Chapter Nine

6.9K 90 3
                                    

NAPABUNTONG-HININGA nang malalim si Atom at saka iniahon ang sarili mula sa kinasasandalang upuan. Mag-iisang linggo na ang nakalipas magmula nang huli silang magkita ni Cherry at magsalo sa isang hindi inaasahang halik. It seemed to be that she's giving him time para mapag-isipan ang tungkol sa ilang mga bagay sa pagitan nila kaya hindi muna ito nagpapakita sa kanya. Pero hindi na niya kailangan iyon dahil nagawa nang bigyang kasagutan ng halik nito ang katanungan niya ukol sa damdaming lumulukob sa kanya sa tuwing kasama niya ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang aminin sa kanyang sarili, that indeed, he made him fall in love with her. Kung noon ay chemical chain reaction lamang sa ating utak ang itinuro niyang dahilan kung bakit naiinlove ang isang tao, ngayon ay naniniwala na siyang puso talaga ang nagdidikta niyon, like what his heart dictates him nang makilala niya ang totoong Cherry. Kinuha niya ang kanyang cell phone. He's never been glad na nagawa niyang makuha mula rito ang numero nito bago sila maghiwalay one week ago. Itinext niya ito. He can't live by the next minute na hindi pa rin niya ito nakikita. Sobrang miss na miss niya na ito. Kapag nagkita sila ay sasabihin niya na rito ang totoong nadarama.

NAPABALIKWAS si Cherry mula sa pagkakahiga sa kanyang kama nang marinig na tumunog ang kanyang cell phone. Isang linggo na siyang naghihintay ng text mula kay Atom. Kahit na gustong-gusto niyang siya na ang unang kumontak dito ay pilit niyang pinipigilan ang sarili dahil gusto niya itong bigyan ng oras. Naisip kasi niyang baka masyado itong nabigla sa mga nangyari nang huli silang magkita kaya hindi niya muna ito pinupuntahan sa hospital kahit pa ang totoo ay miss na miss niya na ito. Sa tuwing tutunog ang kanyang cell phone ay umaasa siyang ang pangalan ng lalaki ang makikita niya sa screen pero palagi siyang bigo. Kaya naman hangga't maaari ay ayaw na sana niyang umasa pa. Pero kakaiba ang kabang bumundol sa kanyang dibdib sa partikular na text message na iyon. She rose from the bed at napapalunok na kinuha iyon mula sa ibabaw ng bed side table. Pikit matang binuksan niya ang mensahe. Kamuntik na siyang mapatili sa tuwa nang ang inaasahang pangalan ang bumungad sa kanya sa screen. Hindi nga siya binigo ng kanyang kutob dahil sa pagkakataong iyon ay isang text message na talaga mula sa binata ang dumating sa kanya. Kakaba-kabang binasa niya ang laman ng mensahe nito.

I want to see you. Let's meet at the Manila Bay at five o'clock. Marami akong gustong sabihin sa'yo. I'll wait you there. –Atom

Pakiramdam ni Cherry ay nag-awitan ang mga anghel sa kalangitan matapos niyang mabasa ang mensahe nito para sa kanya. Nagbubunyi ang kanyang puso sa labis na kaligayahan. Ang mga paa niya ay tila nakalutang muli sa alapaap. Di na siya makapaghintay na makita ito at marinig ang sasabihin nito. Ayaw niyang umasa, pero sana sa pagkakataong iyon, magawa na talaga nitong tugunan ng "I love you, too" ang kanyang "I love you".

DINUKOT ni Atom mula sa bulsa ng suot na pants ang kanyang cell phone. Itetext niya si Cherry na malelate siya nang kaunti sa kanilang usapan. Nagkaroon kasi ng emergency sa hospital at iyon ang dahilan kaya hindi siya nakalabas nang mas maaga sa inaasahan. Dahil sa sobrang pagkaabala sa pagtetext ay di tuloy niya napansin ang kasalubong na babae. Di sinasadyang nagkabanggaan sila at nahulog ang kanyang cell phone. Nagblack out iyon bago pa man tuluyang masend ang mensahe niya para sa dalaga.

"Oh, I'm sorry!" ang narinig niyang hinging-paumanhin nito. Dali-dali itong yumukod para pulutin ang kanyang cell phone kaya hindi kaagad niya nakita ang mukha nito. "Here's your phone---" Natigilan ito nang makita siya. "Atom?"

Natigilan rin siya nang makilala ito. "Isadora?" Hindi siya makapaniwala na sa laki ng Maynila ay muli silang magkikita ng ex-girlfriend.

"Wow, what a coincidence!" ang tila hindi rin makapaniwalang ipinahayag nito. "Dito ka pala nagtatrabaho,"

"Y-Yeah, two years na." Napansin niyang namumugto ang ilalim ng mga mata nito na tila ba nanggaling ito sa pag-iyak. "Wait, are you okay?"

I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon