Chapter Four

190 6 0
                                    

Mag-isa sa lugar na hindi pamilyar, walang tigil ang iyak ni Sammie sa loob ng malamig na silid, habang nakahiga sa kamang hindi kanya. Hindi siya mapagkatulog kahit pa komportable naman doon. Hindi siya sanay na manatili sa lugar na walang kahit anong bagay na pamilyar sa kanya.

Kailanman ay hindi siya natulog sa ibang bahay maliban nalang kung nagbabakasyon sila, kasama ng kanyang pamilya. Kapag ganoon, may espesyal na kobre-kamang baon ang kanyang ina para sa kanya, lalo na't may pagkasensitibo pa naman siya kaya't may espesyal na punda siyang ginagamit upang hindi mairita ang kanyang balat.

Ngunit ngayon ay kailangan niyang magtiis. She rather have an irritated skin than to go home tonight. Ganoon nalang ang sama ng kanyang loob sa kanyang pamilya ngayon para tiisin niyang hindi umuwi. Muli, napasinghap siya nang maalala ang nangyari kanina sa agahan ng kanilang pamilya.

Kaninang umaga ay sinubukan na naman niyang kausapin nang mahinahon ang kanyang mga magulang tungkol sa pagsi-shift niya ng kanyang kurso. She really wanted to pursue fashion so bad that she was willing to compromise with her parents.

Habang nasa agahan sila ng kanyang pamilya kanina ay ipaliwanag niya sa kanyang magulang ang kanyang plano. Ngunit bigo na naman siya at tila nonsense lang ang kanyang mga pinagsasasabi sa mga ito. Parang kalokohan lang ang dating ng kanyang proposisyon sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ama.

Ang sabi niya kasi sa mga ito ay tatapusin niya ang kanyang pagdu-doktor, kung iyon ang nais ng mga itong gawin niya, kapalit ng pagpayag ng mga ito na pagkatapos niyon ay tutuloy siya sa Paris at ang gusto naman niya ang siyang masusunod.

Pawang pinagsaraduhan siya ng langit sa sinabi ng kanyang ama pagkatapos niyon. Para bang nahihibang siya kung itrato ng ama ang kanyang ideya. Ang sabi pa nito ay paano siya magkakaroon ng oras pumunta sa Paris pagkatapos niya sa med school kung may recidency pa siyang aasikasuhin. Kalokohan lang daw ang kanyang iniisip.

Ngayon, nagsusumikip ang kanyang dibdib sa labis na pag-iyak at pagkikimkim ng sama ng loob sa kanyang sarili. Nais niyang suminghal ngunit alam naman niyang wala ring maitutulong iyon sa kanya.

To make everything worse, she called Rudolf after that, thinking he would be a help to her. Agad naman siyang pinuntahan ng nobyo at dinala siya sa restaurant. She thought, maybe he was not that bad after all. Ayun nga't inaasikaso siya nito nang kinakailangan niya nito. Iyon pala ay may ibang motibo ito.

Ang walanghiyang lalaki ay mabait lamang sa kanya pagkat nais nitong samantalahin ang pagkakataong iyon, na namomroblema siya sa kanyang magulang at buhay.

Rudolf started kissing her inside his car at the restaurant. She quickly pushed him away and that angered him. Dahil doon ay nagtalo silang dalawa at ang walanghiyang lalaki ay nagawa pa siyang iwan roon na mag-isa. Ni hindi man lang ito nag-abalang bumalik upang isauli sa kanya ang kanyang bag na naiwan sa loob ng sasakyan nito. Tuloy, ni wala siyang dalang kahit ano bukod sa kanyang cellphone.

Mabuti na lamang ay naroon ang lalaking inakala niyang nobyo ng kanyang pinsan, base narin sa kung paano niya nakitang tignan ni Annabelle ang lalaki. She knew her cousin, and she was aware that the guy was her type.

The guy saved her and even brought to that motel. Kahit medyo cheap ang lugar para sa kanya, naa-appreciate naman niya ang gesture na ginawa ng binata. She even thought he was going to do something bad to her, bringing her there. Mali siya. Masyado siyang naging mapanghusga. Hindi rin niya masisi ang sarili, batid kasi niyang marami talagang taong mapagsamantala ngayon. Nag-iingat lamang siya.

Sa sandaling nakasama niya ng binata kanina, masasabi niyang sa behavior nito ay mabait at disenteng tao naman ito. Ayun nga't nagawa pa siya nitong dalhin sa ligtas na lugar kahit hindi naman talaga siya kilala nito.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon