KABANATA 8

169 24 1
                                    

Habang tumatagal mas lalo akong natatakot sa mga posibilidad na mawala siya sa'kin ng tuluyan.

Naisipan kong puntahan ang profile niya, and to my surprise may nakita akong isang post niya about crush thing. Binasa ko lahat ng comments at naka-mention ang girl and she's no other than the girl who have always been link to Hanze.

Si Carmie.

"Ayieee lampo!"

"Ba't hindi pa totohanin"

"Ayieee stay strong sainyo"

Iilan 'yan sa mga asaran na nabasa ko sa post niya na 'yon, at do'n nabuo ang isang palaisipan sa'kin na baka si Carmie ang tinutukoy niyang nagugustuhan niya.

Kaya naman 'di na 'ko magtataka kung magkagustuhan silang dalawa, dahil siguro sila lagi ang magkausap at alam kong may gusto rin sakanya si Carmie.

Tinignan ko rin ang profile ni Carmie, ewan ko pero may nas-sense ako na kakaiba.

Bumungad sa'kin ang samu't-saring shared quotes niya sa kanyang wall, halata mong inspired na inspired siya at mukhang may something na sa kanilang dalawa base sa mga post niya.

Sa mga lumipas na araw, linggo, buwan at taon palihim kong pinupuntahan ang kanilang mga profile. And now 4 years na sana kami ngayong taon kaso may balitang nakarating sa'kin.

Nakausap ko si Rica isa sa mga naging kaibigan ko sa gruop namin sa FaceB.

Rica: Hello ate, kamusta ka na po? Miss na po kita.

Me: Hi! Ayos naman ako, namiss din kita tagal din kitang 'di nakausap. Ikaw?

Huling usap kasi namin was a year ago, pero 'di ko naman tinatanong sa kanya si Hanze dahil mukhang okay naman ito.

Rica: Ayos lang din po ate. 'Te 'di ka na po ba talaga babalik sa group? Namimiss ka na din po ng iba eh.

Me: Hmm 'di na siguro tsaka busy na din lalo na 2nd year Collage na 'ko, medyo marami-rami na rin akong ginagawa 2nd sem na eh.

Rica: Ah sige po ate, ingat ka po palagi.

'Di na 'ko nakatiis kaya nagtanong na'ko tungkol kay Hanze.

Me: Ahm, ano Rica pwede bang mag tanong? Pero sana sa'ting dalawa nalang 'to.

Rica: Sige po ate ano po ba 'yon?

Me: Kamusta na pala si Hanze?

'Di ko alam kung nagtataka na siya sa'kin ngayon dahil bigla-bigla ko nalang tinatanong si Hanze.

It took some minutes before she replied.

Rica: Ayos naman po siya ate, pero alam mo po dati ewan ko pero malungkot po siya. Ngayon mukhang okay naman na po siya, mukhang happy naman na siya ulit.

Nasaktan naman ako sa nabasa, mukha ngang masaya na siya. Sa iba.

Me: Talaga? Hahaha. Mukhang may something na sa kanila ni Carmie ah napapansin ko lang sa mga post nilang dalawa hahaha.

Ewan ko kung mapapansin niyang peke ang mga tawa ko.

Rica: Ang alam ko ate may bali-balita sa group na sila na daw ayaw lang nilang ikalat pero yung ibang officers feeling ko may alam sila kasi minsan sila lang nagkakaintindihan.

Lalo naman akong nalungkot sa nalaman.

Me: Ah ganun ba, mukha namang may sila eh.

'Yon nalang ang nakayanan kong i-reply dahil wala na 'kong ibang alam sabihin sa nalaman.

Nang matapos kong malaman mula kay Rica ang balitang 'yon ay parang nawalan na 'ko ng pag-asa, sa nine years na balak naming dalawa para sa isa't-isa.

Kaya simula no'n tinigilan ko ng mangstalk sa mga profile nila, minute ko na rin ang notification ko sa mga future post nila.

Ayoko na rin umasa, nakakapagod.

I know epekto lang 'to ng pag-o-overthink ko pero pa'no kung totoo, pa'no kung sila na nga.

Ayoko ng ikulong ang sarili ko sa taong hindi kayang mag-stay sa tabi ko at mag hintay sa tamang panahon. Kaya nagpatuloy ako sa buhay, binalik ko lahat ng dating gawi ko sa araw-araw kong pag gising.

"Congratulations nak!" bati sa'kin ni mama at papa.

Umuwi si papa para makadalo sa aking graduation, nagmula pa siya sa Saudi dahil do'n ang trabaho niya pero ang sabi ko once na makapagtrabaho na 'ko kailangan na niyang tumigil sa pagtatrabaho, para ako naman ang susuporta sa kanila. Para na rin makapagpahinga sila.

Finally! Graduate na 'ko.

"Itutuloy mo pa ba ang pagdo-doctor?" tanong sa'kin ni papa.

Ngumiti ako bago siya sinagot, "Hindi na po muna, magtatrabaho na po muna ako."

I am currently looking for a job, nagpahinga ako ng mahigit isang buwan bago ako nagsimulang maghanap ng trabaho. At six years na nga ang nakalipas, magsisinungaling ako pag sinabi kong naka-move on na 'ko.

Oo na ang tanga ko na para mag-stay sa feeling na 'to, but I tried to dissolve this feeling.

Sinubukan ko naman mag move on eh. Sa katunayan ay may nanligaw sa'kin no'ng college days ko.

Sinubukan ko naman pero nang tumatagal na ay may nagsasabi sa'king may mali. Na hindi naman talaga ko masaya kasama yung mga taong 'yon, at infantuated lang ako just for the sake na makalimutan ko si Hanze.

Pero hindi ko pa rin pala siya nakakalimutan, especially this feeling I have for him. He still have my heart with him.

And after that, I was really determined to move on and maybe kaya ganito pa rin nafi-feel ko for him dahil kailangan namin ng closure.



╚═*.·:·.✧ ✦ ✧.·:·.*═╝



Nag-apply ako sa isang company na malapit dito samin and I am really determined to pass my interview on this company, dahil maganda ang mga benefits na binibigay nila sa mga employees, may magandang credentials and the salary okay na okay din.

May mga nakapagsabi na mahirap daw makapasok sa company na 'to dahil mahigpit sila sa qualifications ng applicants.

Kinakabahan na na-e-excite ako at the same time.

Beep! Beep!

May natanggap akong notification.

ResortSuit Services Company sent you a mail.

Dumating ang matinding kaba sa aking dibdib. Nagcross fingers ako bago ko ito binuksan at pikit-mata ko itong hinintay na mag-load.

Ilang segundo ang lumipas ay dahan-dahan ko ng binuksan ang aking mga mata saka nagsimulang mag basa.

Micaela Dizon
#1245 Sta. Barbara street, Brgy. Mabini Sto. Domingo, Angeles City Pampanga
0900-555-6555
micaeladizon@gmail.com

Date: September 04, 2019

Dear Ms. Micaela

After reviewing your resume, our company would like you to come here at the main office for the final interview on September 07,2019. Please acknowledge if you are still interested, thank you.

Yours truly,

ResortSuit Services Company.



***

IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon