10

8.6K 151 1
                                    

PINILIT ni Addy na intindihin ang lahat. Nagpaka-mature na rin siya. Tinanggap niya na tama si Xander. Ano nga ba ang ginagawa niya sa beach resort na iyon na mag-isa? Hindi pa niya gustong magpa-istorbo. Nag-iinarte siya. Nang ma-realize niya na napaka-immature ng ginagawa niya ay umuwi na siya.

Pero mahirap pa rin talaga na intindihin ang lahat. Sa mga ginawa ni Xander sa kanya, dapat lang ay kalimutan na niya ito. Pero parang hinahabol siya ng mga alaala. Pumikit lang at humiga siya sa kama ay naalala na kaagad niya si Xander. It was a big problem. Ni hindi niya maggawang magtrabaho dahil iyon palagi ang pumapasok sa isip niya. Ilang beses na siyang kinukulit ng boss niya tungkol sa submission ng graphic art na pinapagawa sa kanya. Pero hindi niya ma-submit dahil wala siya sa mood magtrabaho. Subukan man kasi niya, hindi naman siya makapag-concentrate.

Kaya naman para ma-relax si Addy at mawala kahit papaano ang iisipin, napagdesisyunan niyang bisitahin ang matalik na kaibigan na si Jhorella. Kapag may problema siya, ang kaibigan ang palagi niyang takbuhan. Ito lang kasi ang masasabi niyang malapit sa kanya. Kaklase niya ito noong college siya at pareho nilang napili na magtrabaho sa Maynila nang makatapos. Sa ngayon, full time house wife na ito. Binisita niya ito sa bahay.

"Problema?" Nakahalukipkip kaagad ito nang makita ang mukha niya.

Napabuntong-hininga muna si Addy bago sumagot. Ikinuwento niya kay Jhorella ang lahat.

Tahimik na nakinig si Jhorella. Nang matapos siya ay napailing-iling ito. "Iyon lang?"

"Anong 'yun lang?" Napaungos si Addy. Napahalukipkip rin siya. "It's a big problem! Hindi ako makapagtrabaho dahil rito. Napaka-weird ng pakiramdam ko. Palagi na lang parang ang init ng pakiramdam ko. I also feel an itch---"

Natigil sandali sa pagsasalita si Addy nang talikuran siya ni Jhorella. "O saan ka pupunta?"

Hindi sumagot ang kaibigan. Sandaling iniwan lang naman siya nito at nagpunta sa kuwarto. Nang makabalik ay may ibinigay sa kanya na nasa kahon.

"Ano ito?" Nakakunot ang noo ni Addy. Sinimulan niyang buksan ang binigay sa kanya.

Kinindatan siya ni Jhorella. "Don't worry, hindi ko pa naman 'yan nagagamit."

Napakurap si Addy nang mabuksan ang kahon. It was like a pink toy that was long as an ordinary TV remote. May switch button rin iyon. Nang i-on niya ang switch ay nag-vibrate iyon.

"Ano ba ito?"

Ngumisi si Jhorella. "Uso na ang independent love making ngayon, girl..."

"Independent---" Natigilan si Addy. Nang ma-realize kung ano ang ibinigay sa kanya ng kaibigan ay para siyang nakakain ng sampung sili sa sobrang pagkapula ng kanyang mukha.

Dangerous Pleasure/Pleasure Of An Old Flame (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon