Ako nga pala si Elise Rein Lim simpleng babae, maraming pangarap sa buhay at palagi lang gustong maging masaya at tumawa gusto lang mag chill sa buhay.
Mayroon akong kapatid si Eli Rein Lim mas matanda siya sakin ng anim na taon at nag tatrabaho na siya sa isa sa pinaka malaking kompanya sa Pilipinas ang IVYM.
Mayroon rin kaming magulang pero hiwalay na sila, dahil hindi na sila magkasundo at lagi nalang nag aaway.
21 years old na nga pala ako at mahilig ako mag basketball, kumanta, sumayaw, mag rap, magluto basta marami akong hilig sa buhay.Hindi ako maclose sa mga babae, hindi kasi ako mahilig mag make up, hindi ko hilig yung mga pang babae thingy.
Mga pinaguusapan ng babae, mga gawalan ng babae more on boyish type ako.Madami kasi akong tropang lalake at syempre kapatid ko lalake so mas marami akong alam sa mga lalake, paano sila dumiskarte, paano sila pumorma sa mga babae, ano mga topic ng mga lalake and I'm open hindi ako green minded pero minsan oo haha hindi naman maiiwasan yun e.
Minsan nagtataka nga ako kung babae ba talaga ako o lalake eh, kasi pormahan ko minsan babae, minsan naman pag tinatamad ako at wala sa mood nakapang lalake.
Lalo na pag kasama ko mga tropa kong lalake, talagang nakapang basketball ako na short and pang lalake na tshirt aakalain mo talagang tomboy eh.Hindi ko na maiiwasan siguro yun, nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko. Hindi ko kasi pwedeng pekein yung sarili ko, magkunwariang babaeng babae kahit alam kong gusto ko yung ganitong life style ko. Simple lang talaga ako as in. Kaya kong pumunta ng SM ng naka pajama nga lang eh sa sobrang tamad ko.
Masiyahin naman akong tao, minsan nga lang kinakain ako ng sadness and depression ko pero wala hehe kinakaya ko naman ang problema minsan nga lang sinasarili ko nalang para walang makaalam na may problema ako na dedepress nako kasi syempre ayokong may nagaalala sakin.
I love music so nagka banda ako pero na disband na kami dahil nagkaroon na sila ng ibat ibang buhay. Yung iba may mga girlfriend na yung iba naman may ibang banda na. Iniwan nila ako sa ere, pero wala. Hinayaan ko nalang kung saan sila masaya, sinuportahan ko nalang sila.
Dun masaya ang mga kabanda ko so why not? diba???Ma tropa rin akong tao, tipong feeling close haha hindi ako mahirap pakisamahan dahil pag tropa ng tropa ko, tropa narin kita haha. Minsan suplada talaga ako lalo na't pag nakikita o nararamdaman kong hindi ko vibe and masama tingin sakin. Tahimik nalang ako hindi ako nagsasalita para iwas gulo nalang rin.
Mapranka pa naman akong tao pag sinabi kong hindi kita gusto, hindi talaga kita gusto. Direct to the point ayoko ng taong may halong echos sa buhay gusto ko realidad, real people. Ayoko ng mga toxic na tao.
Matapang ako inside, Literally matapang talaga siga, akala mong lalake maglakad, akala mong manunugod, akala mong mananapak pero sobrang soft hearted ko raw pala. Malalaman niyo kung sino yung taong naka alam na sobrang soft hearted ko pala.
Yes, matapang lang naman talaga ako sa labas tapang tapangan lang para hindi ako kinakawawa o inaargabyado ng tao lalo na't mga kasama ko mga lalake. Ayoko nang inaapi ako o may umaapi sa mga nakakasalamuha ko. Nagpipintig talaga yung mga tenga ko. Pag nakakakita ako ng may inaargabyado kasi naranasan ko na rin noon ma bully and sobrang sakit lang sa dibdib dahil ikaw lang magisa tapos ikaw lang ang tutulong sa sarili mo lalo na pag pinagtulungan ka nila buong section laban sa isa sobrang hirap talaga kaya dapat kayanin mo. Dapat ipakita mo saknila na hindi ka basta basta matitinag, dapat sila ang natitinag sayo. Dapat sila ang mag adjust hindi ikaw.
Pero hindi naman dapat all the time ganun syempre dapat marunong ka rin makisama.Kaya siguro wala akong ka-close na babae dahil sa pagiging strong personality ko. Minsan siguro hindi nila na gegets yung mga jokes ko kasi mga pang lalake eh.
Tapos minsan alam ko at ramdam ko na iinggit sila sakin, well hindi ko alam kung ano ba dapat ika inggit sakin.
Hindi naman ako ganun kaganda, talented lang at tanggap ko yun lalo na ngayong kulang ako ng ngipin and naka jacket na ang ngipin ko puro tahi pa katawan ko dahil sa aksidente ko noong 2016.So, hindi ko talaga alam bakit nila ako nilalayuan, buti nalang marami akong tropang mga lalake at nakakaclose ko sila. Mas mabuti pa nga sila eh, hindi maarte, lagi kang lilibre tuturing kang prinsesa, minsan nga lang mamanyakin ka pero ayos na rin at least nandyan sila para sayo hinding hindi ka nila papabayaan at hinding hindi ka hahayaan na magisa. Lagi kang hahanapin, lagi kang ipripriority. Kaya sa mga lalake talaga ako nakikitropa hindi nalang sa mga babae. Kaya kung may mga kaybigan man akong babae bilang lang talaga sa daliri. Mga kinakaybigan ko lang kasi is yung totoo at hindi ako kayang plastikin at alam kong nagsasabi ng totoo.
Mahirap na kasi makahanap ng mga taong mapagkakatiwalaan mo, minsan nga kung sino pa yung akala mong tutulong sayo sila ang mag dadrag sayo pababa ehh. Hihilahin ka nila pababa hanggang sa hindi kana maka usad. Kaya dapat pipiliin mo rin yung mga nakakasama mo at mga pagkakatiwalaan mo.
Minsan kasi kung sino pa yung tinuturing nating BESTFRIEND sila pa ang aahas sa taong mahal mo.
Minsan hindi ka nila tinuturing na kaybigan, pero ikaw todo bigay sa pagtulong.Kaya mahirap na magtiwala at minsan mahirap narin maniwala.
Mahirap na pagkatiwalaan yung mga taong minsan niloko kana, pinikot kapa.
At mahirap nang magmahal lalo kung hindi naman kamahal mahal.Marunong rin pala akong gumawa ng tula at ito ang kwento ko.
Author :
Thank you for reading my stories.
Like, Comment, Share and Be part of my story.
Comment if may suggestions ka sa story ni Elise.
Susunod na ang Present. Godbless!
![](https://img.wattpad.com/cover/195524417-288-k299460.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Team
De TodoPast, Present and Future 0. Wag na magpakatanga at umiwas sa toxic na mga tao 1. Magpakilala sa crush mo 2. Huminga ng malalim baka crush ka rin ng crush mo 3. Kalmahan mo lang 4. Pag okay ang mood niya 5. Perfect timing 6. tsaka mo sabihing gusto m...