KABANATA 6

177 27 1
                                    

Excited akong naglalakad ngayon dito sa loob ng mall, ito na kasi yung pinakahihintay kong araw. Yung magkikita kami ng lalakeng mahal ko.

Nang makarating ako sa pintuan ng restaurant kita ko na siya mula dito, nakatalikod sa direksyon ko kaya excited naman akong lumapit sa kanya.

Nang makalapit na 'ko sa pwesto niya ay inayos ko muna ang aking sarili. Kumakabog ng sobrang bilis ang puso ko, nanginginig ang mga kamay at mas naging conscious ako sa itsura ko.

"Hi." Unang salitang lumabas mula sa aking bibig habang may ngiti sa aking labi.

Parang naging slow motion ang lahat at dahan-dahan ang naging pag lingon niya sa'kin at ganun din ang pagtayo niya. I was just staring at him, memorizing every part of his face and my heart is totally beating so fast as if I ran a thousands of mile.

"Hi," nakangiting bati rin niya na-feel kong kinakabahan din siya sa mga sandaling ito but he still manage to look good.

"Have a sit." Sabay alalay sa'kin para makaupo. Natawa naman ako dahil parang hindi siya yung lalakeng nakakausap ko sa chat.

"Ang formal mo ata," sabi ko while grinning at him. "'Di 'no, syempre first time kita makikita para kunware gentleman," biro niya sa'kin.

Parehas na kaming nakaupo ngayon at magkaharapan kami, magkakatinginan tapos biglang tatawa, nababaliw na ata kami.

"Kamusta ka na?" tanong niya.

"Makatanong naman parang 'di tayo nag-uusap sa chat, but I'm okay. Ikaw?" balik tanong ko naman.

"Daming sinabi, tsk madaldal talaga," komento naman niya. Ang sungit talaga, isip ko.

"Sunget," pang-aasar ko naman, medyo nagiging magaan na ang atmosphere saming dalawa dahil nagsimula na siyang mag-open ng topic at ganun din ako.

Masaya kaming nagku-kuwentuhan habang naghihintay sa pagkain.

"Sorry na-late ako." Biglang sulpot ng isang babae mula sa aking likuran, nakita ko namang bumeso siya kay Hanze na ikinapangit ng timpla ng mukha ko.

"Hello, its me Carmie, yung nakasama mo rin sa FaceB Group," nakangiting pakilala niya. I remember her, pero bakit nandito siya? Tanong ko sa sarili.

Siya ang babaeng una kong naging ka-close sa group na 'yon, without her knowing na ako yung special someone ni Hanze and sooner I found out that she has a feelings for Hanze, pero 'di siya nilayuan ni Hanze dahil daw magkaibigan pa rin sila, ngunit sinabi naman nito sa'kin na hanggang magkaibigan lang sila.

I prevent myself from raising my eyebrow, so I just gave her a smile. "Naalala ko nga it's been awhile, how are you?"

"Well guess what," sabi nito sabay kapit sa braso ni Hanze na ikinagulat ko at ikinatigil ata ng tibok ng puso ko.

"Tyler is actually my suitor now," masayang sabi nito at halata mo ang pang-iinggit sa boses niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa mga oras na 'yon, at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

And there, I felt my tears starting to fall from my eyes.

"Micaela! Ano 'di ka pa tatayo diyan? 'Di ka papasok?" Isang sermon ang nagpagising sa'kin mula sa malabangungot na panaginip, I thought it was all real. Buti nalang hindi, but that girl she really do exist, nakilala ko siya do'n sa group na 'yon and she has a feelings for Hanze.

Sabi naman ni Hanze dumidistansya na siya and I trust him.

At sa loob ng ilang linggo ko sa grupong 'yon may mga naka-close na din ako at naging kaibigan.

Kung minsan nga napag-uusapan namin ni Hanze kung ano-anong posibleng scenario kapag nagkita na kami at nakuwento ko naman sa kanya yung napanaginipan ko, at ang sabi naman niya, "Hindi mangyayare 'yon".

Everyday na nakakausap ko siya mas na-re-realise kong mahal ko na talaga siya.

And at the same time, I am threaten about the girl named Carmie, kasi naman I can see that everyone inside that group admire her, 'di naman sa insecure ako pero kasi minsan napapansin kong close na close sila no'n.

Syempre bilang babae at ka-situationship ni Tyler, nasasaktan din ako dahil minsan parang sila pa yung mukhang may something kaysa samin.

Pero hinayaan ko nalang baka ganun lang sila talaga.



╚═*.·:·.✧ ✦ ✧.·:·.*═╝



Everything seems fine until this day came.

"Micaela!" tawag sa'kin ni mama.

"Po?" sagot ko

"Halika dito." Sa tono ng boses ni mama parang wala siya sa mood.

"Ano po?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Akina cellphone mo," blankong sabi ni mama sa'kin.

Do'n ko na naramdaman ang puso kong kumabog ng sobra.



***

IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon