang nagbabalak ng pumatay sa akin hindi ko nga lang alam kung sino.

At kung sino man iyon, siya ang papatayin ko.

Hindi ako makakapayag na patayin nila ako.

Agad akong umalis sa canteen habang busy pa rin silang lahat sa pamimili ng armas na gagamitin. Mukhang handang handa talaga silang pumatay para mabuhay, at ganun din naman ako.

Walang emosyon akong umakyat sa kwarto.

Naroon pa rin ang bakas ng mga dugo ng kaklase kong namatay. Wala pa rin nagtangkang maglinis, mga hunghang.

Dumiretso ako sa cabinet saka ako kumuha ng isang biscuit.

Gutom na gutom na talaga ako. Kahapon ay isang beses lang akong kumain, pati na rin ngayon. Pakiramdam ko ay napakapayat ko na.

Umidlip muna ako saglit sa gilid ng cabinet pagkaubos ko ng biscuit. Kailangan kong magpahinga.

Goodluck na lang sa akin bukas. Its either mapapatay ako ng magtatangka sa akin, o ako ang makakapatay sa kanya.

Nang magising ako ay gabi na. Kalinsingan ng mga espada ang naririnig ko sa iba't ibang parte ng Cadipsa at talagang nakakahilo ang tunog nito.

Tss. Pinapagod lamang nila ang sarili nila sa pagpapraktis.

Wala pa ring naguusap sa kanila. Napapanis na ata ang laway ko.

Gusto ko sanang makipag kwentuhan kaya lang ay baka walang pumansin sa akin dahil talagang ang seseryoso nila ngayon.

Tumayo ako bigla ng maalala ko ang aking cellphone na nasa bag.

Doon ay nakita ko ang cellphone ko na walang signal maski isa. Tanging sign lang na triangle na may exclamation point ang nakita ko.

The Master's Telephone ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon