Chapter Two

341 14 0
                                    

Mugto ang mata ni Sammie at ngayon ay nagkukulong siya sa kanyang kwarto, ayaw lumabas at nagmamatigas. Gaya nang parating nangyayari, wala na namang nagawa si Sammie laban sa kung anong nais ng kanyang mga magulang.

She wanted to study fashion in Paris but her parents didn't let her. Pinagbigyan na nga lng niya ang mga ito nang tapusin niya ang kanyang pre-med course kahit ayaw niya.

Ang usapan kasi nila dati ay susubukan lang niya ang kurso at kalaunan, kung hindi niya magustuhan iyon ay magsi-shift siya. Nang sabihin niyang nais na niyang mag-shift, nagalit ang mga magulang niya at nagbantang itatakwil siya kung hindi niya tapusin ang kanyang pag-aaral pre-med.

She studied psychology at the Ateneo University and now, she graduated. Kahit labag sa kanyang loob, tinapos niya ang kursong halos hindi naman talaga niya gusto para lang pagbigyan ang kanyang mga magulang. Ngayon, nais na ng mga itong ituloy na nga niya iyon sa pagdu-doktor. Kahit pa labis ang kanyang pagtutol, wala siyang nagawa kung hindi mag-apply sa med school, sa UP Manila.

She once tried to be a rebel to her family but her father was heartless enough to cut the support he was giving her. Halos isang linggo siyang hindi kumain dahil lang sa wala siyang pera dahil tinikis siya niyo.

Sammie came from a family of doctors. Magmula sa kanyang mga magulang na isang cardiologist at isang neurologist, hanggang sa mga kapatid niyang  plastic surgeon at general surgeon. Lahat, mga propesyonal pagdating sa larangang medisina.

Naiiyak na naman siya. Pakiramdam kasi niya wala siyang kakampi sa bahay na iyon. Naisin man niyang umalis, saan naman siya pupunta? Ni hindi niya alam kung kaya niyang mabuhay kung wala ang suporta ng mga magulang. She was used to that. After all, she grew living like a princess. It was just that, she was an imprisoned version of that.

Masyadong istrikto ang kanyang mga magulang para masabing lumaki siyang nakamtan ang lahat ng gusto. Magmula sa pagkaing kanyang kinukunsumo hanggang sa style ng damit na kanyang gustong suotin ay may limitasyon, base narin sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Sakal na sakal na siya sa paraan ng pamamalakad ng mga ito sa kanyang buhay ngunit ano bang ang magagawa niya kung hindi sundin ang mga ito.

Bumangon siya kanyang higaan nang may narinig na may bumubusina mula sa kanyang silid. Sinilip niya iyon sa bintana para lang makita si Rudolf na nakangiti sa kanya at may dalang bugkos na bulaklak.

Hindi niya ito nginitian pabalik, sa halip ay pinagantay niya ito at nag-ayos na ng sarili. Sinusundo na siya nito, gaya ng araw-araw na ginagawa nito papasok ng med school.

Rudolf was her boyfriend, and med student as well. Sa UP Manila rin ito nag-aaral. Tatlong taon na simula nang maging magkasintahan silang dalawa. At first they were okay but their 'relationship' got worse eventually.

Ni hindi niya nga maramdamang nobyo niya ito, maliban nalang sa tuwing hahagkan siya nito. Halik na walang kadating-dating sa kanya, marahil dahil umaasa siya ng isang uri ng romansa na nabuo sa isip niya base sa pagbabasa ng mga romance novels noon. But the truth was, there was no such thing.

Anak si Rudolf ng isa sa mga malapit na kaibigan ng kanyang ama. Since it has been decided by her parents ever since she was a child that eventually, Rudolf was going to be her husband after they both finished their studies.

Pati sa pagnonobyo niya ay hindi siya hinayaan ng kanyang mga magulang kung sino ang nais niyang makasama sa buhay. Napabuga siya, iniisip na wala talaga siguro siyang lulugaran sa mundong ito na walang impluwensiya ang kanyang ama't ina.

Nang sa wakas ay matapos na siyang mag-ayos ng sarili ay bumaba na siya upang sumakay sa sasakyan ng kanyang 'nobyo' na siyang ngiting-ngiti sa kanya. Nilagpasan lamang niya ito nang tangkain nitong hagkan ang kanyang pisngi at diretsong sumakay sa sasakyan nito. Hindi man lang niya pinagkaabalahang kunin ang dalang bulaklak nito para sa kanya. Sumakay narin si Rudolf sa sasakyan.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon