Kami pa ni Juanito ng mga panahong ito ng bigla kong naalala habang nakasakay ako sa bus patungo sa papa ko ng may makita ako sa bintana na mag boyfriend tapos pinayungan niya yung girlfriend niya..
"May payong ka?" sabi ni Juanito
"Ohhh" at binigay ko naman ang payong ko
Kinilig ako that time si Crush kasi pinayungan ako ehh normal lang ata yun diba?
Isa pa na naalala ko seminar namin un sa school
tamang kwentuhan lang kami sa gilid at naglaro pa kaming mobile legends yun na yung best time ever na nakasama ko si Juanito bilang crush ko di ako mapakali that time dahil katabi ko nga siya at ito ang malupit PINAYPAYAN niya lang naman ako
that moment feeling ko girlfriend niya ako ang assumera ko ba para pangarapin ang isang Juanito na mapasakin??
nasa likod kasi si John that time dahil late, hindi ko na siya kasi sinusundo para lang pumasok dahil napagod nako ehh.
nung magkatabi kami salitan pa kami nagpapaypayan sa isatisa akala mong mag boyfriend girlfriend tapos kahit umurong ung inuupuan namin magkatabi parin kami kahit na katabi ko sa kabila ung mga hindi ko kaclose kampante ako dahil katabi ko sakniya.
pag na ngangalalay siya kinukuha ko ung pamaypay sakniya syempre friendly ako kunware pero di niya alam gusto ko siya at parang sa mga lalake pinopormahan nila yung gusto nila ganun.
hanggang sa niyakag siya kumain ng ex m.u niya si Rosemary na kumain akala ko that time yayakagin niya rin ako kumain pero hindi grabe ang tagal nilang kumain that time.
hanggang sa naka balik sila naka simangot ako akala ko naman kasi mahahalata niya ang assumera ko talaga that time kasi akala ko ramdam niya na pero wala OLATS.
so tamang kwentuhan lang kamusta kami ni John, kamusta thesis namin, kamusta buhay buhay hanggang sa na punta sa usapang crush.
"May crush ako satin ehh" sabi ko habang namumula baka kasi mahalata niya haha ang init na nga sa covered court mas uminit dahil umaamin ako unti unti sakniya ng totoong nararamdaman ko
"Ohh talaga sino? pakilala mo naman" sabi niya habang naka smile habang nagpapaypay
"Sige soon sa graduation papakilala ko" sabi ko sakniya habang ngumiti
hindi ko talaga mapigilan minsan ung bugso ng damdamin ko hindi ko mapigilan ung pagkagusto ko sakaniya sobrang bait at caring niya kasi ehh tapos mabuti pang anak kaya talagang hindi imposible na magkagusto ako sakniya.
Paypayan parin ang ganap hanggang sa nakatingin nalang ako sakniya, hindi niya un mapapansin hindi naman kasi ako nagpapakita rin ng motibo sakniya hanggang sa nahimatay ung classmate namin na si Glessy.
That moment na inis talaga ako kasi alam mo yun sa lahat ng classmate naming lalake siya lang yung tumulong ang daming lalakeng nandun pero siya pa talaga ang tumulong eh nasa tabi ko lang siya.
Hanggang sa gusto ko nalang rin mahimatay para ako nalang buhatin niya. Ako ung mas nagalala sakniya kaysa kay Glessy na nahimatay dahil sa init. Hanggang sa nang makita ko siya akala ko hindi na siya tatabi sakin pero tumabi siya ulit sakin at nakipag kwentuhan.
Hindi ko iniintindi si John sa dulo ang iniisip ko yung samin ni Juanito. Magkatabi kami at best moment yun para sakin.
Hanggang sa matapos na ang seminar at bigla ko nalang naalala si John kaya naman nagpaalam nako kay Juanito. Dahil sumama narin siya sa tropahan niya kaya naman napag desisyunan ko na hanapin rin si John.
Naalala ko rin ng mga panahong final exam namin kay Sir Agenda ang pinaka malupit at pinaka mahigpit na teacher kaya naman napaka hirap rin ng exam namin sakniya, nag eexam kami hanggang sa binigyan niya kami ng 1min para magtanong sa pinaka matalino o kaybigan namin na makakatulong samin kaya naman si Juanito agad ang naisip ko na puntahan ng mga oras na un.
Binigyan niya ako ng maraming sagot at tinuro niya rin ang sagot sakin. Tatlo kaming nagtanong sakniya pero lahat kami natulungan niya kaya naman nakapasa ako sa subject niya. Nakakatuwa lang kasi kahit na hindi kami gaano nagkakausap natulungan niya parin ako sa exam na yun at kahit na binobokter ko sila palagi pag magpapatulong ako gumawa ng thesis lagi parin siyang nandun para sakin.
Siya rin ang naghahatid sundo sakin pag nagpupunta ako/kami kila Jose. Nagtetext o di kaya natawag ako sakniya para magpasama o magpasundo sakniya kahit na tropa lang kami. Siya rin minsan ang napaglalabasan ko ng sama ng loob o di kaya na hihingan ko ng payo.
Siya rin ang minsan tumutulong sakin pag may project ako, minsan talaga siya na ang gumagawa dahil wala akong laptop at dahil wala akong mahihingan ng tulong. Si Juanito kasi yung tipo ng taong madaling kausapin, madaling hingan ng tulong, komportable na tao.
Laking tulong niya sakin hindi lang sa school kung hindi sa lahat ng aspeto ng buhay, sa lahat ng nangyare sa buhay ko. Isa siya sa pinaka close na tropa ko na lalake sa classmates ko at sa buong tropa. Isa rin siya sa pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto ko.
Meron rin ako naalala na kumanta siya sa JPCS namin at sinuportahan ko sila kasama ng dalawa pa naming classmate na sumali. Dun ko lang na realize na ang pogi niya pala pero that time kasi wala pa kong gusto sakniya. Suportang tropa lang ganun.
Naalala ko rin na lagi kami nagkakausap about sa mga anime na nakakatakot dahil mahilig rin siya sa mga nakakatakot. Nagkakachat na kami dati pero na tigil yun ng may ligawan siyang iba and na feel ko na left behind nalang ako.
Kaya lang lahat nalang ng ito hanggang ala-ala nalang. Yung mga simpleng pagtingin ko sakniya, mga simpleng pag sulyap sa library, sa buhok niya, sa pagsagot niya wala na. Hindi na maibabalik ang nakaraan dahil ang nakaraan ay na tapos na.
At dahil tapos na wala na, di na dapat binabalikan pa.
[A/N : Thank you for reading my stories! Please be part of it. Sorry for the late updates. Spread the love and goodvibes. Godbless]
![](https://img.wattpad.com/cover/195524417-288-k299460.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Team
RandomPast, Present and Future 0. Wag na magpakatanga at umiwas sa toxic na mga tao 1. Magpakilala sa crush mo 2. Huminga ng malalim baka crush ka rin ng crush mo 3. Kalmahan mo lang 4. Pag okay ang mood niya 5. Perfect timing 6. tsaka mo sabihing gusto m...