16

3.8K 93 1
                                    

NAPATIIM bagang si Grimson nang makita ang eksenang isinusulat ni Sabina. Magaan pa naman ang pakiramdam niya nang maggising ngayon. Ang unang naalala kasi niya ay si Sabina. They've been together the whole day yesterday. Ang huling naalala rin niya bago nakatulog ay nasa bisig niya ito at kakatapos lang nila na gawin ang paborito at pinagkakasunduan nila palagi na gawin---the sex. The desire and passion are still between them. Kaya rin na pumusta ni Grimson na mas naging mas masarap pa iyon kaysa sa dati. Damn, he missed that kind of heat and craziness in bed. Kay Sabina lang niya nararamdaman ang ganoong klaseng sarap na pakiramdam.

Pero lahat ng ligaya na nararamdaman ni Grimson ay naglaho nang maggising. Una ay dahil sa hindi niya naabutan sa kama si Sabina. Nakita niya ito sa dining table, naka-ub-ob at nakatulog na roon. Naiwan nito ang laptop na bukas kaya nakita niya ang sinusulat nito. Binasa niya. Novel writer ito at mukhang nag-level up na kaysa sa dati ang sinulat nito.

Dapat ay ika-proud ni Grimson iyon. She was improving then. Pero paano siya magiging masaya kung mahahalata na ginagamit na naman siya nito? Ang isinulat ni Sabina sa eksena ang detalye ng mga ginawa niya rito kahapon. At bumabalik na naman sa isip niya ang naging ugat ng paghihiwalay nila ng babae.

Maliwanag na katotohanan kay Grimson na pumayag si Sabina sa proposal niya para sa selfish nitong rason---ang gamitin na naman siya. Ginagamit lang rin niya ito para sa kondisyon ng Lola niya. They were even. But Grimson still feel betrayed. Hindi niya gusto ang dahilan ni Sabina. Hindi niya gusto ang gamitin nito. Nasasaktan siya.

Pero kailangan ni Grimson na tanggapin na hindi naman talaga siya kayang mahalin ng babaeng minsang minahal. Sabihin man nito na mahal siya nito, mahirap na para sa kanya ang paniwalaan iyon.

Sabina was just using Grimson for her own good. Kahit gustuhin pa niya na ibahin iyon, mukhang hindi na iyon mababago pa...

Dangerous Pleasure/Pleasure Of An Old Flame (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon