Chapter One

993 13 1
                                    

"O anak, bakit sa tuwing magkikita tayo, mas lalo ka yatang pumapayat?" Bati ni Uncle Bart kay Alessandro. Matagal-tagal narin simula nang nadalaw niya ito at ang kanyang mga pinsan dito gawa ng abala siya sa iskwela at kanyang mga trabaho. Ngiti lamang at pagkamot sa ulo ang naisagot niya sa kanyang tiyuhin.

Labing apat na taon noon si Alessandro nang unang beses niyang makilala ang tiyo at ang pamilya nito. Palibhasa anak sa labas ang kanyang ina kaya't medyo late na nang makilala niya ang kanyang mga kamag-anak, ang kanyang lolo, ang ama ng kanyang ina at ang kapatid ng kanyang ina, si Uncle Bart.

Kung hindi nga lang siguro kinakapos noon ang kanyang ina, hindi ito lalapit sa kanyang lolo upang humingi ng tulong pagkat ilang taon itong may sama ng loob sa sariling ama pagkat lumaki ang kanyang inang walang kinagisnang ama at nakaranas ng matinding hirap sa buhay.

Nagkataon lang na may sakit siya noon at wala nang ibang choice ang kanyang ina pagkat wala rin naman itong malalapitang iba. Hindi nakilala ni Alessandro ang kanyang ama at simula noon, silang dalawa nalang ang magkasama.

Hindi naman nagkamali ang kanyang ina nang sa wakas ay napagdesisyunan nitong humingi nga ng tulong sa kanyang abuelo. Simula noon ay naging bahagi na siya at ang kanyang ina ng isang malaking pamilya, ang pamilya Wallace, kasama si Uncle Bart at ang buong pamilya nito.

"How's you mother? Matagal na siyang hindi dumadalaw dito. Nami-miss ko na kamo yung Bicol Express niya." Muli ay nais niyang mapakamot. Nalimutan niyang paborito nga pala iyon ng tiyuhin at hindi siya nakapagpaluto sa ina. Biglaan rin naman kasi ang naging pagpunta niya roon ngayon.

"Ayun nga po, Uncle. Ayaw  pong paawat ni Nanay. Gusto paring kumayod nang kumayod. Sabi ko nga po, may ipon naman kami, bakit hindi nalang siya magbukas ng tindahan para may pagkaabalahan siya habang nasa bahay pero ayaw niyang makinig. Gusto paring namamasukan sa karinderya ni Aling Ineng." Paliwanag niya sa kanyang tiyuhin na marahang tumatango lamang habang nakikinig sa kanyang paliwanag.

Marahil, iniisip ni Uncle Bart na batid nitong hindi nito mapipigil ang kapatid sa gusto. Ganoon katigas ang ulo ng kanyang ina. Kahit pa kasi sabihing maalwal na ang pasok ng pera sa kanila ngayon hindi tulad noon, nais parin nitong magtrabaho at kumita ng pera.

Ang madalas na katwiran nito ay mabuburyong lamang ito sa bahay kung tindahan lang ang bubuksan nito. Katwiran pa nito, mainam narin daw iyong nasa labas ito madalas, nakakahalubilo nito ang mga kaibigan nito. Isa na roon ang may-ari ng karinderyang pingtatrabahuhan nito, si Aling Ineng.

"Ikaw naman, kamusta ka? Ang payat-payat mo na naman. Baka naman nagpapalipas ka ng gutom?"

"Ay naku, hindi po Uncle. Katunayan nga po, ang lakas kong kumain. Madami lang talaga akong ginagawa sa school." Paliwanag niyang muli ngunit pinagkatitigan siya nito nang sandali na tila ba tinitignan kung siya ba ay nagsisinungaling. Hindi tuloy nila maiwasang magkatawanang dalawa.

"Uncle naman eh, para namang magsisinungaling ako sa inyo." Sabi niya, may halong guilt pagkat talaga namang mayroon siyang bagay na hindi sinasabi sa kanyang uncle.

Buwan-buwan kasi simula nang maging parter sila ng pamilya Wallace, sinigurado ng kanyang uncle na may matatanggap silang mag-ina na allowance at dibidendo mula sa kompanyang pagmamay-ari ng kanyang abuelo. Supplier ng construction materials ang negosyo nito habang si Uncle Bart naman ay may sariling construction firm kasama ang asawa nito. Magmula noon, masasabi niyang naging hamak na mas magaan na ang kanilang buhay na mag-ina mula sa isang kahig, isang tukang pamumuhay na kanyang kinagisnan.

~
Ngunit kahit pa malaki ang tinatanggap nilang allowance, kahit kailan ay hindi nasanay si Alessandro na pakialaman ang perang hindi niya pinaghirapan. Ang dibidendong natatanggap ay iniipon lamang niya sa bangko. Baka kailanganin din nila iyon na mag-ina sa hinaharap, madali na sa kanyang makakuha ng pera.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon