Past - Know my worth

6 2 0
                                    

"Ughhh ano ba tong ginagawa ko dito?" habang hingal na hingal para lang buksan yung pintuan dito sa likod nila John akalain niyo bagong rubber shoes ko pero yun nga need namin magsimba para makumpleto niya yung simbang gabi kasi kulang ako ng isang araw so gusto ko if di ko man mabuo yun, mabuo niya run para sakniya.

*Bloooog*

"UGHHHHHHH ang sakit jusko"

dumugo yung kamay ko kasi pinasok ko sa napaka as in napaka liit na butas dito sa may pintuan nila para mabuksan yung lock diba sabi nila pag gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan so heto ako ngayon nag mama ala spiderman ang datingan

"Lord, kaya ko to diba? kaya kooooooo yow bukas na yes"

sinasabi ko yan habang basang basa ng pawis at syempre nag ma ala detective ako, dahan dahan akong pumasok sa kwarto niya dahil naka bukas ang pintuan niya at baka marinig ako ng mama niya kaya

dahan

dahan

palapit nako ng palapit

sakniya

upang siya ay gisingin

at ng malapitan ko siya

di ko maiwasang isipin

Bat ko ba pinagsisisikan sarili ko dito? E halos mag 1yr palang naman yung pinayagan ko siyang iparamdam sakin na mahal niya ako? Pero hindi na bale 1st girlfriend niya lang ako hindi niya alam pano mag handle ng isang relationship.

Yan lagi yung nasa isip ko na first girlfriend palang naman niya ako hindi niya alam paano mag handle ng ugali ng isang girlfriend, hindi niya alam paano ako aamuin, lambingin, magsorry, suyuin? alam niyo ba kung ano lang ang alam niya? bwisitin ako, asarin, pagsalitaan ng masama kaya pag minura niya ako minumura ko rin siya para it's a tie hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na pang chapu chapu lang (chapu chapu means parang kung sino sino lang na makikita sa kanto ganun) I'm different.

"John"

"Johnn gising na malalate na tayo sa misa dalian mo" sinasabi ko yan habang tumutulo yung dugo sa kamay ko

"Bakit anong oras naba?" sabi niya

"4:30am na dali na" sabi ko habang kabang kaba dahil nga sa ginawa kong pagsira ng pintuan nila at baka malaman ng mama niya kung paano ako pumasok

Wala nga palang ilaw saknila kaya naka flashlight ako sa cellphone ko

"Sige na tara na gising na bangon na" sabi ko sakniya habang naiinis na

"Tsss oo na eto na" habang nagdadabog siya

at habang nagbibihis nakita niya yung lock ng pintuan nainis siya

"ANO NANAMAN GINAWA MO? BAT DITO KA NANAMAN PUMASOK HANEP NAMAN ELISE" sabi niya sakin while his glaring me like that I'm stupid

Siguro nga stupid ako kasi minahal ko yung ganitong lalake, siguro nga ang tanga ko kasi pumayag ako na magtiis ng limang taon sakniya honestly hindi naman kami pero bakit niya ako ginaganito?

"Ehh sorry na, hindi ka kasi magising naka 100 miscall nako wala ehh hindi naman naka ring tone yung phone mo, binabato ko rin yung bintana mo hindi ka magising" sabi ko sakniya habang naiiyak na

Lagi niya nalang pinasasama ang loob ko, lagi nalang ba akong ganito? taon na taon nalang ba?

"Ayan iiyak ka, kasalanan mo naman tara na magsimba na tayo" sabi niya habang naka-simangot

at ako hindi ko na kayanan nilabas ko yung sama ng loob ko sa puso ko

"Kung alam mo lang yung dinanas ko bago ko masira yan, gusto ko lang naman kasi na mabuo mo yung simbang gabi kasi hindi ako nakapagsimba ng isang araw ehh kung magsisimba ka ngayon mabubuo mo siya diba? Tsaka bilang girlfriend mo responsibilidad ko na yakagin ka magsimba, gisingin ka, naiintindihan naman kita eh first time lahat sayo to pero sana man lang diba nakikita mo yung worth ko, yung sacrifices ko lahat para sayo, sana nakikita mo na ang dumi dumi ko tapos puro putik yung bago kong sapatos no choice ehh gusto kita magsimba kaya kinaya ko lahat tapos nagkasugat ako hindi mo man lang naiisip na itong babaeng to taon taon nalang ginagawa sakin to" sinasabi ko habang naiyak ako at tumutulo yung sipon at dugo ko sa kamay

At siya naka tungo lang hindi nagsasalita akala mong bata na napagalitan ng nanay niya, sanay nako sa ganyan ako lagi nagsasalita nag oopen up pero siya? Nasa dibdib niya lang lahat never siyang nagsalita o nagbitiw ng mga ganyang salita, katahimikan lang ang sagot niya sa lahat ng complains ko sa buhay ganun ba talaga pagnagmamahal? One sided love? Hindi ba pwedeng pinaguusapan ng dalawang tao ang problema nila para masolve? Ang sakit noh? Magisa kana lang lumalaban siya nandyan lang dumedepende sa situation sayo.

"Puro ka lang naman ata magbabago, magbabago pero hindi mo naman ginagawa ii" habang pinupokpok ko na yung ulo ko sa bakal ng higaan nila dahil double deck eh

Naiinis ako sa kadahilanan na hindi niya ba talaga ako nakikita bilang babae? Hindi niya ba naiisip na gumising ako ng maaga para sunduin siya, ginawa ko lahat just to make sure magigising ko siya? Wala ba talaga akong halaga? Pang ganito nalang ba talaga ako? Hindi ba ako kamahal mahal?

"Sabi mo hindi mo ko hahayaan umiyak dahil hindi mo kaya nakikita akong lumuluha, e bat ngayon? Bat noong mag bestfriend tayo sobrang alaga mo halos gawin mo kong santo kakapunas mo ng luha ko sa ex ko pero ngayon IKAW NA ANG DAHILAN NG MGA LUHA KO" sabi ko sakniya habang nakatitig sakniya

"Sabihin mo naman sakin na worth it akong mahalin, sabihin mo lang SALAMAAAA..." sabi ko pero bigla siyang nagsalita

"Magdadrama kana lang ba hindi ba tayo magsisimba? Kasi kung magdadrama ka lang sige matutulog nalang ako, puro ka kadramahan" sabi niya habang tumalikod sakin at humiga ulit

INHALE

EXHALE

"Lord, hindi ko na alam gagawin ko sa lalakeng to" bulong ko sa sarili ko ang sakit na ng dibdib ko pero nasa isip ko hindi kaya ko to kaya naman naisip ko na amuin siya at yakagin na magsimba

"Ohhh sige na po baba (Endearment namin) tara na po sorry na baba ko please tara na" habang niyayakap siya at hinahalikan sa pisnge

"Tara na baba ko sorry na please wag kana magalit magkakaroon lang kasi ako ehh kaya ganito ako sorry na po pleaseeeee" habang naiiyak sa sarili ko

at bigla siyang nag bihis at sinabing

"Tara na, pagtapos ng simba matutulog nalang ako at wag mo kong gagambalin hindi tayo mag jo jogging" cold niyang sinabi habang nakatungo











Author:
Thank you for reading my story.
Please Like, Comment, Share and Be part of my story.
Abangan niyo ang mga susunod na kabanata.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon