KABANATA 10

156 23 1
                                    

Iam so proud to say na isa na 'kong independent woman ngayon, nagta-trabaho ako sa isang company bilang HR manager.

I'm now working for my parents and also for myself. Honestly, magta-tatlong taon na 'ko sa kumpanyang pinagta-trabauhan ko.

"Goodmorning po," bati ko kay Kuya Carding, yung guard na naka-duty ngayon. Masaya naman ako sa kumpanyang pinapasukan ko kasi ka-close ko naman na halos lahat ng empleyado rito.

"Goodmorning din po Ma'am, ganda po natin ngayon ah," balik na bati naman niya sa'kin.

"Naku, Kuya matagal na po akong maganda," sagot ko naman sa kanya habang natatawa pa.

"Isa nalang nga ho ang kulang sainyo eh," sabi pa nito na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Ano naman po 'yon?" tanong ko kay kuya habang may pagtataka sa aking mukha.

"Boyfriend po Ma'am. Eh, sa tagal ko na pong nagta-trabaho dine ay wala pa po akong nakikitang naghahatid sainyo o'dikaya may magpadala man lang ng bulaklak," paliwanag naman ni Kuya Carding sa'kin.

Saglit naman akong napatigil at napaisip sa sinabi ni kuya saka napangiti ng mapait.

"Hayaan niyo na po Kuya, i-ne-enjoy ko lang yung dalaga days ko." Pilit kong pinasigla ang aking boses.

"Naku, Ma'am sa edad niyong 26 years old ay dapat kahit boypren man lang ay mayroon na kayo," biro pa nito sa'kin.

Medyo gumaan naman ang aking pakiramdam sa biro niya kaya tinawanan ko nalang ito saka nagpaalam na.

Pagkapasok ko ng elevator ay pinindot ko na ang 7th floor, do'n kasi ang office ko.

Isa ito sa dream ko, ang magkaroon ng sariling opisina at magsuot ng office attire.

Pasara na sana ang pintuan nang makita ko ang isang kamay na pumigil dito.

"Wait!" tinig ng isang lalake kaya agad ko namang pinindot ang open button para bumukas ito.

Ngunit tila nagsisisi na 'kong binuksan ko pa iyon. Mabilis ang pagtibok ng aking puso, hindi mapakali ang isip, at ang mga mata kong hindi alam kung pa'no ko ito kokontroling 'wag siyang tignan. Para kaming mga tangang nagti-titigan dito sa bukas na elevator.

Ako na nasa loob at siya naman ay nasa labas.

"Ela."

"Hanze."

Halos magkasabay naming tawag sa isa't-isa at bago magsara ang pintuan ng elevator ay siyang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

Siya.

Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon single pa rin ako.

Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako.

Siya ang taong hanggang ngayon minamahal ko pa rin, kahit nagsimula kami sa komplikadong sitwasyon.

At siya ang taong pinaasa ako, nine years ago.

Nagda-drama pa 'ko sa loob ng elevator nang maramdaman kong bumukas ang pinto at nakita ko na naman ang mukha niya.

Hindi ako nananaginip lang dahil totoo siya.

Nakatingin lang siya sa'kin habang naglalakad ito papasok. 'Di ko alam kung anong meron pero bakit tila walang ibang empleyadong sumasakay ngayon.

Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito, hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung pa'no ako di-distansya.

"Ela." Rinig kong tawag niya, 'di ko alam kung malalagutan ba 'ko ng hininga nang tawagin niya ang pangalan ko.

Hindi ako sumagot, sa halip nanatili ako sa aking kinatatayuan sa tapat ng mga numero at mas lalong nagsumiksik pa do'n habang siya nasa kabilang dulo ng elevator.

Parang nawawalan ng oxygen ang paligid dahil hindi ako makahinga ng maayos.

Narinig kong bumuntong hininga siya at naramdamang ko na unti-unti siyang lumalapit sa kinaroroonan ko.

Tumingin naman ako sa taas dahil pinapanood ko ang numerong tumataas at pinapanalangin na sana makarating na 'ko pero tila ang bagal ng pag-akyat nito.

5...

Malapit na siya sa'kin

6...

Ayan na siya.

7...

Ting!

The moment the door opened ay agad na 'kong tumakbo palabas bago pa niya ko tuluyang malapitan.

Nang makarating ako sa tapat ng glassdoor ng department namin ay tila doon palamang ako nakahinga ng maluwag.

"Oh, Ma'am okay lang po kayo?" tanong sa'kin ni Maddie, isa sa mga kasama ko dito sa department namin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"Oo, okay lang ako medyo napagod lang. Tumakbo kasi ako. Gusto ko mag-exercise."

Alam kong nagtataka siya pero 'di ko na 'yon pinansin at pumasok na sa office ko.

Nang makaupo ako sa swivel chair ko ay 'di ko maiwasang isipin ang nangyari kanina.

Bakit siya nandito?

Nagtatrabaho din siya dito?

Oh no no no way!

Tila baliw na kausap ko sa sarili.

Knock! Knock! Knock!

Nabalik ako mula sa pag-iisip sa lalakeng 'yon nang may kumakatok na pala sa may pintuan ko.

"Come in!" sabi ko saka umayos ng upo.

Dahan-dahan naman itong bumukas at lumabas mula doon si Amy.

"Ma'am, ready na po yung interview room and yung mga applicants din po okay na," sabi niya kaya naman tumayo na'ko at naghanda na para umalis.

"Okay, ando'n na ba yung mga resumes nila?" tanong ko sa kanya habang palabas kami.

"Yes, Ma'am naayos ko na rin po, gusto niyo po ba ng coffee or anything Ma'am?" tanong naman niya sa'kin.

"No, I'm good nakapag-almusal naman na 'ko," sagot ko.

"Ay oo nga pala Ma'am, hindi po si Mr. Kim yung makakasama niyo ngayon, kundi yung isa ring owner ng company and I heard po na isa siyang engineer sa sarili niyang real estate company kaya madalang siya dito," kwento niya sa'kin.

"Eh, asa'n ba daw si Sir Kim? 'Di man lang nag sabi 'yon," sabi ko naman sa kanya.

Close kami ni Sir Kim at parang barkada ko na rin ito.

"Ang alam ko po nag-leave siya for a month at iniwan niya muna kay Mr. Ortega itong company," sagot naman niya sa aking tanong.

The name was familiar in my ears pero ipinagkibit-balikat ko nalang.

Pagpasok namin sa interview room ay agad na 'kong umupo sa mga upuan na nakatalaga samin.

Mostly kasama kong mag-interview ay ang ibang matataas na boss, including the owners of this company.

Isa-isa naman ng nagsisidatingan ang mga kasama ko.

"Good morning Ma'am."

"Good morning po Sir," bati ko sa kanilang dalawa.

Naupo na kaming tatlo at handa na kami sa mga aplikante.

Nagbabasa ako ng resume ng isa sa mga aplikante nang biglang bumukas ang pintuan kaya naman napatingin ako dahil baka yung boss na pala namin ang dumating.

"Sorry I'm late, let's begin," seryosong sabi niya.

Nagsitayuan naman ang mga katabi ko upang bumati

"Good morning Mr. Ortega," magalang na bati nila saka bahagyang yumuko.

And I was so shocked na siya pala ang isa sa boss ko aside from Mr. Kim.

"Hanze," mahina kong tawag sa kanya and with that napatingin siya sa gawi ko.

I felt my heart beating so fast again na sa kanya ko lang nararamdaman.



***
IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon