Present - The Bar Accident

7 1 0
                                    





"Elise tara sumama kana samin wag mo na isipin si Sir Juan" sabi ni Joy sakin






"Sorry Elise sa nangyare kanina ha hindi ko sinasady" hindi ko na pinatapos si Louie sa sasabihin niya





"Oo, okay lang Louie sayo naman talaga yung tapsilog na yun ehh" sabi ko kay Louie habang naka fake smile





PREVIOUSLY





"Akin nalang to" sabi ni Juan habang kinuha na ang tapsilog na nasa kamay ko





"May may-ari na kasi nyan" sabi ko




habang sila Joy at Ken nakatingin saming dalawa






"Sino?" sabi ni Juan






at biglang may umagaw ng kamay ko






"Ako" sabi ni Louie








"Ako na ang nag mamay-ari nyan kaya bitawan mo" dagdag ni Louie at kinuha ang kamay ko na hawak ang tapsilog.


"Oo iyo nga yan" sabay bitaw sa pagkakahawak ni Louie sa mga kamay ko at binigay sakniya ang tapsilog na gulat ako kay Louie dahil hindi naman siya ganun sakin dati pero sobrang clingy niya noong nakita namin si Juanito malakas pa naman ang pakiramdam ko pero hindi ko nalang binigyan ng malisya yung mga ginagawa niya lately.


"Bukas pagtirhan mo ako ng tapsilog mga 30 pieces" sabi ni Juanito este Sir Juan habang nakatingin sa mga mata ko grabe parang malalaglag yung panty ko sa sobrang kilig hindi parin nagbabago yung itsura niya mas naging pogi lang talaga siya ngayon sobrang laki ng improvement niya masasabi mo talagang fresh na fresh eh.






"Yes Sir Juan" sabi ko ng nakangiti sakniya at




TEKA





TEKA





TEKA








30 PIECES????? FOR REAL????? JSKO KAYA KO BA TO???









END OF PREVIOUSLY




"Tara na iinom mo nalang yan" sabi ni Ken


si Ken nga pala ay Boyfriend ni Joy ikakasal na sila next year wala eh mga nagmamadali magsi asawa at si Louie nakilala lang namin dito sa company sobrang loner kasi at walang kumakausap sakniya natatakot raw sakniya dahil dati lagi nalang siyang ni rereklamo kesyo bastusin daw rakista puro tattoo pero hindi maling mali naman ang tingin sakniya ng mga tao dito lalo na pag nakasama nila tong si Louie mukha lang talaga siyang siga, gangster pero sobrang sweet at maalaga nito. Hindi naman purkit maraming tattoo sa katawan masama na e o di kaya pala away or di kaya mabantot or what sobrang talino nga niya eh minsan siya ang nakikipagusap sa mga foreign investors namin magaling siya sa mga ibat ibang foreign languages. Dati siyang traveler eh tsaka nasa ibang bansa ang parents niya nandito lang siya sa pinas para maging independent pero ayaw niya sagutin kung saang bansa nakatira parents niya or mayaman ba sila. Hindi na namin siya kinukulit pag ayaw niyang sagutin yung mga tanong namin. Medyo mainitin ulo niya pero sobrang kalog kasama kaya nagkakasundo kami. Actually, siya ang taga pag patawa ko pag na iinis nako sa mga caller namin sa trabaho namin. Bigla bigla nalang may drawing sa mukha na katabi ang makikita ko. Oo, magkatabi kami sa trabaho kaya pag na babadtrip ako? Kakalibitin ko lang siya sabay sabing "Patawanin mo ko" at bigla niya naman akong patatawanin hanggang sa ma HR nanaman kami at pagalitan, sabunin ng TL namin ginagawa raw naming park ang work station namin. Sobrang masayang kasama sila Joy at Ken isama mo pa si Louie buti nga may Louie eh kasi kung wala? Kawawa ako kay Joy at Ken kasi sobrang dikit silang dalawa mag jowa eh para akong third wheel eh kaya thanks na rin talaga dito kay Louie kasi siya yung kapartner ko pag mga ganitong inuman, chibugan, outing, roadtrip.




Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon