Nasa bahay ako walang ginagawa nang magchat si Juanito sakin
"Hindi ka pupunta sa school?" sabi neto
"Hindi ehh" sabi ko sakniya habang nagiisip kung pupunta ba ako ng school o hindi pero kinunchaba ko na nun si Michael na samahan ako sa school if ever at umoo naman to
"Ayy ganun ba sige. Ingat nalang" sabi niya at sineen ko nalang ito
Dali dali akong naligo at habang naliligo chinat ko si Michael
"Tanong mo nga kay Mae if pang ilan na yung pinipictureran?" sabi ko
"Wala pa daw. Bilisan mo na maligo kana susunduin kita" sabi ni Michael
At dali dali naman akong pumunta sa banyo at naligo, pagtapos kong maligo heto nanaman at sang damakmak na palit ng damit ang inabot ko hindi ko alam kung anong magandang suotin, hindi ko alam kung anong damit siya magagandahan sakin.
"Disaster! Ugh ano ba dito" sabi ko habang papalit palit ng damit hanggang sa nakarating na si Michael
"Ano alis naba tayo?" sabi niya habang umupo sa may terrace namin
"Waa...it ito na ito na" sabi ko at na pili kong damit eh naka bistida ako na fitted tapos naka gardigan ako na itim pang patong ko at white rubber shoes
"Alam mo ba kung pang ilang damit na tong palit ko?" sabi ko kay Michael habang nagsasapatos
"Pang ilan?" sabi niya habang nagcecellphone
"Isang dosenang palit na hahahahahaha" sabi ko sakniya at nag suklay na
"Wow hahahaha sa dami mong sinukat wala kang na pili talaga eh lahat naman ng damit mo maganda sayo" sabi niya habang kumakamot sa ulo
At tuluyan nakong lumabas sa pintuan
"Ohh tara na!" sabi ko sakniya at napatitig siya sakin
"Ohh bakit? Pangit ba? Papalitan ko!" sabi ko sakniya at akmang hahakbang nako ng magsalita siya
"Ang ganda mo Elise, gagraduate ka rin ba?" pagbibiro niya
"Tara na nga. Dalian natin baka si Juanito na ang kukuhanan ng picture" sabi ko kay Michael at nagpaalam na sa tita ko at tuluyan na kaming naglakad pasakayan
"Sa totoo lang Elise bakit kaba talaga pupunta ng school?" sabi ni Michael
"Mag papa clearance tsaka gusto ko makita si Juanito nu. Gusto ko makita siya habang kinukuhanan siya ng litrato" sabi ko habang kinikilig at pinapalo palo siya sa braso
"Ang pogi talaga ni Juanito nu. Akalain mo lahat ng babaeng nagkakagusto sakniya, sila ang umaamin kay Juanito" sabi nito at humirit pa "Sana all" sabi niya
"Ano kaba? Makakahanap ka rin Michael magtiwala ka lang kay Lord" sabi ko sakniya habang nakangiti
At may bus na dumaan at sumakay na kami kabadong kabado ako pumunta sa school dahil makikita ako ni Juanito na nakapang sexy na suot tapos babaeng babae tapos excited rin akong makita siyang naka toga.

BINABASA MO ANG
Love Team
AcakPast, Present and Future 0. Wag na magpakatanga at umiwas sa toxic na mga tao 1. Magpakilala sa crush mo 2. Huminga ng malalim baka crush ka rin ng crush mo 3. Kalmahan mo lang 4. Pag okay ang mood niya 5. Perfect timing 6. tsaka mo sabihing gusto m...