Chapter Four

6.5K 83 3
                                    

NAKAUPO si Cherry sa isang cemented bench sa may gilid ng hospital at inaabangan ang paglabas ng doktor. Balak sana niyang dalhan ito ng lunch ngunit naalala niyang half day nga lang pala ang trabaho nito sa hospital nang araw na iyon. Base iyon sa schedule na nakatala sa may resetang ibinigay nito sa kanyang lola. Kaya naman naisip niyang sundan na lamang ito kung saan nito balak pumunta nang araw na iyon. Gusto kasi niyang malaman kung anong mga ginagawa nito at kung sinong kasama nito kapag wala ito sa trabaho. Huwag naman sanang magdilang-anghel ang kanyang kaibigang si Erika. Sana naman ay wala talaga itong girlfriend or commitment sa kahit na sinong babae.

Hindi nga naglaon at namataan na niya itong lumabas at dumiretso sa parking area ng hospital kung saan nakahimpil ang sasakyan nito. Nakaramdam na naman siya nang pagtahip ng dibdib nang masilayan ito. Hay, ano ba ang ginawa nang lalaking ito sa kanya para maramdaman niya lagi ang gayon sa tuwing nakikita niya ito? Nakita niyang sumakay ito doon kaya naman dali-dali na rin siyang pumara ng taxi para masundan niya ito. Yes, what her doing is pretty crazy, pero bahala na kung anong isipin ng ibang tao. For goodness' sake! Her life has never been this exciting magmula nang makilala niya ito! Masisisi ba siya nang mga ito kung gumawa siya nang mga nakakalokang bagay ngayon dahil dito?

Nakita niyang ihinimpil nito ang sasakyan sa tapat nang isang malaking supermarket. Hinintay niya munang makababa ito at maunang pumasok sa loob bago siya bumaba sa sinasakyang taxi. Nang lisanin na nga nito ang sasakyan ay dali-dali siyang nag-abot ng bayad sa may driver at bumaba na rin doon. Puno nang pag-iingat na sinundan na niya ito sa loob pagkatapos. Nakita niyang kumuha ito ng push cart at dumiretso sa may dry goods section. Maliliit ang mga hakbang na sinundan niya ito. Wala siyang kaalam-alam na habang ginagawa niya iyon ay nakasunod din pala sa kanya ang isang staff ng supermarket at inoobserbahan ang bawat galaw niya. Marahil ay napansin nito na kakaiba ang kanyang mga ikinikilos kaya sinundan siya nito.

Nang mabili na nito ang lahat nang kailangan sa dry goods section ay namataan niyang nagtungo naman ito sa section ng frozen goods. Nagtungo siya sa isang eskparate na malapit sa kinaroroonan nito at nagkunwaring namimili kahit pa ang totoo ay lihim lang na sinisilayan niya ito. Inililis nito ang manggas ng suot na long sleeves habang namimili at nakita niyang naglabasan ang mga muscles nito sa braso. Natulala siya sa pagkakatitig dito at makailang beses napalunok. Air-conditioned naman sana ang lugar pero pakiramdam niya ay biglang nag-init ang buong paligid. Baka matunaw ang mga binibili nitong frozen goods dahil sa hotness na taglay nito. Nakagat na lamang niya ang lower lip niya habang pinagmamasdan ito. Sa gayong tagpo na lumapit sa kanya ang naturang staff na hindi niya alam na kanina pa pala siya sinusundan.

Pinituhan siya nito. "Hoy, ano 'yan ha?!" malalaki ang hakbang na dali-dali itong lumapit sa kinaroroonan niya.

Sa gulat niya ay napapihit siya paharap dito. "Ano bang problema mo ha?!" ang may halong inis na bungad niya rito.

"Aba at ikaw pa itong nagtataray!" ang nakaismid na sabi nito sa kanya. "Hoy, Miss, para sa kaalaman mo, kanina pa kita sinusundan, at kanina ko pa rin nakikita na sinusundan mo yung lalaki dun sa frozen goods section!"

Natigilan siya sa narinig na tinuran nito. Pakiramdam niya ay bigla na lamang siyang tinakasan ng dugo sa buong katawan niya. Gano'n ba talaga siya ka-obvious? Kinalma niya ang sarili saka nag-alis ng bara sa lalamunan.

"H-Hoy ka rin noh!" ang bwelta niya rito nang makabawi. "Para rin sa kaalaman mo, wala akong alam sa mga sinasabi mo, namimili ako nang maayos dito tapos---"

Hindi na niya nagawa pang ituloy ang sasabihin nang bigla na lamang umalingawngaw ang tinig ng doktor.

"Ahm, excuse me, anong nangyayari dito?" ang tanong nito sa baritonong tinig na masarap sa pandinig.

I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon