Past

10 3 2
                                    

"Di, 'di naman talaga
Tayo mag-sinta
Pero gusto nila, kahit ayaw mo
Bagay raw tayo"

Tugtog ko sa Earphone ko habang naglalakad sa hallway habang nagiisip kung bakit kami nagkakaganito ng boyfriend ko

"Di naman totoo mga yakap mo
Pang-eksena lamang ito
Di mo lang alam
Na nababaliw na 'ko sa iyo"

Nagtataka lang ako kung bakit noong magkaybigan pa kami sobrang clingy and consistent lahat ng sinasabi niya, sobrang mapagkumbaba, down to earth eh wala talaga ako masabi sakniya dati pero simula nung naging kami? Wala eh, nawala na yung pagiging clingy niya, pagiging consistent, magsosorry lang hihingin ko pa yun sakniya minsan halos magmakaawa nako na magsorry lang siya para gumaan ang pakiramdam ko

"Di ko na yata kaya 'to
Ang aking lihim na pakay"

Habang nasa hallway naglalakad hinahanap ko yung classroom namin baka kasi di nanaman pumasok yung boyfriend ko? Don't get me wrong kung bakit may question mark kasi hindi pa naman talaga kami LEGALLY e, sinabi ko lang na ipakita niya na mahal ako or patunayan niya sarili niya na hindi lahat ng lalake pare parehas dahil na takot nako masaktan at umiyak at lokohin pero mali eh nung naging kami halos mas naging worst ung nangyare

"Elise" tawag ng classmate kong babae na si Mary

"Ohh?" walang ganang sabi ko

"Bat ba ang lungkot mo? don't tell me away nanaman kayo?" sabi niya

"Ano bang bago?" sabi ko kaagad sakniya

"Anyways, di ata siya papasok kasi nung pinapunta mo si RK saknila tulog pa siya" sabi niya at bigla ko nalang kinuha yung bag ko sa upuan

"Saan ka pupunta? Mag start na ang klase?" habol niyang tanong sakin habang nagmamadali ako na lumabas ng classroom

"Saknila, susunduin ko gigisingin ko para makapasok siya sa subject niya" sabi ko sakniya habang tinitignan ang orasan ko sa braso

NASA ISIP KO :

"PUMASOK KA ELISE, ANO NAMAN NGAYON KUNG HINDI SIYA NA GISING HINDI NAMAN DAPAT EVERYDAY GIGISINGIN MO SIYA DIBA? ANO KABA ALARM CLOCK NIYA? AABSENT KA DAHIL SAKNIYA? PARA PUMASOK SIYA? NAGIISIP KABA?"

NASA PUSO KO :

"TULUNGAN MO SIYA, GISINGIN MO SIYA HUMABOL KANA LANG SA KLASE MO KUNG HINDI BAWI KA NALANG SA QUIZ NIYO MAS IMPORTANTE SIYA, GISINGIN MO NA KAYSA BUMAGSAK SIYA"

ang ending na sunod ung puso ko kaysa sa utak ko mas nanaig yung katangahan ko

"John" tinatawag ko siya

"JOHNNNNNN" inulit ko ulit

"JOHN ANONG ORAS NANAMAN" pasigaw nako

at bigla nalang ako pumasok sa kwarto niya habang siya na hilik pa at naka talukbo ng unan

kinurot ko siya ng pabiro

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon