Chapter Fourteen

177 8 0
                                    

"I personally prepared this since I never wanted you skipping your meals."

Ilang beses na napapikit si Sammie, iyon kasi ang nakalagay sa sulat sa loob ng isang paperbag na naglalaman ng burger meal na ipinadala sa kanya ng taong hindi naman nagpakilala. Ngunit nahuhulaan na niya kung kanino iyon galing. Iisang tao lang naman ang nagpapadala niyon sa kanya noon.

Ilang linggo ng hindi nagpaparadam sa kanya si Sandro. Ang inakala niya ay hindi na ito muling magpapakita sa kanya, maliban nalang kung may may kinalaman sa kondisyon nito sa mata. Ngunit heto ito ngayon, pinadalhan siya ng burger na mula sa isa sa pinakasikat na burger joint ngayon sa bansa.

Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang isip nang mga oras na iyon. Bakit ginagawa iyon ng lalaki iyon, nnong gusto nitong palabasin ngayon? Ang daming taong sa kanyang isip ngunit wala man lang sa mga iyon ang kaya niyang sagutin..

She opened the paperbag and a familiar savory scent lingered on her nose. It happened everytime she buys that burger. Miske noong una niyang beses na tikman iyon, parang kay tagal na niyang kinakain iyon dahil sa timplang meron ang burger pattie. Naisip niyang wala namang masamang kainin niya iyon bilang ayaw narin niyang lumabas nang mag-lunch break na.

Napapikit siya at ninanamnam ang pagkain. Hindi naman gaanong nasasarapan ang karamihan sa variant na iyon, talagang iyon ang kanyang paborito. It was as if the burger was designed for her palate.

Kinahapunan ay dumiretso siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang sabi ng kanyang ina nang tawagan siya nito ay dumaan daw muna siya doon, namomroblema ang tinig nito kaya't minabuti niyang dumaan na nga. Tinanong niya ito kung anong problema ngunit ayaw nitong sabihin sa telepono. Maigi na raw na personal siyang pumunta roon.

"Ma, what happened?" Bungad niya sa kanyang ina nang makarating siya sa kanila.

"You're father, he's been drinking non-stop since last night. Hindi ko na alam ang gagawin. Ayaw niyang magpapigil." Her mother said, being distressed.

Pinuntahan niya ang kanyang ama. Nasa home office nito ito. Bagaman namumula ito mukhang maari niya pa itong makausap. Nang lingunin siya nito ay sinubukan nitong tumayo sa kinauupuan nito ngunit nahilo ito kaya't mabilis niya itong tinungo upang agapan sa pagtumba.

"You! You are the reason why that bastard doesn't wanna let me be! Ayaw niya akong tantanan!" Sabi pa nito sa kanya at pagkatapos ay tumawa ng pagak.

Mukhang lasing na nga ang kanyang ama, kung anu-ano na ang sinasabi nito. Inalalayan niya ito at inihatid sa silid nito at ng kanyang ina. Kung noon siguro, marahal ay dinadam na naman niya ang sinabi nito ngunit siguro nga'y malaki na nga talaga ang i-m-in-ature niya para bale wala nalang sa kanya iyon ngayon.

Pagkatapos asikasuhin ang ama ay muli niyang binalikan ang ina upang kausain. Baka may problema lang ang daddy niya na hindi nito sinasabi sa kanyang mommy. Madami man silang hindi pagkakaintidihang dalawa ng kanyang ama, nag-aalala parin siya sa lagay nito.

"Mom, ano problema?" Hinawakan niya ang kamay ng ina, malaki man ang pagtatampo niya rito pagkat ni minsan ay hindi ito pumanig sa kanya kapag may nais mangyari ang kanyang ama, naaawa parin siya dito.

"Hindi ko alam, hija. But one time, may nabanggit ang Dad mo. He mentioned something about the hospital shares in his sleep. Sabi niya, may nakabili na daw ng majority no'n. Hindi ko alam ang buong kwento pero mukhang may pailalim na bumili ng shares. I don't know the reason behind it but it seemed like it was about someone who's going to be the new director of Navarro." Sabi ng kanyang ina, patukoy sa ospital na pagmamay-ari nila.

Napakunot ang kanyang noo, muling naguluhan tungkol sa usaping iyon. Hindi ba't tapos na ang issue na iyon? Kaya nga't mas naging tama para sa kanila noon na pakasalan nalang niya si Rudolfm Bakit nagkakaproblema na naman sila tungkol sa mga shares na iyon? Hindi kaya't nalulong na naman sa sugal ang kanyang ama? Minsan na kasing nangyari iyon, mabuti na lamang at tinulungan sila noon ng mga Sandoval.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon