2

7.6K 143 2
                                    

"I'VE HEARD good news. Congratulations that you've finally back on your senses, my dear Grimson."

Sa komento ay napatingala si Grimson mula sa mga binabasang papeles. Kilala niya ang boses at iyon ang isang boses na karapat-dapat na tingalain---ang may-ari ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho at paborito rin niyang Lola. Paborito in a sense na dahil wala naman siyang pagpipilian. Si Alexandra Valle na lang kasi ang Lola niya at tumatayo rin na guardian niya sa maraming taon. Pareho ng patay ang mga magulang niya.

"Nasa opisina tayo, Grandma. Pag-usapan na lang natin ang negosyo, hindi ang personal na buhay ko."

"I'm the boss. I make the rules. Wala naman sa patakaran na ginawa ko na hindi puwedeng makipag-usap ng personal life sa loob ng kompanya. And besides, I am your grandma. I care about you." Umupo sa harapan ng table niya ang fifty nine years old niyang Lola. Humalumbaba pa ito, parang handang maghintay kahit limang oras para magbigay siya ng statement.

"Palakpakan niyo na lang ako at naggawa ko na ang gusto niyo. Hindi ko na gustong magbigay ng details sa inyo."

Tumaas ang isang kilay nito. "Teka, umiiwas ka ba? 'Wag mong sabihin na kaya ganoon ay dahil nasaktan ka sa paghihiwalay niyo ni Julianne?"

Gustong matawa ni Grimson. Siya nasaktan? Hindi naman niya masasabi na minahal niya si Julianne. May punto ang mga binibintang sa kanya ng babae. He just loves to fuck her out. Sino ba naman ang hindi makaka-resist sa ganda nito? Big breasts, long legs and a body to die for. Lalaki lang siya na may mataas na libido. Nang magpakita ito sa kanya ng interes ay hindi siya bato para hindi magkaroon ng reaksyon. And it was so intense that he did something stupid---a commitment.

Wala naman kasi na problema si Grimson kay Julianne. Maganda at successful rin na fashion model ito. May pagka-bitchesa nga mang ang ugali paminsan-minsan pero tolerable naman. Hindi mahalaga kay Grimson ang ugali, lalo na at malaki rin ang benefit noon sa kanya. It just made Julianne a bitch in bed, too. A tiger. Wild. Gusto niya ang mga ganoong klase ng babae. In short: wild and passionate sex lang ang gusto ni Grimson kay Julianne.

Sinalubong niya ang mata ng matanda. "We are over. I am good with it."

"You should! Hindi si Julianne ang babaeng gusto ko para sa 'yo." Hindi na bago kay Grimson ang komento ng Lola. Pakawala na babae raw si Julianne dahil sa paraan ng pag-aayos nito.

Kinuha ng matanda ang cell phone sa bag. Nagpipindot ito roon at maya-maya ay may hinarap sa kanyang larawan mula sa gallery.

"So puwede na ulit kayo ng babaeng ito?"

Ipinakita ng matanda ang larawan ni Grimson at babae niya mula sa kanyang nakaraan. Kung hindi nga lang nakakadiri para sa lalaking kagaya niya, malamang ay naipaikot na niya ang mga mata.

Napabuntong-hininga si Grimson. Naroroon na naman sila. Masama ang pakiramdam niya na dumating ang Lola niya sa opisina niya at nakikiusyoso ng love life. May ipaglalaban na naman ito at iyon ay ang makipagbalikan siya sa pinakauna na naging seryosong relasyon niya: si Sabina.

"It's been two years. Mag-move on na tayo."

"I love her for you, hijo. I believe that no other girl can change that."

Umiwas ng tingin si Grimson. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa relasyon niya kay Sabina. It was a failure and he doesn't want to talk about failures. Hindi lalo ngayon na nasa opisina pa siya. Ayaw niyang sumama ang kanyang loob o kaya ay masaktan ulit.

"'Wag na natin pag-usapan ito. I'm in a bad mood right now. Makakadagdag pa ang walang humpay niyong pag-iinsist. Naiinis ako ngayon. At naiintindihan niyo naman 'di ba?" Tinignan ni Grimson ang papeles. "This job sucks!"

Pressured si Grimson sa trabaho. Hindi naman siguro siya masisisi dahil mataas ang posisyon niya sa kompanya. At the age of twenty nine, he is already the comptroller of Valle Constructions. Business graduate siya pero hindi nakadagdag ang pinag-aralan para mahalin niya ang trabaho na ipinagduduldulan sa kanya ng Lola. Kailangan raw kasi siyang sanayin na mamahala ng kompanya kahit hindi niya gusto. Siya kasi ang panganay na apo nito at mas nararapat siya sa puwesto.

Grimson wanted to be a videographer. Nagkaroon siya ng pagkakataon na mag-crash course pero hanggang doon lang iyon. Hindi siya pinayagan ng Lola niya na mag-apply sa iba. Pinanatili siya nito sa Valle Construction at tinaasan pa ang posisyon. Bilang malaki ang utang na loob, gustuhin man na sumuway ay hanggang reklamo lang ang kayang maggawa ni Grimson. Mahal niya ang Lola kahit medyo nakakainis ang pagiging manipulador nito.

"I know. But your life sucks more without Sabina in it."

Hindi nagsalita si Grimson. He partly knew it was true. Pero nuncang aaminin niya iyon.

Bumuntong-hininga ang Lola ni Grimson. "Wala na ba talagang pag-asa para balikan mo si Sabina, hijo?"

"Sa sitwasyon ko ngayon sa trabaho, sa tingin ko ay matatagalan. Alam niyo naman na nahihirapan ako sa posisyon na binigay niyo sa akin sa kompanya 'di ba? I don't want to have a burden anymore..."

Tinitigan siya ng kanyang Lola. "All right."

May pakiramdam si Grimson na may kasunod pa iyon. "What all right?"

"Well, I've been thinking about this lately. Siguro nga ay tama ka. Hindi kita dapat na pilitin sa trabahong gusto mo..."

Napahawak ang isang kamay ni Grimson sa dibdib. Lumakas ang tibok ng puso niya. He could sense good news. He crossed his fingers under his table with it. Ito na ba ang "go card" na inaantay niya?

"Mukhang interesado si Alessandro sa business," pagtukoy ng Lola sa nakakabatang pinsan niya na si Grimson. Twenty seven years old na ito. Civil Engineering ang tinapos nitong kurso at noong isang buwan lang nagsimulang magtrabaho sa kompanya. Nanirahan kasi ito sa States dahil nagkaroon ito ng magandang opportunity na makapagtrabaho sa isang magandang kompanya na matagal na nitong pangarap. Isinabay na rin ang pagkuha ng masterals sa isang ivy school roon. Ngayong nagtatrabaho na ito sa VC, halatang na-enjoy nito ang ginagawa. Magaling itong mag-manage ng mga tao. Masaya ito.

"I know! Inamin niya iyon sa akin. Nakausap ko na siya,"

"Hmmm..."

"Mas makakabuti kung si Alessandro na lang ang mamahala sa business. I'm pretty sure VC will be a success in his management!" Napalakas ang boses ni Grimson. Excited siya! Pero may dahilan naman siya. Makakabuti iyon para sa kanya at sa pinsan. Ito na lang kasi talaga ang pag-asa niya para tumigil na sa pagtrain sa kanya ng Lola niya na mamahala ng kompanya. Half paralyzed na kasi ang Tito niya---ang Daddy ni Alessandro at iisang anak na lang na nabubuhay ng Lola niya. Samantalang social butterfly at wala namang alam sa business ang asawa nito.

Tumango ang kanyang Lola. "Nakikita ko nga. Pero gusto kong bigyan ng kondisyon ang pagbibigay ko ng kalayaan sa 'yo, Grimson."

"Anything, Grandma!" Kaunti na lang ay mapapatayo na si Grimson sa sobrang saya. Gagawin niya ang lahat para makalaya lang sa trabaho niya. Hindi siya belong sa business. Iba ang passion niya at gusto niyang sundin iyon.

"You have to be with Sabina again."

Napanganga si Grimson.

Dangerous Pleasure/Pleasure Of An Old Flame (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon