13

3.9K 90 1
                                    

SA SINEHAN ay hindi na nakaulit sina Grimson at Sabina. Pero pagkatapos ng namagitan sa kanilang halik ay naging umpisa na iyon ng something special para sa kanilang dalawa. Naging regular na magkasama sila. And yes, naulit ulit ang ganoong klase ng halik. Deeper and more passionate.

Grimson made Sabina hungry for more. At alam niyang ganoon rin ito sa kanya. Ilang beses na napunta na sa malayo ang halik na pinagsasaluhan nila at naiungol ni Grimson ang mga salitang "I want you" sa kanya. Pero hindi nila natutuloy sa "point of no return". Nagkakaroon siya ng pag-aalinlangan. Nararamdaman rin iyon ni Grimson at ito na ang kusa na tumitigil.

"N-naiintindihan mo ba ako?" Minsan na naitanong niya kay Grimson. Pagkatapos ng klase ay niyaya na naman siya nito sa mall. Ginabi na sila kaya naman walang tao sa parking lot. Then suddenly, he banged her on the wall and kissed her torridly. Pero pinatigil niya ito. Bukod sa nakakahiya na mahuli sila nagme-make out ulit, may pag-aalinlangan pa rin siya sa pagsuko ng sarili niya rito.

Sinuklay ni Grimson ng isang kamay ang buhok habang nagda-drive. Hindi naman ito mukhang frustrated pero iyon ang nararamdaman niya na nararamdaman nito sa kanya. O siguro ay dahil ganoon rin ang nararamdaman niya. Frustrated siya sa sarili niya.

"You're a virgin. Somehow, naiintindihan ko iyon. You write romance, too. Maybe you believe that before you do that, we should get married. But I can't give that to you, Sabina. Not now..."

So may chance sa future? Gustong itanong ni Sabina pero nahiya siya. Pero naging malaking impluwensiya ang sagot ni Grimson para pagdesisyunan kung ipagpapatuloy pa rin niya ang pagiging conservative na babae.

Gustong-gusto ni Sabina si Grimson. She loved what he is doing to her. May nabubuhay na napakasarap na damdamin sa kanya sa tuwing kasama niya si Grimson. Sa ginagawa sa kanya ni Grimson ay marami siyang nalalaman. Bilang romance writer, napapakinabangan niya iyon. Sa isang buwan nilang pagiging malapit sa isa't isa, nakatapos na siya ng apat na nobela. Lahat ay inspired dahil sa mga pinaparamdam at ginagawa ni Grimson sa katawan niya. Kaunting paghihintay na lang at makukuha na niya ang pinakaunang feedback sa apat na nobela na iyon.

Pag-uwi ng bahay, nagpatulong si Sabina kay Celine. Niyaya niya itong matulog sa apartment niya.

"Pinagkakatiwalaan mo ba siya?"

Tumango si Sabina. Kahit na may pagka-wild si Grimson ay wala iyong kaso sa kanya. Mabait naman kasi ito at nirerespeto siya. Alam nito kung kailan dapat tumigil. Hindi siya nito pinipilit. Dahil roon, nararamdaman niyang pinapahalagahan siya ni Grimson. Sa mga ginagawa nito, pakiramdam niya ay lumalalim ang pakiramdam niya rito.

May pakiramdam si Sabina na hindi lang niya basta pinagkakatiwalaan si Grimson.

Hinawakan ni Celine ang balikat niya. Ngumiti ito. "Nasa tamang edad ka na. Marunong ka ng magdesisyon kung ano ang tama at mali. Minsan rin na naipakilala mo sa akin si Grimson. I think he is a good man."

"P-pero sapat na ba na dahilan iyon para ibigay ko ang sarili ko sa kanya? Ni hindi niya pa nga sinasabi sa akin na mahal niya ako."

"Pero mahal na mahal mo siya." Parang siguradong-sigurado si Celine kahit na ba hindi pa niya inaamin rito ang totoo. "At kapag mahal natin ang isang tao, hindi ba at gagawin natin ang lahat para sa kanya?"

May point si Celine. Isa pa, gusto rin naman niya si Grimson. Sa tingin niya ay mahal na rin niya ito. In just a small span of time, he made her feel the most beautiful feeling in the world.

Walang mali na ibigay ni Sabina ang sarili kay Grimson. Hindi rin naman siya pinipilit ng lalaki. Walang mali sa pagmamahal...

Nakabuo na ng desisyon si Sabina. She will sleep with Grimson next time he asks.

Dangerous Pleasure/Pleasure Of An Old Flame (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon