Chapter Two

8.7K 115 7
                                    

PAKIRAMDAM ni Cherry ay biglang nag-slow motion ang lahat sa paligid niya habang pinagmamasdan niya ang doktor na naka-assign sa kanilang pila. Nang mga sandaling iyon ay parang nagblurred ang iba pang tao sa kanyang paningin at sila lamang ang dalawang nag-e-exist nito. Parehong-pareho ang features nito sa lalaki sa kanyang panaginip at nakasisigurado siya doon. Kahit hindi siya nito hawakan o titigan kaparis nang ginawa nito sa kanyang panaginip ay naramdaman pa rin niyang nawala sa lugar ang kanyang puso at nanghina ang kanyang mga tuhod. Sa buong sandaling nakapila sila ay hindi niya inalis ang paningin dito. Sa sobrang pagkatorete rito ay hindi tuloy niya namalayan na narating na pala nila ang harapan ng pila at sila na pala ang sunod na sasalang. Wala kasi sa loob niya ang ginagawa pagkat nakatuon ang buong atensyon niya sa naturang doktor.

Naupo na ang kanyang lola sa harapan nito. "Magandang hapon sa inyo, Dok." ang bati nito sa nasabing doktor.

Nang ngumiti ito ay parang nakakita si Cherry nang santalaksang fireworks sa background. "Magandang hapon rin naman po sa inyo, Lola." ang tugon nito sa baritonong tinig na masarap sa pandinig.

"Kay gwapong doktor naman ng batang ito!" maging ang kanyang lola ay nahalina rin sa taglay nitong karisma. Napangiti lamang ulit ito sa sinabi ng kanyang lola. "Apo, pakihawakan mo nga muna itong payong, oh." inabot nito sa kanya ang naturang payong subalit hindi agad iyon rumehistro sa kanyang pandinig kaya nanatili siyang nakatulala sa lalaki. Nangunot ang noo ng kanyang lola at nahihiyang ngumiti sa doktor na nahalinhan rin ng pagtataka ang mukha sa kanyang mga ikinikilos. "Sandali lang dok. Kakausapin ko lang." tumayo ito at binulungan siya. "Cherry, umayos ka nga! Ano bang nangyayari sa'yo, ah?"

Napakurap-kurap siya na halatang no'n lamang nagawang matauhan. "L-Lola, sorry, ano na nga po ulit iyon?" Nakagat niya ang lower lip niya sa sobrang pagkapahiya.

Napailing-iling na lamang ito saka inabot sa kanya ang payong. Bumalik na ito sa kinauupuan samantalang nagtungo naman siya sa may gilid nito. Nakita niya ang doktor na nakatingin sa kanya subalit agad ring bumaling sa kanyang lola. Para tuloy gusto niyang batukan ang sarili sa mga inasal sa harap nito. Sinubukan niyang ibaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon subalit kahit anong pandidistract ang gawin niya sa sarili ay balik at balik pa rin ang kanyang paningin sa gwapong mukha nito.

"Lola, ano pong nararamdaman ninyo?" ang tanong nito sa kanyang lola. Para itong reporter sa telebisyon kung magsalita pagkat napakalinaw at napakaganda nitong magdeliver ng mga words. "Mayro'n po ba kayong iniindang sakit?"

"Ay, naku, wala naman, dok." nakangiting umiling ang kanyang lola. "Kaya lang nitong mga nakaraang araw ay madalas akong nahihilo." paliwanag nito. "Nag-aalala ako na baka mataas ang aking dugo."

"Ganun po ba, eh, sige at icheck natin ang inyong blood pressure," kinuha nito ang sphygmomanometer saka ibinalot sa braso ng kanyang lola ang rubber cuff niyon. "Hinga po nang malalim, Lola." hinigpitan nito ang rubber cuff sa braso ng kanyang lola.

Pinagmasdan ni Cherry ang doktor habang ginagawa nito iyon. Napabuntong-hininga siya sapagkat napakaflawless nitong gumalaw. Kahit saang anggulo niya tingnan ay napakabreath-taking talaga nito kaya naman hindi niya napigilan ang sariling hindi mamesmerized dito. But something in his right cheek caught her eyes all of a sudden kaya saglit na natigilan siya sa pagpapantasya rito. Kinusot-kusot niyang mabuti ang mga mata at saka tinitigang mabuti ang naturang bahagi ng mukha nito. Nanlaki ang kanyang mata nang masiguradong nunal ang maliit na dot sa kanang pisngi nito. Oh my god! Natutop niya ang sariling bibig nang maalala ang tungkol sa palatandaan niya sa lalaki sa kanyang panaginip. Kung gayon, hindi nga siya nagkamali, ito nga ang lalaki sa kanyang panaginip at wala nang iba!

I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon