KABANATA 3

226 28 1
                                    

Tatlong buwan ko ng ka-chat si Tyler, at sa loob ng mga buwan na 'yon unti-unti ko na siyang nakilala, at ewan ko pero I'm not hesitated to give my info, kasi super comfortable ko sa kanya.

Sa kanya lang ako ganito, yung nailalabas ko yung totoong ako, without any hesitation na baka i-judge niya 'ko, ganun na 'ko kakomportable sa kanya.

Nakuwento na nga rin niya sa'kin yung lovelife niya eh, yung paggawa niya ng letter na sobrang haba at yung effort niyang bigyan si ate girl ng bulaklak na nasayang lang kasi nakipag-split siya sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit parang masaya ako na wala siyang jowa.

Omaygash! Crush ko na ba siya?

Oh no! It can't be ayoko sa mas bata sa'kin 'no at hindi pa 'ko ready, sabi ko sa sarili.

Pero sige na nga inaamin ko na. Crush ko si Tyler ng slight.

Alam na nga rin 'to ng mga kaibigan ko dahil naikwento ko si Tyler sa kanila, pinaalalahanan naman nila 'ko about do'n pero ayos lang sa kanila basta hindi raw siya nakakasama sa'kin.

Sa tingin ko naman ay hindi dahil na-i-insipire nga ako kasi matalino siya at nakikita ko naman yo'n sa paraan ng pakikipag usap niya sa'kin, tapos matinong lalake siya. Unlike sa mga una kong nakausap do'n sa app na 'yon, and lastly 'di siya mayabang kumbaga simple lang siya.

Basta. Crush lang ito, nothing more, nothing less, crush lang dapat. Lagi kong paalala sa sarili.

Tyler: Uy alam mo ba parang nagseselos sa'yo si Ate Pam.

Hindi ko namalayang napairap na pala 'ko ng wala sa oras dahil sa nabasang pangalan.

Pam, Pamela, ang babaeng tumatawag sa kanya ng bebe in short may gusto sa kanya. Nagkakilala lang din sila no'ng Pam sa 'MeetOnline', but the difference is, nag-meet na sila sa school ni Tyler dahil schoolmate sila.

Pero bakit nga ba 'ko naiinis? Anong pinanghuhugutan ko? Tanong ko sa sarili.

Me: Bakit naman?

Curious kong tanong sa kanya.

Tyler: Ewan ko do'n sabi niya "sige do'n ka nalang sa Ate Micaela mo."

Natawa naman ako bigla ng mala pangkontrabida pa.

Me: Kilala pala niya 'ko?

Tyler: Nakukuwento kasi kita sa kanya.

Feeling ko tuloy sa mga oras na 'to napakaganda kong nilalang para i-kwento niya sa ibang tao. Kaya eto, ngiting tagumpay ako.

Me: 'Yaan mo na siya lalamig din ang ulo niya.

Minsan nararamdaman ko kapag ganitong may ibang babaeng pangalan ang nasisingit sa usapan namin, parang nagiging kontrabida ako.

Tyler: Bayaan na hahaha. Kumain ka na ba Ate?

Pagkabasa ko no'n nawala bigla yung ngiti sa labi ko. Ano namang masama sa pagtawag niya sa'yo ng ate ha Micaela Dizon? Tanong ko sa sarili.

Me: 'Wag mo na nga akong tawaging Ate.

Tyler: Bakit naman eh, paggalang 'yon sa nakakatanda.

Me: Eh, ayoko tsaka isang taon lang naman agwat natin kaya 'wag mo na 'kong i-ate-ate pa.

Me: Basta wag na iate.

Tyler: Eh, ano tatawag ko sayo?

Kung gusto mo, you can call me Mine. Charot! Landi cells na naman. Mabilis na iwinaksi ko ang naisip.

Me: Pangalan ko.

Tyler: Osige.

Me: Good, good.

Masunuring bata naman pala eh.

Lumipas pa ang ilang linggong ka-chat ko siya, and I can feel that I am starting to like someone I just met online.

I keep on reminding myself na hindi ko siya pwedeng magustuhan, why?

First, bata siya sa'kin which is ayoko sa isang lalake. Second, kakagaling ko lang sa heart ache kay crush, and lastly, I just met him online.

Umiwas nalang kaya ako? O'kaya 'wag ko na siya muna i-chat? Tanong ko sa sarili.

Parang kapag siya na yung pinag-u-usapan nawawala ako sa tamang wisyo ko. Minsan parang lutang ako na ewan. Magulo, magulong-magulo. Ayoko na nga ulit ma-in love, dahil sa past na hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa'kin ang lahat.

Kapag nakikita ko si Elijah hindi ko alam kung nandun pa rin ba yung kilig o sadyang iniisip ko na nga lang na gusto ko pa rin siya, tapos dadagdag naman 'tong si Tyler na napaka-caring and sweet pero alam ko namang friend lang ang turing sa'kin.

Ramdam ko naman kasi 'yon eh, na parang may gap pa rin saming dalawa, na kahit close at komportable na kami sa isa't-isa alam kong hindi pa humihigit yung nararamdaman niya para sa'kin.


***

IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon