Sembreak na at malapit na rin ang all soul's day. Kung itatanong niyo kung ano na bang ganap samin ni Tyler, ayon masaya. Wala pa ring nagbabago at halos magtatatlong buwan ko na siyang kausap at akala ko nagsasawa na siya.
Me: 'Di ka naman ba nagsasawang kausap ako?
Tyler: Ba't naman ako magsasawa?
Omaygash! So ayon na nga po yung puso ko kumakabog ng napakabilis 'di ko alam kung bakit, huli kong naramdaman 'to no'ng nagkagusto pa 'ko kay Elijah.
Me: Syempre 'di ba, dito lang tayo nag-uusap, 'di katulad pag sa personal na nagkikita tayo, and I bet marami ka pang kausap diyan na mas masayang ka-chat.
Okay napakadrama ko sa part na 'yan, oo na madrama na kung madrama pero ganyan ang nararamdaman ko.
Tyler: 'Di naman, saka mula nung nakilala kita after no'n 'di ko na ginagamit yung MeetOnline, to be honest I already deleted it.
Me: Bakit naman?
Saglit akong kumalma habang naghihintay ng sagot niya pero yung puso ko nagsasaya na sa sobrang tuwa, omaygee did I just admit that I like Tyler Hanze Ortega?
Tyler is typing...
Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko, hinihintay ang kanyang dahilan.
Tyler: Ewan ko ba, pero parang nawalan na rin ako ng gana, ikaw na yung last kong nakausap do'n.
Tyler! Ang paasa mo! Pa-fall kapa! Pero 'di mo naman alam na may gusto ako sa'yo eh, sigaw ng isip ko.
At ayun ang nangyari no'ng mga nakaraang araw, and my heart is still beating so fast whenever he is so soft to me, tipong sasbihan ako ng, "Kumain kana ba?", "ingat ka pagpasok ah", "tulog kana uy".
╚═*.·:·.✧ ✦ ✧.·:·.*═╝
Nandito ako ngayon sa sala namin nanonood habang tahimik na naghihintay sa isang message ng taong kanina pa laman ng isip ko.
Beep! Beep!
Agad ko namang binuksan ang cellphone ko para tignan ang message. Pagkakita ko sa message niya ay kinabahan ako bigla.
Hala! Sino naman kaya to.
Tyler: Ikaw ba si Micaela?
Pa'no kung mama niya 'to? Ano sasabihin ko? Pa'no kung ayaw din pala ng mama niya yung mga nakikilala lang online at pagalitan siya.
At dahil sa kaka-overthink ko hindi ko nalang nireplyan kasi baka mapahamak kaming dalawa, mahirap na baka mama niya pala 'yon tapos mapagalitan kami. Hihintayin ko nalang siyang mag-message sa'kin ulit.
Minuto, oras, araw, at buwan ang lumipas pero wala akong natanggap na bagong chat mula sa kanya. Ayoko naman mag-first move kasi baka mamaya isipin naman niya na desperada akong makausap siya.
At ngayon nga ay December na, 'di ko mapangalanan ng maayos kung ano nga bang dapat kong maramdaman kung malungkot ba 'ko o ano. Basta minsan binubuksan ko yung chat box namin sabay mag-ba-backread ako para basahin yung mga masasyang usapan namin.
Kinakamusta ko rin yung feelings ko, kung crush ko pa rin ba siya o nag-level up na. 'Di ko alam pero mukhang crush lang siguro dahil wala akong maramdamang iba sa ngayon. My days are still going on, go with the flow ganun.
"Kumain na kayo dito!" Rinig kong tawag ni lola sa mga bisita, December 25 na ngayon at kakauwi lang namin mula sa pagsisimba. Every year kasi ganito ang routine namin, after ng Christmas eve, uuwi na sa kanya-kanyang bahay pagkatapos kumain dito kina lola tapos kinabukasan sabay-sabay kaming pamilya na magsisimba at uuwi rin para kumain ulit dito kina lola, syempre hindi mawawala ang mga bisita na nanghihingi ng aginaldo at mga nakikikain.
Nagpapahinga ako ngayon dito sa sala nila lola kakatapos lang namin magbukas ng mga regalo at kakauwi lang din ng mga pinsan ko dahil pupunta raw sila sa kani-kanilang mga kamag-anak kaya naiwan nalang dito, ay kami nila mama at papa para tulungan sila lola na magligpit at i-serve ang mga dumarating pang mga bisita.
Beep! Beep!
Tinignan ko naman kung sino ito.
Tyler sent you a message.
Nanlaki ang aking mga mata sa nakita at bumalik ang mabilis na pagtibok ng aking puso matapos ang lumipas na isang buwan ay walang nagbago sa nararamdaman ko para sa lalakeng 'to.
Binuksan ko naman ang kanyang chat.
Tyler: Merry Christmas. God bless po.
Hindi ko alam pero parang New Year na sa'kin, may kung ano akong naririnig na fireworks sa puso ko.
Agad-agad naman akong nag-type para mag-reply. Marupok ako eh.
Me: Merry Christmas din, naalala mo pa pala 'ko.
Masaya ako na nagtatampo, dahil ngayon lang ito nag-chat sa'kin matapos ang isang buwan.
Tyler: Sa lahat naman ako nag-greet eh.
Nawala naman bigla ang ngiti sa aking labi. Bastos! Kahit kailan talaga marunong manira 'to ng moment.
Me: Ah ganun ba.
'Yon lang ang reply ko sa kanya at ewan ko ba, naramdaman ko bigla na 'di naman talaga para sa'kin yung message.
Tyler: Pero syempre naalala din kitang i-chat.
'Di ko na tinanong pa kung bakit hindi siya nag-message sa nakalipas na buwan dahil ang importante ay yung naalala niya 'ko.
Nandiyan na naman ulit yung kuwentuhan at asaran namin.
Tyler: Para kang pusa.
Me: Ikaw naman aso.
Mula no'n ganun na ang tawagan namin, and as time passed by, I just found myself falling for this person. 'Di naman masamang ma-in love sa kanya 'di ba.
Everytime na may i-kukuwento siyang ibang babae ay naiinis ako, hindi ko alam kung kailan, paano at bakit ako na-in love sa taong 'to. Basta nagising nalang ako na mahal ko na pala siya. Oo na marupok na, tumibok yung keyboard eh.
Tyler: Ba't ba ang sungit mo na naman?
Tanong niya sa'kin pa'no kinikuwento niya sa'kin si Pam, sinasabi niya kung paano ito palaging mainis sa kanya edi sinabi ko na, "Malamang sa malamang may gusto 'yan sayo".
Me: Wala!
Tyler: Bakit nga? Sabihin mo para maintindihan ko.
At dahil sa nagpadala ako sa inis ko. Nangyari ang hindi inaasahan.
Me: Naiinis lang ako bigla.
Tyler: Bakit ka naman naiinis?
Me: May gusto ako sayo syempre, kaya nakakainis.
It was too late, bago ko narealise ang sinabi ko. Ang tagal bago siya nag-reply.
***
IH | IssiaHermosa
BINABASA MO ANG
Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC PH Love moves in mysterious way, Micaela fell in love with Hanz in the most unexpected way. Tibok ang keyboard ika nga nila. Hindi niya inaasahang iibig siya sa lalakeng hindi pa niya kailanman nakita sa personal ngunit hindi i...