KABANATA 7

158 26 1
                                    

Isabay mo pa ang awra ni mama ngayon. Nanginginig ang kamay na ibinigay ko kay mama ang phone ko. Ngayon ramdam kong may mangyayaring hindi maganda ngayon.

Pinapanood ko lamang si mama sa pag-scan sa phone ko at sa tingin ko'y nakita na niya ang hinahanap niya.

"Sino 'tong Tyler Hanze?" maawtoridad na tanong ni mama. Iniisip ko kung magsisinungaling ba 'ko o sasabihin ko ang totoo, pero kung magsisinungaling ako mas lalong lalala ang sitwasyon.

"Sa'n mo 'to nakilala?" sunod na tanong niya. Hindi ko maisip kung ano ang mga dapat na salitang sasabihin ko.

"Matagal ko ng napapansin itong ka-chat mo na 'to eh, at lalake pa. Sa'n mo nakilala 'to?" tanong ulit ni mama habang patuloy sa pagbabasa at do'n na'ko naiyak ng tuluyan.

"Sa FaceB po" mahinang sagot ko.

"'Di ba sinabi ko sa'yo na 'wag na 'wag kang kakausap ng hindi mo naman kilala?" galit na sabi sa'kin ni mama.

"Oh, pa'no kung may gusto lang malaman sa'yo 'to tapos gawan ka ng masama?" Dagdag pa ni mama.

"'Di mo muna mahahawakan ang phone mo ah." Yun lang ang sinabi niya at nakita kong nagtipa siya sa cellphone ko na mas lalong ikinakaba ko.

Hindi ko alam kung ano na ang mga sumunod na nangyari sa nakalipas na tatlong araw, at sa loob ng tatlong araw na iyon wala akong ginawa kundi umiyak at mag-alala para kay Hanze.

Buti nalamang at hindi na sinabi ni mama kay papa ang nangyari.

Lumipas ang ilang linggo at kinabukasan ay first day ko na ulit sa school as a graduating student in senior high.

"Mica!" tawag sa'kin ni mama mula sa kwarto niya. Agad naman akong pumasok do'n.

"Po?" tanong ko nang makapasok ako sa loob ng silid.

Iniabot niya sa'kin ang cellphone ko. "Ibibigay ko na itong phone mo, pero make sure na hindi mo na kakausapin ang lalakeng 'yon," seryosong sabi sa'kin ni mama at tanging tango lamang ang naging sagot ko.

Bumalik na'ko sa kwarto ng matapos kaming kumain ni mama dahil napakatahimik naming pareho buong araw.

As I enter my room agad kong binuksan ang phone ko papuntang messages and there I saw that mama talked to Hanze.

The bottom line of everything, gusto ni mama na layuan ako ni Hanze at ang nakakalungkot lang ay pumayag si Hanze na lumayo siya sa'kin.

I tried sending him messages through InstaG, pero ni isang message wala akong na-recieve kundi seen niya lang. Sa buong linggong umaasa akong magme-message siya sa'kin ay ganun din kadalas ang aking pagluha.

I miss Hanze.



╚═*.·:·.✧ ✦ ✧.·:·.*═╝



Today is my birthday at hindi ko magawang maging masaya ng lubusan dahil umaasa pa rin akong maaalala niya ang kaarawan ko. Kahit ngayon lang.

Kinabukasan, I was silently watching a movie in my room.

Balik na din kami sa dating gawi namin ni mama, yung wala ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Nang maisipan kong buksan ang phone ko, nagbabakasakaling may reply na si Hanze.

Sa aking pagkabigla nakita kong may notification ako sa InstaG, kaya agad kong binuksan ito.

It was sent yesterday two o'clock in the morning.

Agad ko itong binasa. Maluha-luha pa 'ko habang nagbabasa.

Hanze: Happy Birthday Micaela love, I know hindi masayang-masaya yung birthday mo dahil sa nangyari and I was really worried about you. Nag-aalala ako sa kung ano na nangyari sa'yo. I know nag tatampo ka kasi 'di ko sinasagot mga messages mo. Gustong-gusto kong sagutin ang mga messages mo pero kailangan kong tiisin kasi inaalala ko yung sinabi ko sa mama mo na lalayuan kita. Ela, tama yung mama mo, hindi mo pa 'ko kilala talaga kaya makinig ka sa kanya please. Ayokong mawalan ng tiwala sa'yo ang mama mo. Tutuparin pa rin natin lahat ng nasa bucketlist na ginawa nating dalawa but for now, focus ka muna sa pag-aaral mo at ganun din ako. Magkikita tayo Ela, tapos itatama natin lahat. Ingat ka palagi ha, makikinig ka sa mama mo, Love kita sobra.

May naka-attach pang video dito pagkatapos ng message niya. Agad ko naman itong plinay para panoorin kung ano ang nilalaman nito.

Sunod-sunod na umagos ang mga luha mula sa aking mga mata nang magsimulang magplay ang video.

It was clearly black, but I can hear his voice singing a song for me. It was song entitled 'Kung akin ang Mundo'.

I was just staring at the black screen while listening to his voice, umiiyak pa rin ako dahil sa saya at lungkot.

Saya dahil hindi niya nakalimutan ang birthday ko at nagbigay siya ng mensahe bago ang lahat.

Lungkot dahil pakiramdam ko ito na ang huling beses na makakausap ko siya, ito na ang huling beses na maririnig ko ang boses niya at pakiramdam ko mawawala na siya sa'kin.

Tahimik akong umiiyak sa aking kwarto, masakit sobra dahil parang ayaw talagang umayon sa'min ng tadhana, lalo na't mismong magulang ko ang ayaw sa aming dalawa.

Nag-reply pa rin ako kahit alam kong i-si-seen niya lang 'to atleast alam kong nabasa niya.

Me: Thank you Hanze, Love din kita sobra. Ingat ka din palagi and soon magkikita tayo, Soon.



***

IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon