Present - Tapsilog

8 2 0
                                    






"Pagbili ako Elise ha" sabi ng katrabaho ko


Habang ako eto nakatulala hindi makapaniwala sa nangyayare sa buhay ko totoo ba to? totoo ba? supervisor namin siya? jusko parang hindi nanaginip ata ako eh.




"ELISSSSEEEE!" sigaw ni Joy sa tenga ko





At doon bumalik ang wisyo ko




"Ohh?" sabi ko habang nakatulala parin




"Anong ohh? May nabili? Hindi mo ba ibebenta tong tinda mo?" sabi niya sakin




"Ikaw na mag benta may iniisip ako" sabi ko habang ginulo ang buhok ko




Hindi ko talaga ineexpect na magkikita kami, na ngingitian niya ako pagtapos ng lahat. Pogi pa rin talaga siya, siya parin talaga yung Juanito na nakilala ko sa school.




"Shet naman Elise tinda mo to hindi ko tinda" sabi sakin ni Joy at dun ko nalang siya tinulungan





"Don't tell me Elise mahal mo pa rin siya after 1yr na nag break kayo?" sabi sakin ni Ken habang ako napatigil nag flashback lahat kung bakit kami nagkahiwalay ni Juanito.





OO, naging kami ni Juanito at tumagal kami ng dalawang taon.




"Oo nga eh mukhang mahal niya pa eh tignan mo naman kung ano ang ginagawa ni Elise nilalagay ang ketchup sa labas ng plastik" sabi ni Joy





"Hindi ko na siya mahal nag nag nagtataka lang naman ako kung bakit nandito siya?" sabi ko at inayos ang ketchup na tatapon




"Malay mo dahil sayo?" sabi sakin ni Louie




Biglang nag flashback lahat ng memories namin ang sakit pala talaga ng break up namin sobrang sakit, yung tipong mahal na mahal mo yung tao pero kaylangan niya mag grow kaya hiniwalayan mo siya. Sobrang solid ng relationship niyo, walang away, walang third party, hindi lang nag kaintindihan pero yun nga huli na ang lahat. Nag break na kami at sobrang mahal ko pa rin talaga si Juanito. Siya parin talaga ang nilalaman ng puso ko kahit isang taon na ang nakakalipas siya parin talaga. Siya parin ang hinahanap hanap ko.

Juanito's POV :





Habang naglalakad ako papuntang Cr naririnig ko na naguusap sila Elise, Joy, Ken at Louie habang nagtitinda sa gilid ng canteen si Elise.
Nakita kong nakatulala si Elise, ang cute niya parin talaga habang naka pouty lips hindi parin talaga siya nagbabago.




"Don't tell me Elise mahal mo pa rin siya after 1yr na nag break kayo?" sabi sakanya ni Ken




"Oo nga eh mukhang mahal niya pa eh tignan mo naman kung ano ang ginagawa ni Elise nilalagay ang ketchup sa labas plastik" sabi ni Joy




"Hindi ko na siya mahal nag nag nagtataka lang naman ako kung bakit nandito siya?" sabi ni Elise at inayos niya ang ketchup na tumapon




"Malay mo dahil sayo?" sabi sakanya ni Louie





Napa tahimik si Elise doon ko naalala kung paano niya ako iniwan pero wala eh nandito talaga ako sa company niya dahil gusto ko maliwanagan bakit niya ako hiniwalayan noon? bakit umabot sa hiwalayan? mahal namin ang isatisa, at ramdam na ramdam ko yun.






Pag hinahalikan ko siya ramdam ko na mahal na mahal niya ako, pag nayayapusan kami parang walang araw na hindi niya ako namimiss grabe yung pagmamahalan namin sobrang ramdam ko si Elise. Kaya nga minahal ko siya ng sobra. Mahal na mahal hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya.




Flashback





"Baby, I love you" sabi niya sakin at ramdam ko she really mean it, She is genuine. Pagsinabi niyang mahal ka niya hindi lang basta salita ipaparamdam niya sayo.






"I love you too" sabi ko sakniya habang nakatitig sa mga mata niya





End of flashback





"Bakit ka ba nandito?" sabi sakin ng TL nila





"Huh? bawal ba ako mag apply dito?" sabi ko sa TL nila habang nakatingin parin kay Elise






"Siya ba ang dahilan?" sabay ngumuso sa dereksyon ni Elise






tahimik lang ako







"Bat hindi mo subukan bumili ng paninda niya? Masarap ang tapsi ni Elise" sabi ng TL nila







na curious ako bat tapsi sa lahat ng tininda niya bat mga ganun nang biglang salita ang TL nila






"Wag kana magtaka diyan kung bakit tapsilog ang tininda niya, may kwento raw yan at ang sabi sabi kaya raw tapsilog ang tininda ni Elise dahil yung ex boyfriend ni Elise yan daw ung una nilang kinain nung umamin si Elise sa ex niya na crush niya to" sabi ng TL nila at napatulala ako at may karugtong pa ang sinabi niya "Hindi bat ikaw ang ex boyfriend niya? Hindi kaya dahil sayo kaya tapsilog ang tininda niya?" sabi sakin ng TL niya at tumalikod na.





Napatulala nalang ako habang nakatingin kay Elise kaya pala mga Tapsilog dahil yun ang unang beses namin kinain ng inamin niyang may gusto siya sakin. Hindi ko na isip na ako ang magiging rason bakit sa lahat ng paninda yung tapsilog talaga.





Napangiti na rin ako ng malaman ko at napa





"Whoooa" ako at sumigaw at kinilig hindi ko maexplain yung mararamdaman ko pero grabe grabe talagang grabe lang yung lungkot ko na palitan ng kasiyahan dahil sa nalaman ko at doon ako na curious kaya lumapit ako sakniya.

End of Juanito's POV

"Akin nalang to" sabi ni Juan habang kinuha na ang tapsilog na nasa kamay ko









"May may-ari na kasi nyan" sabi ko








habang sila Joy at Ken nakatingin saming dalawa










"Sino?" sabi ni Juan










at biglang may umagaw ng kamay ko










"Ako" sabi ni Louie












"Ako na ang nag mamay-ari nyan kaya bitawan mo" dagdag ni Louie at kinuha ang kamay ko na hawak ang tapsilog.




Author :

Thank you for reading my stories.
Like, Comment, Share and be part of my story.
Comment down below if may suggestion kayo.
Abangan pa ang mga mangyayare sa buhay ni Elise at Juan. Godbless.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon