19

3.8K 92 6
                                    

GUSTONG idaan ni Grimson ang lahat ng samang nararamdaman sa pamamagitan ng tulog. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong raw ang tulog kapag masama ang loob ng tao. Pero pati ang tulog ay parang masama rin ang loob sa kanya. Ilang araw na nga siya na sleep deprived dahil sa pagpipigil na ilapit ang sarili kay Sabina. Kailangan na kailangan niya noon pero iniiwasan siya.

Mahigit dalawang oras na nang makauwi sila Grimson at Sabina sa unit niya. Tahimik lang silang dalawa, lalo na si Sabina. Nakokonsensya tuloy siya. Feeling kasi niya ay tinatago lang ni Sabina ang sakit. Hindi ito nagpapaliwanag sa kanya, at siya naman ay minabuti na huwag ng magtanong. Mas lalo lang siyang mahihirapan dahil alam naman niya na siya ang pinaka may kasalanan. Mahahalatang nasasaktan si Sabina sa pagbabalewala niya rito at pati na rin sa realidad na pinakita niya rito sa party ng Lola niya: ginagamit lang niya ito.

Alam iyon ni Sabina kaya hindi na dapat ito nasasaktan. Dapat ay inilagay na nito ang isip sa lagay na iyon. Pinipilit niya kaya dapat ay ganoon rin ito. Magiging maayos ba ang nakaraan kung pareho sa kanila ang ayaw mag-adjust?

Bumangon si Grimson. Nagpunta siya ng kusina para pakalmahin ang sarili sa pag-inom ng tubig. Pero maling galaw iyon. Nakita niya si Sabina sa dining room na katabi rin ng kusina. Umiiyak ito habang nakaharap sa laptop.

Grimson felt an unbearable pang on his chest. Napamura siya. Nilapitan niya si Sabina.

Sinalubong ni Sabina ang tingin niya para lang ilihis ulit. Pinunasan nito ang mga luha. "W-wala ito, ha..."

Napalunok si Grimson. "Tungkol pa rin ba ito sa nangyari kanina sa party?"

Huminga nang malalim si Sabina. "Puwedeng oo, puwedeng hindi." Umiling ito. "Well, siguro ay nadala lang rin ako ng emosyon ko sa ginagawa ko kaya ako nagkakaganito."

"Tell me about it."

Pagak na tumawa ito. "Hindi ka naman willing na tulungan ako pagdating sa bagay na ito."

Tumingin si Sabina sa harap ng laptop nito. Na-gets na ni Grimson ang ibig nitong sabihin. Problema iyon sa pagsusulat.

Naguluhan lalo si Grimson. Nasasaktan siya sa nakikitang hirap sa mukha ni Sabina. Pero hindi rin niya gusto na gamitin na naman siya nitong kasangkapan kagaya ng dati. Kung talagang talented si Sabina, hindi na siya nito kailangan. She didn't want to be a tool for her. Gusto niyang mahalin siya nito sa kung ano siya at hindi sa mga kaya niyang ibigay rito. Dahil ganoon naman ang pagmamahal 'di ba? Wala dapat na hinihinging kapalit...

Minahal ni Grimson si Sabina ng totoo at buong-buo. Naniwala siya na mamahalin rin siya nito kagaya ng kapareho. But it felt like she is just making a fool out of him. Kagaya rin ito ng Mommy niya. Ginamit lang siya sa pansarili nitong kapakanan.

Pero hindi lang iyon ang kinagagalit ni Grimson. Siguro ay makalumang lalaki rin siya. Gusto niya na nasa kanya lang palagi ang sentro ni Sabina. Pero mas mahal nito ang trabaho kaysa sa kanya.

Kaya lang, sa pagkakataong iyon, isinatabi muna ni Grimson ang damdamin niya. "Sabihin mo sa akin kung paano kita matutulungan."

"S-sigurado ka ba?"

The light on Sabina's eyes made Grimson happy. Gumaan ang pakiramdam niya. Ito na ang hinahanap ko. Tumango si Grimson. Umupo siya sa tabi nito.

Ipinakita ni Sabina ang manuscript nito. "First, I am trying to write an erotic romance book."

Alam iyon ni Grimson dahil sa nabasa niya. "At?"

"I'm stuck with a scene. The scene is about sexual fantasies and..." nakagat ni Sabina ang ibabang labi. Hindi nito natuloy ang sasabihin.

Tumaas ang isang kilay ni Grimson. "Wala ka bang sexual fantasies?"

"I-I'm not so sure. Alam mo naman na sa ating dalawa, ikaw ang palaging gumagawa ng aksyon. You are the teacher and I am just your willing pupil."

Grimson was thrilled. Bigla niyang naalala ang mga maiinit na gabi nila ni Sabina. At totoo ang sinasabi nito. Siya ang madalas na nagtuturo ng mga galaw at estudyante lang niya si Sabina.

"With the other guys---"

Namula si Sabina. "'Wag na natin na pag-usapan 'yan."

Tumango si Grimson. Nahihiya ba ito na aminin sa kanya ang mukhang halata naman? Siya lang ang nakagalaw sa babae. Una at huli. Alam niya iyon kahit hindi nito aminin. She was very tight when their affair started again. It boosts his ego and made him want her more. Kung hindi nga lang talaga siya na-disappoint na umuulit lang ang nakaraan...

"All right," tumayo si Grimson. "Just wait here."

Pumasok si Grimson sa kuwarto. Kinuha niya ang laptop niya at may binuksan na folder roon.

"Y-you have a compilation of porn videos." Bahagya pang pumiyok si Sabina nang makita ang nasa folder.

Ngumisi si Grimson. "Puwede kang matututo ng sexual fantasies sa mga porn videos."

Mataas ang libido ni Grimson kaya hindi naman siya masisisi na maghanap pa siya ng ibang klase ng kasiyahan kaysa sa traditional missionaries. If he doesn't feel like going out just to get laid, mas kapakinapakinabang sa kanya ang mga ganoong sex videos. Lalo na kapag nasa mood siya na gusto niyang maikama si Sabina. Iniisip niya na ito ang babae sa video. Silang dalawa. Mahirap kasi iyon na gawin kapag kasama ang iba dahil baka masabi niya pa ang pangalan ng dating nobya. Minsan na kasi na nangyari iyon sa kanya at natikman niya ang kakaibang klase ng galit ng babae na iyon. Hindi na niya gustong maulit.

"I know. Naggawa ko na rin naman iyon." Mukhang hindi pa rin komportable si Sabina.

"Then? Marami kang malalaman na techniques sa porn and---"

"What about experience?"

"Tinatanong mo ako kung ano ang sexual fantasy ko?"

Naging malagkit ang tingin ni Sabina sa kanya. "Well---"

Hindi na nag-isip pa ng malalim si Grimson. "To video myself and my girl having sex."

Nanlaki ang mata ni Sabina. "B-but that could be damaging..."

Kaya nga hindi ko ginawa sa 'yo noon. Gustong sabihin ni Grimson. He wanted to be a videographer because he wanted to capture videos. Isa sa mga pangarap niya ay ang ma-video-han sila ni Sabina na mag-sex noon. Pero nag-aalala siya na baka hindi nito iyon gusto. Nagre-require ng malaking tiwala ang ganoong klase ng pantasya. Mahal man nila ang isa't isa, hindi iyon sapat, lalo na at hindi rin naging maganda ang nakaraan. Nauwi lang iyon sa wala.

"It can. But if you trust a person so much, hindi naman siguro."

"Hmmm..."

Inilapit niya rito ang laptop. "See those videos. I believe it can help."

Akmang tatayo si Grimson nang hawakan ni Sabina ang balikat niya. "Wait!"

"What?"

Kinagat ni Sabina ang ibabang labi. "Hindi naman talaga ang sexual fantasy mo ang itatanong ko."

"Then?"

"Ang lagay ko ay hindi ako makapagsulat ng hindi ko na-experience. I mean, its hard. Mas nakukulangan ako kapag wala at---" nagbaba ng tingin si Sabina, nahihiya ito.

"Gusto mo na bigyan kita ng experience." Matter-of-factly na putol ni Grimson.

Nang itaas ni Sabina ang tingin, pakiramdam ni Grimson ay nawala siya. He was already standing but he was drowned in the sexual charge of the fire in her eyes. Mabilis na nahawa si Grimson sa klase ng tingin na iyon.

No matter what "use" is this thing, Grimson wanted Sabina so much that he hated himself for it.

Dangerous Pleasure/Pleasure Of An Old Flame (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon