18

4.1K 101 0
                                    

"IT WAS very nice to see you again, Hija. Kumusta ka na?" masayang-masaya ang mukha ni Alexandra Valle---ang Lola ni Grimson nang magkita ulit sila. Dalawang araw na simula nang makauwi ito sa Pilipinas. Pero ngayon lang dinala ni Grimson si Sabina rito. Ginusto ni Grimson na ganoon para gawing regalo na rin sa Lola ang balita nitong nagkabalikan na sila. Ngayong araw ay sixtieth birthday ng matanda. May malaking handaan sa hardin ng malaking mansion ng mga Valle.

"Okay naman po. Masaya po ako na makita kayo ulit," Sinagot ni Sabina ang pangungumusta. "Na-miss ko po kayo. Happy Birthday po pala! Walang-wala sa mukha niyo ang edad niyo. Mas gumanda pa po kayo kaysa sa dati."

Walang halong pagbibiro si Sabina. Sadyang maganda ang Lola ni Grimson kahit matanda na. She was the epitome of elegance and beauty. Magaganda talaga ang lahi nina Grimson. Totoo rin ang sinabi niya na-miss niya ang matanda. Minsan na tumira siya sa mansion na ito ng isang buwan noong ni-renovate ang condo unit ni Grimson kung saan sila nag-live in dati. Tuwing weekends rin ay madalas na dinadalaw nila ang Lola nito. Tuwang-tuwa sa kanya ang matanda dahil siya raw ang nagpatino sa apo nito. Siya ang unang ipinakilalang girlfriend ni Grimson sa pamilya.

"Naku, kaya naman talagang gustong-gusto kita rito para sa aking apo, eh. Palagi mong pinapaganda ang mood ko," Maganda ang ngiti ng matanda. Tumingin ito kay Grimson. "You really know how to make me happy, my dear grand son."

Inakbayan ni Grimson si Sabina. "Happy Birthday, Grandma. I hope you are happy."

Ngumiti ang matanda bilang sagot. May sasabihin pa sana ito nang hawakan ng host ang kamay nito. May ibinulong ito at tumango ang matanda. Tumingin itong dalawa sa kanila pagkatapos. "I have an important announcement to make. Please stand by, Grimson."

Tumango si Grimson. Nang makaalis ang Lola nito ay tinanggal nito ang pagkakaakbay sa kanya. Napabuntong-hininga si Sabina. Everything is just a play.

Mahigit isang linggo na simula nang pumayag si Sabina sa proposal ni Grimson. Pero ang main reason niya kung bakit siya pumayag ay hindi niya makuha. Hindi siya makapagsulat! At kasalanan iyon ni Grimson.

Ang buong akala pa naman ni Sabina ay nabubuhay pa rin ang init ng lalaki sa kanya. Ganoon rin ang sa kanya. She badly missed the spark and sex between them. She wanted more. Pero pagkatapos ng isang gabi, naging malamig si Grimson. Hindi na ito nagpakita ng interes sa kanya. Ngayong gabi na nga lang siya nito ulit nito hinawakan kahit sa iisang unit pa rin naman sila nakatira.

Na-experience na naman ni Sabina ang wild sex. Dapat ay maggawa niyang magsulat. Pero siguro ay siya ang klase ng writer na kapag hindi fresh sa isip ang karanasan ay hindi iyon magagawang isulat. Kung hindi rin fresh sa kanyang isip ang feeling ng in love, hindi niya iyon mailalagay sa kanyang nobela.

Kulang sa kilig---ganoon na lang palagi ang lumalabas na komento kay Sabina sa mga naipasa niyang nobela bago at pagkatapos ng relasyon nila ni Grimson. Hindi niya maggawang ilagay sa mga nobela ang kilig kapag wala ito. Malaking essential ang lalaki sa romance writing life niya. Ito ang bateryang nagbibigay ng lakas sa kanya.

Marami na naman ang nagsabi kay Sabina na subukan ang ibang genre nang mawala si Grimson. Sumubok naman siya at nakapasa ang iba. May iba na siyang naisulat bukod sa romance. Pero hindi iyon bumenta at na-disappoint lang siya. Sa mambabasang Pilipino, mas patok talaga ang romance kaya sinubukan ni Sabina na mag-stick roon. Mas satisfied rin siya roon. Kailangan niya ng pera pero mas mahalaga sa kanya ang satisfaction.

Pero nandiyan man si Grimson ay sandali lang nitong ipinadama sa kanya ang init na kailangan niya. Hindi naman niya gustong magpakababa para maramdaman ulit iyon kaya kahit mahirap, hindi siya nagtatanong. Natatakot rin siya na masaktan na naman. Iisa lang kasi ang naiisip niyang dahilan kung bakit pinanlalamigan naman siya nito: hindi na siya nito gusto.

Dangerous Pleasure/Pleasure Of An Old Flame (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon