22

4K 105 0
                                    

"WHERE are you?" may pag-aalala ang boses ni Grimson nang tawagan si Sabina. Late na siya nakauwi kagabi dahil sa sobrang abala sa opisina bilang bagong namumuno sa Valle Constructions. In consequence, late na rin siya naggising. Masyado rin kasi siyang pagod sa nakaraang linggo. Nahihirapan siyang makapag-adjust sa mas mabigat na nga ay hindi pa niya gustong puwesto. Hindi siya makatulog at nakakapagpahinga nang maayos dahil sa pressure. Ngayong araw lang siya nakabawi.

Plano sana ni Grimson na mag-unwind ngayong Sabado. It was hell of a week. Pero hell pa rin pala ang magiging weekend niya nang maggising ng halos alas dose na. Pagkatapos ay wala pa sa tabi niya si Sabina. Wala rin ito sa unit niya. Wala itong kahit anong iniwan na note.

"I'm sorry. Hindi ko nasabi sa 'yo. May book signing ako ngayon..." sumagot naman si Sabina sa tawag ni Grimson.

"Book signing? May bago ka ba na labas na libro?"

"Wala. Pero maganda pa rin ang sales ng mga libro ko dati kaya kasama pa rin ako. Mga two to three hours lang naman siguro ang itatagal nito at malapit lang," Sinabi nito ang isang mall na malapit nga lang sa unit niya. "Anyway, malapit ng magsimula ang event. Mamaya na lang kita kakausapin."

Pinatay na ni Sabina ang tawag. Napakunot noo si Grimson. Hindi niya nagustuhan ang naging pagtrato sa kanya nito. Hindi rin niya nagustuhan na wala si Sabina. Pero wala naman sa usapan nila na dapat ay ikulong niya lang si Sabina sa lugar kung nasaan siya.

Pinilit na inalis ang sama na nararamdaman na hindi nabungaran si Sabina pagkagising ay kumain si Grimson ng almusal. Sandaling nanood rin siya ng TV para aliwin kahit papaano ang sarili. But the bad feeling is killing him. Hindi niya gusto ito. Gusto niya na maglaro kasama si Sabina. Heck, kahit siguro ang makita ito ay magiging kontento na siya. Hindi siya masyadong nakapaglaan ng oras rito sa nakaraang linggo. Ni hindi pa nga nila nagagawa ang pangatlong sexual fantasy para sa sinusulat nitong nobela dahil sa pagiging abala niya.

Grimson groaned. Natagpuan niya ang sarili na naligo at nag-ayos ng sarili. Pupuntahan niya si Sabina. Baka sakaling mawala itong sama ng nararamdaman niya kahit makita lang ito, kahit sa malayo.

Pagdating sa mall ay pinagtanong-tanong ni Grimson kung saan ang pinaka-venue ng event. Ito ang unang beses na um-attend siya ng book signing ni Sabina kaya hindi niya alam ang aasahan. Nagulat siya na maraming tao. Medyo nahirapan rin siya na makita ito dahil marami ang nakapila rito. Pero nang maggawa niya, sandaling natulala siya. It's so hard to take his eyes off her. Pamilyar sa kanya iyon dahil ganoon siya kapag nakikita si Sabina. She was his epitome of perfection. Long legs and slim. She was not voluptuous but it doesn't matter. Gusto niya ang lahat rito. Just the sight of her makes his lips, hands and even his manhood ache.

May kalayuan si Grimson kay Sabina pero malinaw ang tingin niya rito at sa paligid nito. Nagmamasid lang siya sa paligid. He just wanted to be there, looking at Sabina. He was contented already with that. Wala na ang sama ng loob niya at stress na rin sa trabaho. Mahahalata kasi na masaya ito. And it made him happy, too.

Tahimik lang si Grimson nang biglang may tatlong babae na lumapit sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa eighteen hanggang twenty three years old ang edad ng mga ito. Iniharap ng isa sa kanya ang cell phone.

"Sir, excuse me. Pero kayo po ito 'di ba?"

Napalunok si Grimson nang makita ang picture nilang dalawa ni Sabina. Screenshot iyon mula sa "Anna Sabina" account nito---ang pen name nito. Napakamot siya ng ulo. "Yeah?"

Nagliwanag ang mukha ng tatlo. Kinuha ng isa ang libro nito. Inihirap nito sa kanya ang unang pahina ng pocketbook. "S-so kayo po si Grimson Valle?"

Binasa ni Grimson ang nakasulat sa first page.

For my love, Grimson Valle. Thank you for making me believe that forever exists. I love you always!

Napalunok ulit at namutla si Grimson sa nabasa. Alam niya na binati siya ni Sabina sa pinaka-unang nobela nito. Pero sa mga sumunod ay akala niya ay hindi na. At ang librong ito, d-in-edicate sa kanya ni Sabina...

Napatili na ang tatlo hindi pa niya nakukumpirma.

"Oh God, kayo nga! Puwede ba akong magpa-picture, Sir?" wika ng maliit ay may maikli rin na buhok.

Muntik ng matawa si Grimson. Hindi naman siya sikat para magpa-picture ito. "Sigurado ka ba?"

Ang tindi ng tango ng babae, nakisama rin ang mga kasamahan. Sinagot siya ng babaeng may katabaan. "Idol na idol po namin si Miss Anna Sabina! Medyo stalker po kami niya kaya may screenshot po kami ng ganito. Kayo po 'yung boyfriend niya 'di ba?"

"Kayo po 'yung inspiration ni Miss Anna sa mga books niya kaya gusto rin namin na makapagpa-picture sa inyo," dahilan ng mga ito.

Mukhang walang makakapigil sa tatlo kaya pumayag na rin si Grimson.

"Salamat po ng marami, Sir. Kilig na kilig po ako! Kaya po pala talaga naman na magaganda ang libro ni Miss Anna ay dahil prince charming talaga ang inspirasyon."

"Oo nga. Sana po bigyan niyo pa siya ng kilig kasi ilan lang po kami sa fans niya. Matagal na po kasi siya na walang release. Ang balita po namin ay nahihirapan daw siyang magsulat ngayon,"

Hindi makapag-react si Grimson. Halatang hindi alam ng mga fans ni Sabina na wala na sila.

"B-bakit kayo natutuwa sa akin? Hindi naman ako inspirasyon ni Anna Sabina. I mean, she's just using me..."

Kumunot ang noo ng tatlo. "Using you? Hindi naman po siguro. Oo, siguro po ay masasabi na kapag inspirasyon ka ng isang tao, ginagamit ka niya. But Miss Anna is using you for good. Marami po kaming sumasaya sa product ng talent niya na nangyayari dahil sa inyo!"

"Sa mga novels po ni Miss Anna, naniniwala kami na may forever pa rin. Kasi nararamdaman niya iyon sa 'yo. Pinaparamdam niyo po 'yun sa kanya at binabahagi lang po niya sa pamamagitan ng mga nobela iyon."

Nanikip ang dibdib ni Grimson sa narinig. May napagtanto siya. Mas lalo pa siyang namutla nang makaramdam ng guilt sa kanyang puso...

Tumango na lang siya sa tatlo na umalis na sa harapan niya. Napatingin siya kay Sabina. People are treating her so special. She really is special. She is someone to cherish.

At kailangan na iparamdam rin ni Grimson iyon sa babae.

Napapitik si Grimson sa ere. Guilty man rin siya, ano pa at hindi na niya kuhanin ang pagkakataon ngayon 'di ba? Kailangan niyang bumawi kay Sabina.

Umalis si Grimson ng event. Nagpaggawa siya ng flowers. Sinigurado niyang espesyal at bongga iyon. Naging matagal ang arrangement kaya naman kakaunti na rin ang tao sa event nang makabalik siya. Wala ng nagpapirma kay Sabina. Nilapitan niya ito.

Gulat na gulat si Sabina nang makita siya. Pero ang pagkagulat nito ay mahahalata na may kasama na kilig. Her cheeks were so flushed. It made her lovelier than ever. Inabot niya rito ang bulaklak.

"W-why?"

Nagkibit-balikat si Grimson. "You deserved it. Congratulations,"

Umalis si Sabina ng table. Niyakap siya nito. "The flowers are lovely. Thank you,"

Heat explored in Grimson's body with just the touch of her. The ache and the need is strong and powerful. Sinubukan niyang halikan ito para maiparamdam niya iyon rito.

Pero hindi kinaya ni Grimson na palalimin ang halik. Masarap sa pakiramdam ang halikan si Sabina. But remembering what he realized today made him guilty. And it hurts. Hindi siya makapagconcentrate.

Inilayo ni Grimson ang mukha kay Sabina. Nagtatanong naman ang mga mata ng babae. "Hmmm...?"

Tinitigan ni Grimson ang mga mata ni Sabina. His heart aches.

"I'm sorry. I'm really sorry..."

Kumunot lang ang noo ni Sabina.

Dangerous Pleasure/Pleasure Of An Old Flame (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon