Chapter Seven

6.1K 65 1
                                    

NAPAPABUNTONG-HININGANG itinulak pasara ni Atom ang pinto ng kanyang kwarto. Hinihilot-hilot ang kanyang sintido na naupo siya sa kanyang bed at tinanggal ang sintas ng suot na sapatos. Para siyang masisiraan ng ulo kapag kausap niya ang babaeng iyon. She always find a way to caught him off guard. Idagdag pa ang kakaibang damdaming lumulukob sa kanyang dibdib kapag diretsahang sinasabi nito sa kanya kung gaano siya nito kagusto. Hindi niya na alam kung ano bang nangyayari sa kanya.

He let out a sigh again. "Oh, Cherry, what am I gonna do to you?" ang problemado niyang tanong sa sarili.

Nagtungo siya sa may tapat ng bintana pagkatapos. Pinagmasdan niya ang malakas pa rin na buhos ng ulan sa labas. Lihim niyang nahiling na sana ay tumila na iyon nang sa gayon ay maihatid na niya sa bahay ang dalaga. Nasanay siyang mag-isa at hindi niya alam kung 'yon ba o ang katotohanang naiilang siya dito ang dahilan kung bakit hindi niya gustong manatili ito sa kanyang bahay. Di kalaunan ay nakarinig siya nang tatlong sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Napabuga siya ng hangin bago isigaw ditong bukas iyon.

Bumungad si Cherry na maluwang ang pagkakangiti sa kanya. "Hi, Dok Tom!" humakbang ito papasok sa loob.

Pinagkunutan niya ito ng noo. "Anong kailangan mo?" parang hindi maganda ang kutob niya sa ngiting namataan niyang nakasilay sa mga labi nito.

"Uhm, wala naman," ang kibit-balikat na tugon nito sa kanya. "Naisip ko lang, pwede bang ano, pwede bang dito nalang muna ako magstay?"

"W-What?!" Nanlaki ang kanyang medyo singkit na mata sa narinig na sinabi nito. "Anong ibig mong sabihing dito ka muna mag-i-stay?!"

"Ang awkward naman kasi, tayo na nga lang dalawa rito, dun mo pa ko patutuluyin sa isang kwarto. Takot pa naman akong mag-isa. Pa'no nalang kung may magpakitang multo sa akin do'n. Kargo-de konsensya mo pa pag nalagutan ako ng hininga sa takot."

Di makapaniwalang pinagmasdan niya ito. "Ghosts are just created by our minds. There are no scientific basis na totoong nag-e-exist sila. At isa pa, my house is not a horror house gaya ng mga napapanood mo sa movies. Sinisiguro ko sa'yong walang mga manmade zombies or whatsoever dito." As if namang hindi niya alam na nagdadahilan lamang ito.

"Sus, ang sungit naman!" nakalabing humalukipkip ito. "Huwag po kayong mag-alala, dok, wala naman po akong balak gahasain kayo, eh!"

Natapik niya ang sariling noo dala ng labis na frustration. Seriously, bakit ba alam na alam ng babaeng ito kung paano gagawing awkward ang usapan? Gustuhin man niyang itaboy ito ay alam niyang hindi rin naman nito titigilan ang pangungulit sa kanya.

"Sige na, matapos lang ito," ang napipilitan niyang naipahayag sa huli. "Huwag ka lang magulo dahil kailangan ko pang pag-aralan ang records ng mga pasyente ko."

IGINALA ni Cherry ang paningin sa kabuuan ng kwarto ni Atom. There is a set of working table and a huge bookshelf na punong-puno ng mga medical at scientific books sa likod niyon. Iniisip niya palang na babasahin at pag-aaralan niya ang mga iyon ay parang gusto na niyang kumuha ng lubid at magbigti. It was another proof that he's not just exceptionally handsome, but exceptionally intelligent, too. Hindi niya tuloy maawat ang sariling lalong mahulog dito. Naglotus position siya sa bed at mataman itong pinagmasdan habang abala ito sa pagrereview ng records ng mga pasyente nito. Mayamaya ay tumindig ito mula sa kinauupuan at dumukwang ng libro mula sa bookshelf. Naglabasan ang muscles nito sa braso at bahagya ring umangat ang suot nitong t-shirt. She discovered that he has a dimple at the bottom of his spine at hindi niya napigilan ang sariling hindi mapalunok. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang paligid gayong malamig naman ang klima sa labas dahil umuulan. Kapag ganito nang ganito ang nakikita niya ay baka mahirapan siyang tuparin ang pangako ritong hindi niya ito gagahasain.

I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon