Chapter Six

158 9 0
                                    

Napahawak si Sammie sa magkabila niyang braso. Nilalamig na siya kakaantay kung darating pa ba si Alessandro sa kanilang tagpuan. She was in the park, a couple of blocks away from her home. Sa tingin niya ay maga-ala-una y medya na ng madaling araw kanina ng tumakas siya sa kanila.

Hindi naging mahirap para sa kanyang akyatin ang kanilang bakod pagkat may kahabaan din naman ang kanyang mga binti, lamang ay ganoon nalang ang kanyang pag-iingat pagkat kung mahuhuli siya ng kanyang daddy, baka ipatapon na siya nito sa ibang bansa kapag nagkataon.

Natitiyak niyang hindi malayong ganoon nga ang gawin nito gayung magpahanggang ngayon ay hindi parin ito maka-move on sa ginawa niyang hindi pag-uwi, ilang linggo na ang nakakaraan.

Sa totoo lang ang nais lamang niyang magpahangin kaya't lumabas siya ng kanilang bahay. Sa ginawa niyang iyon, nakaramdam siya ng pansamantalang kalayaan kahit pa alam niyang panandalian lamang iyon, talagang kakaibang saya ang kanyang nadama.

Kaya lamang, sa kalayaang iyon ay napagtanto niyang mag-isa lamang siya at walang ibang kasama. Nakadama siya ng lungkot, awa sa sarili. No one would understand her, she thought. Pigilin man niya ang kanyang luha na tumulo ay hindi niya nagawa.

Naisip niyang wala siyang kakampi. Na sa laki ng kanyang pamilya, ni isa sa mga ito ay walang nakakaintindi sa kanyang sitwasyon. She felt helpless and weak. Kung sana meron man lang, miske isang tao lang na dadamay sa kanya, labis na niyang ipagpapasalamat iyon.

Kinapa niya sa kanyang bulsa para kunin ang kanyang panyo upang punasan ang kanyang luha ngunit wala pala siyang dala. Sa halip, isang maliit na card ang kanyang nakuha. Ang calling card na ibinigay sa kanya ni Alessandro. As if it was a sign from above, she called the number. Ni hindi siya sigurado sa kung anong sasabihin kay Alessandro sakali mang sagutin nito ang tawag niya.

Ilang beses nag-ring ang cellphone ng lalaki ngunit wala namang sumasagot. Ilang beses niyang sinubukan ngunit talagang wala talaga. Napabuga siya. Marahil ay nahalata ng lalaki na hindi niya na gustong magkita pa sila noong nakaraan. Kasi naman, ayaw lang naman niya itog madamay sakali mang malaman ng kanyang ama na kaibigan niya ang tulad ni Sandro. Muli siyang napabugi. Ganoon na yata talaga siya ka-pathetic.

Ilang minuto pa ang lumipas, naisipan niyang tawagan ulit ang numero. Sinabi niya sa kanyang sarili na kapag hindi pa sinagot ng binata ang kanyang tawag, uuwi na lamang siya sa kanilang bahay.

Hindi naman siya nabigo nang sagutin na nga ng binata ang kanyang tawag. May kakaiba siyang bigat na naramdaman sa bawat pagpintig ng kanyang puso nang marinig niya ang tinig nito.

Tila ba para siyang kinakabahan na nasasabik na hindi niya maunawaan. Nang nag-hello ito sa kanya, pawang nakahinga siya nang maluwag. It was as if he already saved her from her miserable situation she called life.

Nang mga oras na iyon nais, niyang hilingin sa binata na agad siyang puntahan nito at sunduin sa kanyang kinaroonan. Nais niyang iwan ang lugar na iyon at magpakalayo-layo. She just wanted to be free.

Ngunit agad ring nabahag ang kanyang buntot nang maalala kung gaano naging kabait sa kanya ang binata noong nasa motel sila. Naisip niyang hindi dapat sinasamantala ang ganoong kabaitan nito kaya nga't nakunsensiya siya at kamuntikan nang ibaba ang telepono. Talagang ayaw niyang idamay ang binata sa kanyang mga problema.

But then Alessandro demanded her to tell him where she was. Nagtalo ang kanyang isip kung sasabihin ba sa binata kung nasaan siya ngunit sa huli, sinabi rin niya rito ang kanyang lokasyon. Tatlongpung minuto pa ang lumipas nang dumating ito at agad inakap ang kanyang nanginginig na katawan.

Sa kaalamang darating roon ang lalaki ngayon, hindi na niya napansing labis na pala siyang nilalamig. Abala ang kanyang isip sa kakaisip sa binata.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon