Chapter Twelve

143 9 0
                                    

Nabuga si Samantha. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang klase ngunit hindi naman siya makapag-isip nang tama. Ni hindi niya magawang makapag-concentrate dahil alam niyang napasama niya ang loob ng kanyang nobyo.

Alessandro has been bugging her to marry him for quite some time now. Ang akala niya, kalaunan ay lulubuyan na nito ang topic na iyon ngunit muli na naman siya nitong tinanong at hindi niya nagawang sagutin iyon nang maayos. Napaka-unfair lang kasi noon sa para part niya. She knew something was just pressuring him to ask her that. Naipaliwanag na niya dito ang tungkol sa nakita nitong magkasama sila ni Rudolf ngunit tila hindi iyon naging sapat para dito.

He clearly wanted assurance that was why he asked her again. Ngunit hindi naman niya kayang um-oo dito para lang mapanatag ang loob nito. Paano naman siya? Hindi ba't naipaliwanag niya kahit kailan ay hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa kanyang ex, hindi pa ba sapat iyon para sa dito?

Kinagabihan nang makauwi siya ay tinawagan niya ang lalaki. Hindi nito sinasagot ang kanyang tawag ganoon pa man, nag-iwan siya ng voice message para dito.

"We need to talk, Sandro. I know that something is bothering you right now and we need to talk about that as weel. Hindi naman natin 'to maaayos kung hindi tayo magkikibuang dalawa." Napabuga siya at i-s-in-end na ang kanyang ni-record na mensahe.

There must be something really going on with Alessandro that her didn't want to tell her. Hindi naman ito karaniwang ganoon. He was usually the mature one to talk about matters between them before things get worse. Pero ayaw nitong magsalita ngayon. Paano niya malalaman ang problema kung hindi naman nito sinasabi sa kanya?

Wala siyang nakuhang sagot mula sa kanyang nobyo. Maging sa kanyang pagpasok sa iskwela kinabukasan ay hindi man lang ito nagpadala ni isang mensahe para sa kanya.

Ang akala niya ay patuloy parin itong nagtatampo sa kanya ngunit laking gulat niya nang naroroon ito ngayon, nakatayo ito sa gate ng kanyang campus. Pawang inaantay talaga siya nito.

He was wearing his university uniform holding a bouquet of flowers assuming, it was for her. Para itong manliligaw sa itsura nito.

Hindi pa man din nakakapasok nang tuluyan ang sasakyan niya sa loob ng campus ay bumaba na siya upang tawagin ang binata. Bakas sa itsura nitong pawang hindi rin ito pinatulog ng kanilang naging argumento bagaman pilit itong ngumiti sa kanya ngayon. Lumapit siya rito at sinuklian ang ngiting ibinibigay nito.

"Patawarin mo 'ko, Samantha. Madami lang talagang gumugulo sa isip ko ngayon kaya iginiit kong magpakasal ka sa akin. Pero naisip ko kagabi, miske ako ay hindi parin handang magpakasal. Masyado lang siguro akong nai-insecure sa kung anong naging meron kayo noon ni Rudolf. Na kahit hindi siya naging mabuti sa iyo dati, siya parin ang gusto ng mga magulang mo para sa iyo." Sabi nito, nagpapakumbaba ang tinig.

Nagyuko ito ng ulo at niyakap niya ito. Ngayon, lubos na niyang nauunawaan ang nararamdaman nito. Nati-threaten ito. Kung sana lang ay may paraan siya upang masiguro niya ritong walang sino o ano mang bagay ang maaaring makakapagpahiwalay sa kanilang dalawa. Hinaplos niya ang mukha nito

"Baby, you don't need to apologize, okay? Just next time if something is bothering you, you tell me, Alright?" Sabi niya rito at muling inakap ito.

~•~•~•~•~•~

Finals week na at halos mapabayaan na naman ni Alessandro ang kanyang pag-aaral. Kung noon, ang kanyang dahilan ay abala siya sa kanyang mga raket para makapag-aral, ngayon ay abala ang kanyang isip sa kung paano aayusin ang relasyong meron sila ni Samantha.

Hindi naman kasi niya akalaing makakahanap siya ng taong mamahalin niya nang sobra. Hindi niya inakalang magiging ganito kahirap lalo na't nagkaroon silang pagtatalong dalawa.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon