KABANATA 1

532 39 1
                                    

"Hoy, ano 'yan?! Ikaw ah, may jowa ka na?" pang-aasar ko sa kaibigan ko. Tumawa naman ito.

"Girl, try mo 'tong app na 'to," sabi sa'kin ni Kaila at may ipinakita sa kanyang cellphone.

"Ano naman 'yan 'te?" usisa ko.

"Try mo lang, download mo 'tong MeetOnline," turo niya sa'kin.

Tinignan ko naman ito para makita ang icon ng app, nakita ko ring may ka-chat si Kaila do'n kaya medyo na-curious ako. Hindi naman sa pagiging taga bundok pero kasi hindi naman ako nag-e-explore sa loob ng online world.

Madalas ko lang naman gawin kasi sa online ay manood ng mga kdrama, magbasa sa Wattpad, mag Tweet, mag-post sa Insta, at mag-share ng mga post sa FaceB.

Never akong nag-try ng mga ganitong app kaya medyo na-curious din ako.

"Ayoko, ikaw nalang. Nako, safe naman ba 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman 'no, basta 'wag mo lang ibigay yung real identity mo sa kanila, nakita ko lang kasi ito sa mga advertisement. Eh, na-curious ako kaya tinry ko," paliwanag niya sakin. Tumango nalang ako sa kanya saka nagbasa na ulit pero na-cu-curious pa rin sa app na pinakita niya sa'kin.

Hanggang sa matapos akong magbasa ay nakikita ko pa rin siyang nag-cha-chat sa app na 'yon at kung minsan kinukuwento niya sa'kin yung mga nakakausap niya.

Lunch time na at ngayon ay naghahanap kami ng ma-u-upuan dito sa canteen.

"Girl ayun do'n oh!" Turo ni Sandra isa sa bestfriend namin ni Kaila. Agad naman naming pinuntahan ang pwestong tinuro ni Sandra saka naupo.

"Ano kakainin mo girl?" tanong sa'kin ni Georgia. Saglit naman akong nag-isip kung ano nga ba ang masarap kainin.

"Pagkain," sabat ni Carla sabay tawa nito, binigyan lang naman siya ng isang bored look ni Georgia.

Napailing nalang kaming tatlo nina Kaila at Sandra. Kahit kailan talaga nagko-kontrahan ang dalawa.

"Tara na. Oh, maiiwan kayo dito?" tanong ko kay Sandra at Carla dahil may mga dala silang baon.

"Oo, sige na bumili na kayo," sagot sa'kin ni Sandra.

Pagkabalik sa pwesto namin ay nakita kong ngumingiti-ngiti sina Carla at Sandra.

"Napa'no kayo?" tanong sa kanila ni Kaila. Tumingin naman sila sa katabing table namin kaya sinundan ko iyon ng tingin.

At do'n nakita ko siya, si Elijah ang crush ko. Hay ang gwapo niya talaga.

Habang kumakain kami hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa pwesto nila. "Girl, matunaw ha," rinig kong sabi ni Carla sa'kin.

Inirapan ko naman siya bilang sagot. Tinawanan lang naman ako ng tatlo.

Matapos naming kumain ay nagkukuwentuhan kami ngayon.

'Di ko alam kung assuming ba 'ko o talagang nakikita ko siyang lumilingon sa pwesto ko.

Nakikita ko siyang nakikipagkuwentuhan at habang hindi siya nakatingin ay ako naman itong nagnanakaw ng tingin sa kanya.

May singkit na mga mata na parang kumikislap pa sa liwanag. May mtangos na ilong, at magandang ngiti, perfect definition of gwapo! Kaya 'di nakakapagtakang maraming may gusto sa kanya na ultimo kahit mga higher grade level samin nagkakagusto rin dito.

Crush ko na siya mula first year highschool which we call today as grade 7. Siya rin ang masasabi kong the one that got away, pa'no ba naman kasi almost na sanang nagkaroon ng pag-asa saming dalawa kaso dahil sa'kin ayun naging bato pa.

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon