KABANATA 2

275 28 0
                                    

Ibibigay ko ba o i-end ko nalang bigla?

Pero mukha naman kasing mabait ito.

Me: Ikaw muna anong name mo sa Fb? Tapos sasabihin ko yung akin promise o'kaya ako na mag-add sa'yo.

Anonymous: Tyler Hanze Ortega ang name ko. Osige.

Syempre bago ko siya nireplyan sinearch ko na kung legit ba yung account na binigay niya.

Lumabas naman agad ito ng ilagay ko ang pangalan na sinend niya.

Nang makita ang profile niya ay bumungad sa'kin ang larawan ng lalakeng may makakapal na kilay at parang babae sa haba na mga pilik mata, isang cute at pouty lips na parang manika, at may katangusang ilong.

Masasabi kong malakas ang karisma nito, but not my ideal type of guy. "Cute siya perp ang bata naman nito 15 years old palang. Ibibigay ko pa ba yung sa'kin? Baka mamaya pag-i-nend ko sabihin naman niya gwapo lang hanap ko," kausap ko sa aking sarili.

Mukha naman siyang harmless kaya pinindot ko na ang 'add friend' saka binalikan ang chat namin.

Me: Ayan na-add na kita.

Maya-maya ay may nag-pop up na notification sa phone ko.

'Tyler Hanze Ortega accepted your friend request'

Kinabahan ako bigla habang nakatingin sa profile niya. Ba't naman ako kakabahan 'di naman siguro siya mamamatay tao 'no, tsaka komportable akong kausap siya kahit ngayon ko palang siya nakausap.

'Tyler Hanze Ortega sent you a message'

Diko alam pero parang na-excite ako bigla na buksan 'yon.

Tyler: Hello po.

'Maka-po naman 'to akala mo bente-singko anyos na yung kausap," sabi ko sa sarili.

Me: Hi.

"Girl start na ng test," sabi sa'kin ni Kaila.

Me: Sige na, tapos na break time namin, mamaya nalang ulit. Start na ng test namin.

Tyler: Sige goodluck sa test mo po.

Napangiti naman ako sa simpleng reply niya. Nababaliw na ata ako.

"Ay anong ngiti 'yan 'te?!" initriga sa'kin ni Carla sa aking tabi.

"Wala, mag-test ka na diyan," mataray na sabi ko sa kanya pero tinawanan lang ako.

Habang nag-te-test ay para akong sira na ngumingiti-ngiti mag-isa sabay napapailing-iling pa.

Meeting someone online is not bad after all.

Nang matapos ang exam namin pinayagan na kaming umuwi. Kaya eto nag-aayos na 'ko ng gamit ko.

Habang nag-aayos ay naalala ko naman ang taong naka-chat ko kanina.

'Di naman siguro ako mapapahamak 'di ba?

Mukha naman siyang harmless.

Tsaka 'di naman siya mukhang masamang tao eh.

Pero 'di pa rin siya gwapo.

Pero cute siya.

Sunod-sunod na tanong ko sa sarili. Ano ba 'yan bakit ba na-bo-bother ako sa lalakeng 'yon. Nang hindi rin ako nakatiis ay kinuha ko na ang phone ko para mag-message sa kanya para sabihing tapos na 'kong mag-exam.

Me: Hello, tapos na 'kong mag-exam uwian na!

Tyler: Nays! Ako rin pauwi na eh.

Me: Oh okay, ingat ka ah 'wag tanga.

Tyler: Lol. 'Di naman.

And the rest ng pag-u-usap namin ay naging maayos naman may minsan pang iniisip ko kung bakit parang ang gaan ng loob ko sa kanya.

Hanggang pag kauwi ko ay ganun pa rin kami. Usap dito, usap doon.

Nag-e-enjoy akong kausap siya, hindi nakaka-bored.

Two weeks na kaming magka-chat ni Tyler, and so far mukhang 'di naman siya nagsasawa sa'kin na kausap niya lagi.

I am currently eating here at the canteen.

And guess what, nasa harapang table ko ngayon si crush. Elijah, hay ang gwapo niya talaga, no wonder kung bakit crush na crush ko pa rin siya kahit minsan ang sakit nila sa mata ni Cristina.

Cristina? Siya lang naman ang sikat na girlalu sa campus, ganun din si Elijah-myloves. Si Cristina yung babaeng masasabi mong good catch kasi nasa kanya na halos lahat ng magandang characteristics habang ako, wala, eto isang nobody lang.

Hanggang tanaw lang sa kanya, palihim siyang sinusulyapan mula sa malayo.

Kaya 'di na 'ko magtataka kung maging sila, kasi bali-balita na dito sa campus na nililigawan na ni Elijah si Cristina, na ikinasakit ng puso ko.

Move on na nga ba? Wala na rin naman akong pag-asa.

That is the saddest part in love, yung hindi aware yung taong minamahal mo na nasasaktan kana pala niya and you can't do anything about it lalo na kung stranger ka nalang sa kanya.

Imagine, I am admiring him from a far for almost 3 years now. Sinasabihan akong mag-move on na but, I'm still here, pinapaniwala yung sarili kong meron paring pag-asang makabalik kami sa dating closeness namin sa isa't isa.

At kahit mukhang malabo na, naiisip ko na rin namanng mag-move on kasi nagmumukha na nga akong tanga, kakabati sa kanya pag birthday niya, ka-ka-congratulate kapag may achievements siyang nakukuha. Wala naman akong natatanggap na reply sa kanya.

Masyado kasi akong nagpaniwala sa mga signs. Sign na baka ngayon lang 'to and eventually babalik kami sa dati.

Pero magtatatlong taon na, but still, wala paring nangyayari.

Siguro nga it's time to let go of the past, may mga bagay na kailangan mo ng pakawalan kasi alam ng nasa itaas na hindi siya ang para sa'yo, kasi the better is yet to come.

"Mag-mu-move on na talaga ko 'te," nakatulalang sabi ko kay Sandra, sa kanilang limang bestfriend ko, siya yung isa sa nasasabihan ko tungkol sa lovelife ko.

"Ay 'te! Ilang beses mo ng sinabi 'yan pero 'di ka pa rin naman nag-mu-move-on hanggang ngayon," mataray na sagot niya sa'kin.

Nandito kasi kami ngayon sa Jabi habang kumakain dahil nagpapalipas ng oras.

Sports Fest na kasi ngayon kaya okay lang kahit anong oras naming gustuhing pumasok, saka wala naman kaming laban ngayon, isa kasi ako sa mga volleyball players ng team namin.

"Magtatatlong taon kanang umaasa 'te, ngayon mo lang naisip 'yan." Sabay iling-iling pa nito

"Eh, kasi naman masakit din siya sa heart, alam mo naman 'di ba nililigawan na nga niya si Cristina, ano naman laban ko do'n," malungkot na sabi ko.

"Sus, ayos lang 'yan maganda ka naman 'no, actually, mas maganda ka naman do'n kay Cristina sadyang 'di ka lang bet ni Elijah," katwiran pa nito. Kaya inirapan ko nalang siya.

"Salamat sa advice ah, grabe nakatulong," sarcastic kong sagot sa kanya.

"I know right, broken ang beshy ko. Aruuuy." Saka umaktong sumasakit ang dibdib.

"Pero alam mo ang weird, parang okay naman na 'ko, 'di na katulad dati na as in nalulungkot ako, na na-fi-feel ko yung pain sa hearty hearty ko," maarteng sabi ko.

"Baka naman naka-move on ka na talaga at sadyang infantuation nalang 'yan, at natutuwa ka nalang sa thought na in love ka sa kanya, when in fact, hindi ka naman na talaga in love sa kanya. Baka naka-move on ka na dati pa pero mas pinipili mong ma-in love sa thought na mahal mo pa rin siya," mahabang paliwanag niya.

Infantuation na nga lang ba ito? All this time naghihintay ako na baka someday maging kami and maging mutual ang feelings namin pero mukhang tama nga ang kaibigan ko feeling ko naka-move on na talaga ko.



***
 IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon