"Marami pa namang iba dyan Elise"
"Hindi ka lang ang babae sa mundo"
"Madami siyang makikilala na mas maganda, mas mabait kaysa sayo"
"Juanito deserve someone better"
Gulong gulo yung kaisipan ko. Hindi ko na alam kung saan ba talaga dapat ako lulugar. Oo na, hindi niya nako deserve pero hindi ako susuko samin. Sobrang komplikado man, hindi man kami laging magkasama alam kong mahal na mahal ako ni Juanito. I know he deserve someone better, pero hindi ba ako yung deserving? Karapatan ko naman sigurong mahalin siya at alagaan siya.
"May nakita akong picture be tignan mo"
"Bagay sila nu"
"Kayo paba? Musta naba kayo?"
Yan lagi nilang tinatanong na parang gusto nilang sabihin BREAK NABA KAYO? Haha nakakatuwa nu? Akala mong mga concern pero nag chischismisan naman pag nakatalikod. Malakas makaramdam ang mga babae kaya alam kong may gusto silang sabihin at sure ako gusto nila kami paghiwalayin. Mas magiging masaya ata sila pagnag hiwalay na kami ni Juanito. Pero hindi ako magpapakain sa selos at sa mga sasabihin ng iba. I deserve him.
Habang tumatagal mas na rerealize ko na parang tama nga sila. Hindi kami bagay ni Juanito. Hindi talaga kami bagay dahil siya may work ako naman tinatapos ko palang yung studies ko. Twing weekends and minsan may araw na nagkikita kami saknila. Kaso ang hirap rin pala gising niya tulog ko, tulog ko gising niya. Night shift kasi siya kaya ayun nahirapan kami mag adjust. Nagdadate naman kami.
Pero hindi parin sapat ung presences na pinaparamdam niya, namimiss ko yung dating kami na laging magkasama. Mag classmate kasi kami tapos sumama narin ako sa mga tropa na sinasamahan niya kaya nahihirapan ako mag adjust to tropa to lovers kaya sobrang nahihirapan ako. Hindi ko alam minsan nakatulala nalang ako and iniisip ko na sana may work nalang rin ako para parehas kaming nagwowork. Para hindi ako ganito, hindi ko siya namimiss, hindi ko ma fefeel na wala siyang time sakin.
Lagi na kami magkasama ni John dahil nga ginagawa namin ung thesis namin at hindi parin nakakamove on si John samin, SAKIN kasi nga 5years hindi ganun kadali un kalimutan. Nakita ko siya na sobrang worst, ang payat niya, mukha siyang napabayaan, as in sobrang worst talaga. Kaya naman napagdesisyunan kong bumalik sakniya bilang KAYBIGAN alam kong kaylangan niya yun. Kaylangan niya ng taong kakaramay sakniya, taong nandyan para sakniya aagapay sakniya. Hindi ko alam kung tama ba na bumalik ako sakniya pero tingin ko kasi ito yung tama, tingin ko kasi ito lang yung magiging rason para matulungan niya ako ma abot ang pangarap ko. Ang makatapos ng kolehiyo.
Naging busy si Juanito sa work niya, nag tagal narin siya dun pero habang nagtatagal yung work niya, unti unti naman nawawala na siya ng oras para saming dalawa. Pilit ko naman iniintindi lahat ng situation namin, kaylangan niya minsan matulog sa head quarters nila dahil kulang yung tulog niya sa bahay nila. Minsan nalang kami magkita, minsan pagnagkikita pa kami away lang pero naayos naman naming dalawa. Mahirap talaga pag nag tatrabaho na yung isa tapos yung isa maraming oras.
May times na nagtatalo kami dahil minsan sumasama siya sa mga gimik nila ng mga ka officemate niya tapos nakikita ko naka tag yung mga picture niya kasama nila meron pa nga may kasama siyang chicks ang ganda talaga literal na babae. Tinanong ko kung sino yun ka officemate niya raw na bago, so ako nagselos hanggang sa humantong sa hiwalayan. Hindi siya pumayag nun.
![](https://img.wattpad.com/cover/195524417-288-k299460.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Team
RandomPast, Present and Future 0. Wag na magpakatanga at umiwas sa toxic na mga tao 1. Magpakilala sa crush mo 2. Huminga ng malalim baka crush ka rin ng crush mo 3. Kalmahan mo lang 4. Pag okay ang mood niya 5. Perfect timing 6. tsaka mo sabihing gusto m...