Chapter Seven

175 4 0
                                    

It was already five PM when Sammie and Alessandro went to the library. Sa national library silang nagpuntang dalawa at ngayon ay nakaupo sila, magkaharap sa bawat isa.

Bawal man silang gumawa ng ingay na pareho, tila ang katahimikan sa kanilang paligid ay sapat na para kay Sammie. She was reviewing for her anatomy finals and he was reading some entrepreneurship books across her.

Hindi man siya gaanong makapag-concentrate sa kanyang binabasa, tila ginaganahan naman siya lalong mag-aral. Paano naman kasi ay kasama niya ang binata doon ngayon.

Maybe it was her fascination towards him that made her wanted to study harder. Para kasing nakakahiya dito kung hindi man lang niya pag-iigihan ang kanyang ginagawang pag-aaral lalo na't nakikita niya ang binatang tutok na tutok sa binabasa nito.

Parang hayok ito sa kaalaman, isang bagay na nagustuhan niya dito sa totoo lang. Napabuntong-hininga siya habang nakatingingin sa binata, hindi nawawala ang kanyang lihim na ngiti para dito. Mayamaya ay napailing siya sa kanyang sarili, pawang biglang natauhan.

Did she just look at him dreamily? Iyon na siguro ang ipekto sa kanya ng kapapanood ng mga pelikulang hango sa mga libro ni Nicholas Sparks. Tila nananaginip na siya nang gising.

Simula nang mapanood niya ang pelikulang The Vow noon sa loob ng sasakyan ni Sandro, nang kinagabihan ding iyon ay nag-binge watch din siya ng iba pang Nicholas Sparks Movies. Mula noon, pawang lagi nalang niyang nais mangarap, na maranasan ang mga bagay na nasaksihan niya roon na batid niyang imposible namang mangyari sa totoong buhay.

"Baka naman matunaw ako niyan. Magtira ka naman para sa iba." Mapanudyong tono ng lalaki sa kanya. Nakangiti ito bagaman hindi inaalis ang tingin sa binasa.

Siya naman ay ganoon nalang ang pamumula ng pisgi. Alam pala ng lalaking kanina pa niya ito pinagmamasdan. Nais sana niyang takpan ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan nang hawakan ni Sandro ang kanyang kamay.

Tila nanigas siya sa kanyang kinauupuan, nanlalaki ang mata at tinignan si Sandro. Nakatutok parin ang atensiyon nito sa librong binabasa nito.

"Ay sorry, akala ko yung libro." Sabi nito nang makitang ang kamay niya ang siyang hawak nito.

Kaswal na tumango lang siya dito sabay napakagat sa kanyang labi. Was the guy playing games with her? Ngunit parang sinsero naman ito sa paghingi ng paumanhin sa kanya? No, she wad almost certain that he did that on purpose. Almost. Malinaw namang may tensiyong namamagitan sa kanila roon.

Ganoon pa man ay hindi niya mapigilang mapangiti sa kanyang sarili at pagkatapos ay patuloy na kinagat ang sariling niyang labi. Anong gagawin niya, titili sa kilig? Ayaw niyang gumawa ng kahit anong ingay roon kaya't pigil na pigil niya ang kanyang sarili.

Maybe he found her attractive, too. Nais niyang mapahagikgik sa ideyang iyon. Simula nang makilala niya ang lalaki sa mas malalim na paraan, marami sa mga katangian nito ang kanyang lubos hinahangaan. Marahil doon nagsimulang umusbong ang kanyang paghanga para dito.

He was almost perfect, she thought. Sa nakikita niya, matalino ang lalaki. May sense kausap, maginoo, maalaga, at higit sa lahat, pinapahalagahan nito ang mga taong nakapaligid dito, lalo na ang nanay nito higit pa sa sarili nito. Ganoon niya nakikita ang lalaki, parang hindi nito kayang gumawa ng mali sa paningin niya.

"Ano ba 'yan, nagsisimula na 'kong mailang. Kanina mo pa 'ko tinitignan, eh. May dumi ba 'ko sa mukha?" Tanong ni Sandro sa kanya, mukhang nagsisimula na ngang mahiya, ni hindi ito makatingin nang diretso sa kanya ngayon. Natawa tuloy siya. If only he knew how cute he was that moment.

"Wala, ang seryoso mo kasi. Ang sarap mong pagmasdan." Palusot niya.

"Ssshh!" Parehas silang napapitlag ni Sandro nang lapitan sila ng librarian at sawayin. Agad silang humingi ng pasensiya rito.

From My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon