PROLOGUE

986 61 10
                                    

Iam so proud to say na isa na 'kong independent woman ngayon, nagta-trabaho ako sa isang company bilang HR manager.

I'm now working for my parents and also for myself. Honestly, magta-tatlong taon na 'ko sa kumpanyang pinagta-trabauhan ko.

"Goodmorning po," bati ko kay Kuya Carding, yung guard na naka-duty ngayon. Masaya naman ako sa kumpanyang pinapasukan ko kasi ka-close ko naman na halos lahat ng empleyado rito.

"Goodmorning din po Ma'am, ganda po natin ngayon ah," balik na bati naman niya sa'kin.

"Naku, Kuya matagal na po akong maganda," sagot ko naman sa kanya habang natatawa pa.

"Isa nalang nga ho ang kulang sainyo eh," sabi pa nito na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Ano naman po 'yon?" tanong ko kay kuya habang may pagtataka sa aking mukha.

"Boyfriend po Ma'am. Eh, sa tagal ko na pong nagta-trabaho dine ay wala pa po akong nakikitang naghahatid sainyo o'dikaya may magpadala man lang ng bulaklak," paliwanag naman ni Kuya Carding sa'kin.

Saglit naman akong napatigil at napaisip sa sinabi ni kuya saka napangiti ng mapait.

"Hayaan niyo na po Kuya, i-ne-enjoy ko lang yung dalaga days ko." Pilit kong pinasigla ang aking boses.

"Naku, Ma'am sa edad niyong 26 years old ay dapat kahit boypren man lang ay mayroon na kayo," biro pa nito sa'kin.

Medyo gumaan naman ang aking pakiramdam sa biro niya kaya tinawanan ko nalang ito saka nagpaalam na.

Pagkapasok ko ng elevator ay pinindot ko na ang 7th floor, do'n kasi ang office ko.

Isa ito sa dream ko, ang magkaroon ng sariling opisina at magsuot ng office attire.

Pasara na sana ang pintuan nang makita ko ang isang kamay na pumigil dito.

"Wait!" tinig ng isang lalake kaya agad ko namang pinindot ang open button para bumukas ito.

Ngunit tila nagsisisi na 'kong binuksan ko pa iyon. Mabilis ang pagtibok ng aking puso, hindi mapakali ang isip, at ang mga mata kong hindi alam kung pa'no ko ito kokontroling 'wag siyang tignan. Para kaming mga tangang nagti-titigan dito sa bukas na elevator.

Ako na nasa loob at siya naman ay nasa labas.

"Ela."

"Hanze."

Halos magkasabay naming tawag sa isa't-isa at bago magsara ang pintuan ng elevator ay siyang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

Siya.

Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon single pa rin ako.

Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako.

Siya ang taong hanggang ngayon minamahal ko pa rin, kahit nagsimula kami sa komplikadong sitwasyon.

At siya ang taong pinaasa ako, nine years ago.



***

IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon