Chapter 10

41 31 6
                                    

Aki POV

"I WILL GIVE YOU FIVE MINUTES TO KILL." sabi nito sa nakakapanindig balahibo pero wala na itong talab pa sa akin, "THE FINAL ROUND WILL START IN 3, 2 AND 1." sabi ng master at muling bumukas ang ilaw senyales na mag uumpisa na ang laban.

Hawak ang espada ay deretso kaming nakatayo nila Ken at Sean. Masama ang titigan.

Kinakabahan ako pero kakayanin ko.

Ilang Round na ang nalagpasan ko kaya hindi ako papayag na pumalpak pa ako ngayon kung kailan malapit ko ng makuha ang finish line ng laro.

Katulad ko ay malaki din ang determinasyon nila upang manalo at makaalis sa lugar na ito.

Hundi yun nagbigay ng dahilan para kabahan ako.

May paninindigan ako at may pangako ako sa aking sarili na tutuparin ko.

Babae ako at hindi ako basta babae lang.

Ako na lang ang natitirang babae sa halos dalawampu kong kaklase na babae dahil alam kong malakas ako.

I'm not here dor nothing.

Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay patayin ang isa sa kanilang dalawa. Kapag napatay ko ang isa sa kanila ay ligtas na ako, habang ang hindi nakapatay ay mapupugutan ng ulo.

Hindi ako papayag na ako ang mapatay o ako ang mapuguton ng ulo.

Kailangan ay mauna akong makapatay sa loob lamang ng limang minuto.

Lumipas ang kalahating minuto ng biglaang sumugod si Ken papalapit sa akin na sinundan naman ni Sean.

Nagulat ako sa mga pangyayari. Hindi ko napaghandaan ang bagay na ito but it doesn't mean na susuko ako.

Nangangalit ang ngipin ni Ken at kita sa galit na mata nito ang determinasyon para manalo sa laban na ito.

Doble ang kabog ng dibdib ko ng maramdaman ko na nasa likod ko na si Sean.

Hindi maaaring mamatay ako sa kamay ng isa sa kanilang dalawa.

Mas hindi maaring mapatay ni Sean si Ken, o ni Ken si Sean dahil sa dulo ay mamatay lang din naman ako.

Hindi ako papayag na mawala ang pinaghirapan ko.

Kailangan kong magisip ng mas magandang paraan kung saan ay si Ken ang magiging target ko at magagawa kong guluhin siya para mawala ang atensyon nito sa akin at mapupunta kay Sean pero mas mauunahan ko pa rin na patayin sya.

Nakababa ang espada ni Ken at nakataas naman ang espada ni Sean na animo ay mayroon ng kaaway.

Pumikit lang ako ng mariin saka ko isinagawa ang aking plano.

Planong hindi ko alam kung gagana ba o hindi.

Kung ano man ang kakalabasan ng biglaang plano na ito ay hindi ko alam.

Tumakbo silang dalawa papalapit sa akin at ng saktong paglapit nila ay ang biglaan kong pagupo sa sahig dahilan para sumakit ang likod at pwetang bahaging katawan ko.

Kagaya ng nasa isip ko ay nasugatan nga si Ken dahilan para mangalit ang mata nito na tumuon sa ngayon na umaatras na si Sean. Nasunod ang plano.

Noong huling laban pa lang ay napag aralan ko na ang kilos ni Ken. Sa oras na nasugatan sya ni Jessa ay doon lang sya nangalit ng todo dahilan para mapatay nya si Jessa. Para bang naboost ni Jessa ang lakas ni Ken sa pamamagitan ng sugat na naibigay niya.

Itinuon ko ang siko ko sa sahig saka ako bumangon mula sa pagkakaupo at gumulong papunta sa likod ni Ken na ngayon ay halos mag apoy na ang mata sa galit.

Malakas ang kabog ng dibdib ko.

Animo'y lalabas na sa dibdib ko ang puso ko.

Agad kong itinarak ang espada sa likod ni Ken at mabilis naman itong tumagos sa tyan na.

Halatang nagulat sya sa nangyari dahil sa biglaang pag-igtad ng katawan niya.

Talsik ang sumirit na dugo ni Ken sa buong mukha ni Sean.

Nanginginig na tumayo si Sean.

Sa pagtayo niya ay ang biglaang pagkamatay ng ilaw. Sa muling pagbuhay nito ay nasa sahig na ang magkahiwalay na katawan at ulo ni Sean.

Napaawang ang labi ko at kusang bumagsak ang luha ko.

"N-N-Nagawa ko i-ito diba?" tanong ko sa sarili.

Napakasakit at sobrang tuyot ng lalamunan ko ng magsalita ko

Siguro ay dahil sa tagal ng hindi ko pagsasalita dahilan upang matuyo ang laway ko sa bibig ko

Parang ngayon ko na lamang muli narinig ang boses ko, at napakasaya ko!

Hindi ako makapaniwala na natapos ko ang hindi makataong laro na ito.

"AKI." nadinig ko ang boses ng master.

Kakaiba sa mga oras na ito.

Bukas ang ilaw pero hindi ko malaman kung saan nanggaling ang napakalim na boses na iyon ng master.

"CONGRATULATIONS. YOU ACTUALLY MADE IT." sabi nito sa akin. Kahit hindi ko sya nakikita ay nararamdaman ko ang paghanga sa boses nya.

"DO NOT FORGET YOUR THREE REQUEST AND WISHES." sabi nito at napatango naman ako.

"M-Maaari na a-a-akong umuwi d-diba?" tanong ko kahit hindi siya nakikita.

Nasaan ba siya??

Naririnig ko ang boses nya sa bandang kanan, sa kaliwa, sa harap at likod ko pero wala akong makita kahit na anino nito.

"YES." simple nitong sabi kaya mas lalong umapaw ang luha sa mata ko ngayon. Napakasaya ko at hindi ko na naiisip pa ang mga kaklase ko na namatay sa kamay ko at sa mga kaklase ko na binawian ng buhay.

"T-Thank you master." sabi ko at kahit ayaw ko ay napaluhod ako at tumungo bilang pasasalamat sa kanya.

Sa wakas ay makakalabas na ako sa lugar na ito at makakasama ko na ang pamilya ko.

"BUT IN ONE CONDITION." sabi nito kaya napaawang ang labi ko at napaangat ng tingin sa kawalan.

Wala akong pake kung anong klaseng kondisyon man iyan, ang mahalaga sa akin ay makaalis sa lugar na ito ng buhay.

Kung ang isang kondisyon ang ikaliligaya at ikalalaya ko, bakit hindi diba?

"A-Ano?" nanginginig ang boses pero matapang na tanong ko.

Buo ang desisyon ko na sundin ang anumang kondisyon pero hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa dibdib ko.

"BE A PART OF MY ORGANIZATION. BE MY DAUGHTER. BE A NINJA ASSASSIN."




a k i l i c i o u s z

The Master's Telephone ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon