Chapter Sixteen

185 10 0
                                    

"I know it sounds crazy but, I still want you to marry me." Sukat natawa sa kanya si Samantha, pailing-iling. Hindi naman siya nagbibiro, iyon naman talaga ang nais niyang gawin ngayon miske naman noon. Iyon ay ang pakasalan lang ang babae.

"Hindi ka parin nagbabago. But I like that about you." Samantha said. She leaned on to him a give him a kiss.

They were lying in bed, both wearing nothing but their bared skin. They were making love all night and seemed like they couldn't get enough of each other. They made up for the years they've been separated.

Muling humilig sa dibdib niya ang babae doon nakatulog. Kinaumagahan ay nakangiti niyang sinalubong ang paggising nito, hindi niya nagawang makatulog bagkos ay pinagmasdan lamang niya ito ng ilang. Ngunit nang dumilat ito bigla itong napabangon at nagmamadaling nagbihis, naguguluhan man ay iyon nadin ang kanyang ginawa. Ang sabi nito ay kailangan nitong umuwi para askikasuhin ang anak nito na papasok sa school.

Agad naman siyang nagpresintang ihatid ito ngunit bago sila sumakay sa kanyang sasakyan, hinalikan niya ito. Kailangan niya iyon, marahil para sa assurance niya sa kanyang sarili. Kailangan niya ng panghahawakan na ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ay hindi basta pagkakamali lang o kung ano pa man. He wanted to believe that there was more to that.

Sumakay na sila at inihatid na nga niya ito sa bahay nito. Hindi na siya nito inaya sa loob ng bahay, naiintidihan naman niya pagkat ayaw niyang mabigla ang anak nito sakali mang makita silang magkasama nito. Napasandal siya sa kanyang kinauupuan. He felt uneasy leaving their house like that.

Kagabi habang kasama niya ito, pakiramdam niya ay nagbalik siya sa pagiging dating siya. Iyong tipong magandang ang disposisyon sa buhay at walang ginawa kung mangarap na ibigay ang magandang buhay para sa mga taong mahal niya. Para dito at para sa kanyang ina.

He was very relaxed last night, and actually forgotten everything he has been stressing about lately. Maybe because he was with her. Pakiramdam niya, ang saya-saya na naman ng kanyang puso. Bagay na matagal na niyang hindi nararamdaman pagkat natabunan iyon ng samu't-saring hindi magagandang emosyon simula nang magkahiwalay sila. Umuwi siya sa kanila at tinawagan ang kanyang ina.

"Anak, uuwi na kami diyan ng lolo mo sa makalawa." Bungad ng nanay niya sa kanya, tila nasasabik ang tono nito.

"'Nay, ang bilis naman po yata. Baka naman kinulit niyo lang si Lolo. 'Nay, kailangan niyong tapusin ang nga therapy niyo diyan, kailangan niyo" Sabi naman niya, naging mababa ang boses. Madalas kasi itong nagpupumilit na umuwi nalang at sa bansa nalang magpaggamot noon dahil hindi kumportable sa Boston.

May pagkamatigas ang ulo nito, mabuti nalang at nakinig ito sa kanyang Uncle Bart nang sinabi nitong kailangan talaga nitong matignan ng mga espesyalita doon.

"Iyon na nga anak ang sasabihin ko sayo. Kaninang umaga pagkagising ko, hindi ko maipaliwanag pero nabigla ako. Nang subukan kong tumayo, nagawa ko! Anak, luminaw din ang paningin ko, halos makita ko nang maigi ang mukha ni Tatay. Anak, isang milagro itong nangyari sa akin!" Sabi ng kanyang ina, nahihimigan niyang naiiyak ito dala ng saya.
Maging siya ay ganoon din ang nadama. Hindi makapaniwala sa ibinalita nito.

"When are you coming back? Ako na ang susundo sa inyo sa airport." Nangingiti siyang sabi sa ina. It was too overwhelming for him. Tuloy, hindi na siya magkapag-antay na umuwi na ito.

~•~•~•~•~

Napahawak si Sammie sa kanyang pisngi nang bigla siyang sampalin ng kanyang ama. Nasa library sila ngayon sa ng bahay ng kanyang biyenang lalaki pagkat kaarawan nito. Sila lamang ng kanyang father-in-law ang naroroon kasama ang kanyang ama.

"Wala ka na talagang ginawang tama, nakakahiya ka!" Singhal sa kanya ng kanyang ama. Ang kanyang biyenan naman ay nakatingin lang sa kanila, nakunot ang noo ngunit tila walang balak pigilan ang kanyang ama.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon