Chapter Three

7.9K 98 3
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Atom nang makaalis na ang huling pasyente niya nang araw na iyon. Hinubad niya ang suot na salamin at saka kinusot-kusot ang pagod na mga mata. Pumikit siya at isinandal ang ulo sa headrest ng kinauupuan saka ipinatong doon ang isang kamay upang hilutin ang masakit na bahagi niyon. Kaparis nang dati ay naging mabigat na naman ang kanyang araw sa hospital. Napakarami na naman kasing pasyente ang dumagsa para magpatingin sa kanya. Yes, nakakapagod ang kanyang propesyon, pero hindi niya alintana iyon sapagkat kakaibang fulfillment naman ang naibibigay niyon sa kanya.

Sa murang edad na sampung-taong gulang, alam na niya sa sarili na gusto niyang maging doktor paglaki niya. Kaya naman nagsumikap talaga siyang abutin ang pangarap. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat para pag-aralin siya sa top medicine school sa bansa. Nakita niya ang naging paghihirap ng mga ito kaya naman talagang ginawa niya ang best niya sa pag-aaral. Sa edad na 30 ay naging ganap na doktor siya. Sa kasalukuyan ay 32 years old na siya at dalawang taon nang nanggagamot. Sa loob nang dalawang taon na iyon ay naging sobrang dedicated siya sa kanyang trabaho kaya naman masasabi niyang nakamit niya na rin ang tiwala ng publiko when it comes to his medical skills.

Nagmulat siya ng paningin makalipas ang ilang sandali saka tumindig at hinubad ang suot na lab coat. Isinabit niya iyon sa kanyang braso at saka kinuha ang ilang mga gamit. Paglabas niya ay namataan siya ng ilang nurses. Napansin niyang pasimpleng nagkurutan sa tagiliran ang mga ito pagtapat niya sa may nurse station bagaman hindi na lamang niya iyon pinansin at sa halip ay nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad.

"Sayang talaga si Dok, ano?" ang narinig pa niyang wika nang isa sa mga ito nang makalampas na siya. "Gwapo sana kaya lang suplado."

Napailing-iling na lamang siya habang naglalakad palayo. Ang tingin ng mga ito sa kanya ay suplado siya, elusive, at anti-social. Pero hindi dahil binabalewala niya ang mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya ay gano'n na nga siya. It's his choice dahil hangga't maaari ay ayaw sana niya ng distraction sa kanyang trabaho. Besides, kung maraming tao ang fascinated sa ideya ng love, siya ay hindi. He's a science junkie and he looks at the world objectively. Kapag gumagawa siya ng mga desisyon ay hindi niya hinahayaang makaapekto ang kanyang emosyon doon.

Kaya naman kung siya ang tatanungin ay nagrerely siya sa scientific basis na kaya lamang nararamdaman ng mga tao ang love ay dahil sa series of chemical chain reaction sa ating mga utak. Para sa kanya ay wala iyong kinalaman sa ating puso gaya nang inaakala nang marami. Hindi niya matandaan na dumaan ang kanyang utak sa gano'ng proseso kahit kailan. Nagkaroon siya ng girlfriend before pero hindi love kung hindi attraction ang pinaniniwalaan niyang naramdaman niya para dito.

Didiretso na sana siya sa parking area ng hospital kung saan naro'n ang kanyang sasakyan. Subalit bago pa man niya iyon magawa ay isang pamilyar na babae na ang humarang sa kanyang daraanan. Kunot-noong napatitig siya rito at gano'n na lamang ang kanyang pagkagulat nang makitang ito rin 'yong babae sa medical mission. Ano kayang ginagawa nito doon at anong kailangan nito sa kanya?

NAGKAGULO-GULO na naman ang sistema ni Cherry nang mga sandaling iyon na kaharap niya ang gwapong doktor. Pakiramdam niya ay nawala na naman sa lugar ang kanyang puso at nanghina na naman ang kanyang mga tuhod. Pati kili-kili niya ay parang bigla ring pinagpawisan. Pero sa kabila niyon ay nagawa niya pa rin itong harangin at lapitan nang mamataan niya itong palabas ng hospital.

She gave him her widest smile. "H-Hi, Dok," Nagawa niya pang kumaway rito sa kabila nang pangininig ng kanyang kamay.

Napalunok siya nang manatiling nakakunot ang noo nito. Parang bigla siyang nablangko gayong kabisadong-kabisado niya naman kanina ang sasabihin at ikikilos sa harap nito. She glance side by side na parang humahagilap nang sunod na sasabihin rito.

I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon