Past - Break up

6 2 0
                                    


I'll never go playing

"You always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me"

"Hindi kayo makakapag defense" sabi ng adviser namin sa thesis

"Mam, wala na po talagang pag asa? Bak a baka may option pa" habang nauutal kong sabi dahil na nginginig ako gusto ko na umiyak pero tinatagan ko ang loob ko

"Sorry, but it's too late" sabi ng adviser namin at umalis nasa harapan namin

"Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all I know"

"Tangina namang buhay to, gagraduate nako eh ito na hawak ko na nawala nanaman" sabi ko habang sinisipa yung bag ko dito sa may hallway namin

"Akala ko aabot e, ginawa ko lahat pero putragis John hindi nanaman ako gagraduate paano nanaman sasabihin ko kay kuya neto" sabi ko habang lumuluha na

Hindi ko na kinayanan at umiyak nako ng tuluyan ang sakit, expected mo gagraduate ka, expected ng pamilya mo gagraduate ka rin expectation ng lahat sayo na makakatulong kana sa pamilya mo makakagraduate kana makakahanap kana ng trabaho pero lahat pala yung MAWAWALA. Ang sakit diba? Umasa ka pero wala kana palang aasahan, asang asa ka na gagraduate ka pero hindi pala at ang gagraduate eh yung tinulungan mo para makausad. Napaka unfair naman ng mundo noh? Ikaw na tumulong ikaw pa ang nakulelat.

NASA ISIP KO :

Tumulong pa ako hanep na yan, gagraduate na sana ako kung hindi ko sila tinulungan eh.

NASA PUSO KO :

Tumulong ka kasi mahal mo yung mga kaybigan mo, tumulong ka dahil may anak na aasa saknila, tumulong ka kasi ginusto mo talagang makatulong at siguradong proud na proud sayo si Lord dahil dun. Dun palang winner kana, win-win situation nga ika nila.

Napa isip ako na nakakapang hinayang talaga nasa dulo nako biglang BOOOOOM WALA NA, hindi nako gagraduate hindi nanaman ilang taon nanaman kaya ako dito hanep na yan gustong gusto ko na makatulong sana sa mga magulang ko ehh pero wala olats nanaman.

"Ikaw kasi eh" sisi ko kay John

"Kung hindi na basag yung laptop mo sana natapos natin, kung sinipagan mo lang sana tinapos natin, at sana KUNG MARUNONG KA MAKISAMA NAKATULONG SANA SATIN SILA JUANITO, JOSE, AT MICHAEL edi sana nakatapos tayo, sana natapos natin ON TIME yung thesis natin willing pa naman silang tulungan tayo pero wala eh, pagtutulungan nila ako ayaw mo naman sasabihin puro lalake sila baka mamaya kung anong gawin sakin jusko ayan kaka ano mo sa pride mo wala na hindi nanaman tayo gagraduate" sabi ko sakniya habang naiyak nagagalit na talaga ako kasi karapatan kong magalit kung inayos niya lang sana kung hindi niya pinaiiral yung pride niya edi sana na tapos namin yung thesis namin noon palang pero wala eh ma pride siya at nag padaig rin ako sa pride niya

"Wala na, sira nanaman pangarap ko sinira mo nanaman John" sabi ko habang tuluyan ng lumayo

Ayoko na tutal tapos narin naman ung thesis at hindi kami makakagraduate bakit pa ako mag sstay sa ganung tao? Sobrang toxic? Sobrang walang pakielam sa iba puro pansarili? Sobrang mapride? Sobrang ang laki ng ego.

Gusto ko hanapin yung sarili ko, gusto ko ulit maging masaya, gusto ko ulit maging malaya, gusto ko magkaroon ulit ng mga kaybigan, gusto ko na ulit bumalik sa dati.

"Juanito, hindi ako gagraduate" sabi ko sakniya

"Luh, bakit?" sabi niya na may halong pag aalala at kalungkutan

"Eh, hindi na makakahabol sa deadline eh" habang naiiyak

"Hala sayang naman" sabi ni Jose

"Oo nga eh wala na" sabi ko habang umiyak na tuluyan

inalalayan nila ako nararamdaman ko, andyan sila ng sukong suko ako sila Juanito, Jose at Michael

laking pasasalamat ko dahil dumating sila sa buhay ko ng mga panahong iiwasan ko na tuluyan si John hindi na kasi maganda ung nangyayare sa relationship namin, hindi na rin maganda ung mga behaviour niya nanakit na siya, kahit sa room sinasaktan ako, wala na siyang pinapalampas na sandali talagang kung saan abutan siya ng galit sasaktan niya ako wala na yung dati kong minahal wala na yung John na kilala ko wala na yung bestfriend ko dati nawala na siya kaya nag desisyon akong


TAPUSIN NALANG LAHAT AT WAG NA SIYANG KAUSAPIN


Oo, sobrang sakit na iwanan siya pero kung icocompare naman sa mga pinagdaanan ko worth ko naman siguro huminga, maging malaya, maging masaya hindi yung sinasaktan at kinakawawa? First of all hindi naman kami pero sobra yung dinanas ko sakniya inintindi ko siya sa abot ng aking makakaya alam ko at hindi ako perpekto nasasaktan ko rin namn siya pero hindi naman yung dahilan para sakalin niya ako ng LIMANG BESES.
Oo, limang beses niya akong sinakal at tandang tanda ko pa ang araw at petsa noon February 10. Dapat kasama ako nila Juanito, Jose at Michael sa fellowship nila sa bon fire nila pero hindi ako sumama dahil hindi ako pinasama saknila ni John pinagsalitaan ako ng masama pokpok, pariwarang babae yan lang naman ang mga sinabi niya pero ayoko ng balikan pa.


"Juanito, tara kain tayo na saan sila Jose?" yakag ko kay Juanito, kung tatanungin niyo kung sino siya may kwento ako sakniya actually saknilang dalawa ni Jose

"Nandun na ata sila na una, sige tara" habang pinayungan ako at naglakad kami patungo sa kakainan namin

May sikreto ako na walang makakaalam at ikwekwento ko  sa susunod na kabanata.










Author :

Thank you for reading my story!
Like, Comment, Share and be part of my story.
Abangan kung sino si Juanito, Jose at Michael sa buhay ni Elise.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon