7

4.6K 95 0
                                    

PARANG nauupos na kandilang napasandal si Sabina sa pader ng apartment niya pagkatapos nang naging pag-uusap nila ng best friend niyang si Celine. Sa unang pagkakataon ay tinanggihan siya ng kaibigan. Naiintindihan naman niya ang dahilan nito. But it just means she is doomed.

Ngayong araw ay due date na ng bayad ni Sabina sa apartment. Kanina ay pinuntahan na siya ng land lady para maningil. Dahil walang pambayad ay nakiusap siya rito. Pero hindi ito pumayag. Ayon rito ay may prospective tenant na ito at kung hindi siya makakabayad ngayon ay papaalisin na siya ngayon rin na araw. Kilalang masungit at mahigpit ang land lady niya kaya ramdam niya ang threat nito. Isa pa, may mga buwan rin dati na hindi siya nakakabayad on time kaya naman bad shot na siya rito. Nawala naman sa isip niya ang tungkol sa bayaran dahil masyadong na-focus ang utak niya sa pagsusulat sa mga nakalipas na araw.

Sinubukang manghiram muna ni Sabina ng pambayad kay Celine. Pero dahil may sakit ang ina nito ay hindi siya napautang. Marami rin daw kasi itong utang na kailangang bayaran. Wala na siyang puwedeng mahiraman pa ng pera.

Saan pupulutin ngayon si Sabina? Wala na siyang pamilya na puwedeng puntahan. Ni hindi naman kasi niya nakilala ang mga magulang niya. Ni hindi niya alam kung may kapatid ba siya. Si Celine lang ang palaging natatakbuhan niya. At sa kasamang palad, nasa malayo pa ito. Nagrerent lang rin ito ng apartment at dahil magtatagal sa Davao ay umalis muna ito.

Naiiyak na si Sabina. Napaupo siya sa sahig ng apartment, halos nakatulala lang. Hindi niya alam ang gagawin niya sa buhay ngayon. One hundred pesos na lang ang pera niya. At dahil hindi pa rin siya tapos sa nobela niya, hindi niya sigurado kung kailan siya magkakapera. Hindi lang apartment niya ang problema niya---ganoon rin ang araw-araw niyang pamumuhay. Paano siya kakain? Paano ang mga basic needs niya?

Napakahirap talaga ng nag-iisa lang...

Nasa ganoon na lagay si Sabina nang mapansin ang calling card sa lamesa niya. Kinuha niya iyon at naalala si Grimson. It was his.

His offer...

Napapikit si Sabina. Hindi naman iilang beses niyang naisip ang offer ni Grimson. Pero sinusubukan pa rin niyang maging matigas. Sinaktan siya ni Grimson noon. Kaya kahit may nararamdaman pa rin siya sa lalaki ngayon, hindi siya basta-basta bibigay. May pride rin siya kahit papaano.

But desperate times calls for desperate measures.

Napabuntong-hininga si Sabina. Financially, nangangailangan siya ngayon. Mentally ay parang ganoon rin. Kailangan niya ng inspirasyon. At ganoon ang nakukuha niya mula sa kanyang mga panaginip tungkol kay Grimson. At ano na lang kung mangyayari iyon sa kanya sa reality?

Nakagat ni Sabina ang ibabang labi. Grimson's naked image flashed on her mind. Bigla-bigla ay nag-init ang katawan niya. She also felt her breasts swells. Parang may bigla rin na lumabas na tubig mula sa pagkababae niya.

Maybe Grimson will also make her feel good emotionally. And she will not feel alone. At least for the meantime...

Tumayo na si Sabina sa sahig. Inayos niya ang sarili. Grimson is her only hope...

Bahala na si Batman.

Dangerous Pleasure/Pleasure Of An Old Flame (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon