Chapter Seventeen

213 10 0
                                    

Sinilip ni Alessandro ang sarili sa rearview mirror bago tuluyang bumaba ng sasakya, tiningnan kung desente ba ang kanyang ayos ngayon. Nang makuntento ay bumaba na siya, dala ang ilang pasalubong para sa mag-ina.

Halos araw-araw siyang bumabalik-balik sa Batangas, nagbabakasakaling pansinin na siya ni Samantha at kausapin nang maayos. Madalas kasi ay papasukin man siya nito sa bahay nito, hindi naman siya nito kinikibo. Parang lang siyang hangin na dumaan sa harap nito na hindi naman nito napapansin.

Ganoon pa man ay tinutulungan niya ito sa mga gawain doon. Napansin kasi niyang may katiwala man ito roon, pawang ayaw naman ni Samantha na madalas itong naroroon pagkat nais nitong mapag-isa. Tuloy, siya ang naglilinis at nagluluto para sa kakainin ng mag-ina madalas. Hindi niya alam kung alam ba ni Samanthan ang ginagawa niyang iyon, madalas kasi ay nasa silid lamang nito ito.

Para narin siyang katiwala ng babae, lamang ay hindi siya nito nakikita. Hindi napapansin. Hindi siya nagrereklamo, kulang pa ang pagtrato nitong iyon sa kanya kumpara sa kasalanang kanyang ginawa rito. Ngayon niya napagtatanto kung gaano kabigat ang nagawa.

Pagpasok niya ng rest house ay hindi niya nakita si Samantha. Malaki ang bahay at gawa sa narra. Medyo may kalumaan narin ang estilo ngunit naipreserba iyon nang maganda, halatang mayamaan ang nagmamay-ari. Muling hinanap ng kanyang mata ang babae ngunit hindi niya ito makita, bagkos, natagpuan niya ang anak nitong naglalaro sa hardin na mag-isa.

Nilapitan niya ang bata dala ang kanyang pasalubong. Sa ilang araw niyang pagbalik roon, napansing niyang tila ilang sa kanya ang bata. Ganoon pa man, palagi niya itong sinusubukang kausapin.

"Hi, Alexis. Mind if I join you?" Tanong niya rito nang makalapit. Hindi ito sumagot, tila nag-isip muna ngunit halata namang gusto nitong um-oo. Lamang ay may kung anong pumipigil dito.

"Mom said I shouldn't be talking with strangers."

"But I'm not stranger, Alexis. You already met me, few days ago."

"No, you're not friends with Mom. I saw her crying because of you!" Sabi nito, humakbang papaatras mula sa kanya.

Ilang beses siyang napapikit dahil doon. Hindi niya akalaing nakita pala ng bata si Samantha na umiiyak noon. Kaya pala pawang iniiwasan siya nito.

"Alexis you're mom and I, we just had a misunderstanding. Hindi ko naman ko naman ginustong umiyak siya nang dahil sa 'kin. I'm not a bad guy, Alexis."

"Still, you made her cry. Pagdating ng dad ko, isusumbong kita!" Sabi pa ng bata.

Hindi niya alam kung bakit tila nasaktan siya nang sabihin nitong isusumbong siya nito sa daddy nito. Not because he was scared about that Rudolf guy. Baka sapakin niya pa ito. Iyon lang, hindi niya maipaliwanag na tila may kung ano sa loob niya ang naaapektuhan na tila nagtatampo sa kanya ang bata.

"Why do you look so sad all of a sudden? Are you scared of my dad?" Sabi ng bata sa kanya mayamaya nang hindi siya nakapagsalita. Napangiti siya sa tanong nito at ginulo ang buhok nito.

Hindi niya alam kung ano ang sumanib sa kanya ng mga oras na iyon ngunit hinatak niya ito, dahilan upang mapakandong ang bata sa kanya at inakap niya ito. Marahil, hindi lamang niya napapansin ngunit nagsimula na siyang magkaroon ng fondness dito.

Nakakatuwa ito at tila napakatalino para sa edad nitong iyon. Minsan pa nga ay parang matanda ito kung magsalita. Napakabibo rin nito at napaka-sweet. Naisip tuloy niya, talagang napaka-swerte ng kanyang half-brother, na ito ang tatay ni Alexis. Talagang na kay Rudolf na ang lahat.

Natawa ang bata nang hindi sinasadyang masundot niya ito sa tagiliran nito. Doon pala ang kiliti nito, tinuloy-tuloy niya iyon hanggang sa tuluyan na itong matawa nang malakas.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon