Chapter Nine

145 6 0
                                    

Napapakamot nalang ng ulo niya si Sandro, hindi malaman kung maniniwala ba siya kay Sammie na matagal na itong may driver's license at ngayon ay nagpapaturo lang ulit sa kanya pagkat matagal narin itong hindi nakakapagmaneho gawa nga nang may driver itong naghahatid-sundo diyo.

"Mag-relax ka lang, saka mo dahan-dahang tapakan ang gas." Sabi niya sa kanyang nobya, tila nanginginig kasi ito at hindi mahawakan nang maayos ang manibela.

Nais niyang mapangiti sa kanyang iniisip. Sa wakas, natatawag na niya itong nobya niya. Sino bang magaakalang magkakaroon siya ng nobyang katulad nito? Napakaganda nito, mabait, matalino at higit sa lahat mabuti ang loob nito. Hindi parin siya makapaniwalang nagkagusto rin ito sa kanya .

"Bumaba ka na, ako nalang ang magmamaneho." Natatawang sabi niya. Sabado at buong umaga na niyang tinuturuan ito ngunit ilang beses na silang kamuntikang mabunggo.

Nasa isang subdivision sila ngayon kung saan nakatira ang isang kaklase ni Alessandro.

Dahil nga eksklusibo iyon, naisip niyang doon na siguro ang pinakamainam na lugar kung saan niya maaaring turuan magmaneho ang babae pagkat walang gaanong sasakyan dumadaan doon.

"No, I really need to learn how to drive again. In case I wanna scape.." Sabi ni Samantha.

Ilang beses na nitong nasabi sa kanya noon kung gaano ito nasasakal sa tuwing sinusubukang kontrolin ng mga magulang nito ang buhay at ang mga desisyon nito. Naiintidihan naman niya ang dalaga ngunit hindi siya sang-ayon sa ideyang balak nitong tumakas kung sakali. Sinabi niya narin iyon dito.

"Bumaba ka na, ako na ang magmamaneho." Ulit niya rito, mababa ang kanyang bagaman batid niyang alam nito ang tonong niyang iyon.

Sa tuwing sinasabi iyon ng dalaga ay talaga hindi niya iyon nagugustuhan. Nais niyang maunawaan nitong nakakanerbiyos isipin pa lamang na magiging mag-isa ito sa lugar na hindi ito sanay na puntahan. Paano kung mapahamak pa ito?

Hindi man ganoon kaarte ang dalaga ay sanay itong may umaasikaso rito at sa bawat gawin nito ay agad na may nakasunod rito upang ibigay ang pangangailangan nito. Pakiramdam ni Alessandro, hindi man niya kayang ibigay sa ngayon ang ganoon kay Sammie, sa isip-isip at hindi siya dapat magkulang rito.

Bilang nobyo nito, nais niyang pantayan ang pagpapahalaga at protektang ibinibigay rito ng mga magulang nito sa hindi nakakasakal na paraan. Nagaalala siya. Batid niyang may pagka-reckless din minsan magdesisyon ang babae.

"Sorry, I didn't mean to say that. Wala naman talaga akong balak tumakas. In case lang naman.. if ever gusto kitang puntahan." Lumabi ang babae sa kanya at siya naman ay napabuga. Ganoon ay hindi na niya ito matiis.

"Sige na, bumaba ka na. Ako na ang magmamaneho. Gutom narin ako." Sabi niya rito, nangingiti narin at pagkatapos ay pinisil ang ilong ng dalaga. Gustong-gusto niyang ginagawa iyon. Lamang ay nagaalangan siya noong una pagkat bibihira ang pagkakataong nahahawakan niya ito. Alangan siya pagkat takot siyang mag-alangan rin ito sa kanya at baka layuan pa siya nito noon.

"Sige, sa'n mo ba gustong kumain? Treat ko!" Excited pa na sabi ng dalaga.

"Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan. Ako, kahit ano naman kinakain ko." Sabi niya pa dito. Nag-isip ang dalaga ngunit sa huli ay nagkibit-balikat lang ito, hindi rin alam kung anong gustong kainin.

"O sige, ako nalang ang magpapasya." Nakangiting sabi niya rito. Nagpalit na silang pwesto at siya na nga ang nagmaneho.

~•~•~•~•~

Alanganing nginitian ni Samantha ang ina ni Sandro, si Aling Sandra. Hindi naman niya kasi akalaing doon siya dadalhin nito ngayon sa bahay ng ginang.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon