KABANATA 9

170 23 2
                                    

"Kyaaaaaaah!" tili ko.

"Micaela, ano ba 'yan? Bakit ka sumisigaw diyan? Mamaya marinig ka ng kapitbahay at iba pa ang isipin." Rinig kong sermon ni mama pero napahagikgik nalang ako.

Binasa ko pa ito ng paulit-ulit upang makasiguro, nang makuntento ako ay agad akong bumaba para ipaalam kay mama ang natanggap kong mensahe.

"Ma! Pa!" tawag ko sa kanila, nasa sala kasi sila ngayon nanonood ng mga teleserye.

"Ma, Pa! Guess what? Ma-i-interview na 'ko sa September 07, sa inaplyan kong company which is ResortSuit Services Company," proud na sabi ko sa kanila.

Agad ko namang nakita ang tuwa sa kanilang mga mukha at niyakap ako ni mama.

"Galingan mo diyan ah, sa'n ka ba ma-i-interview dito lang ba sa'tin?" tanong ni mama sa'kin.

"Sa main office na po Ma," sagot ko sa kanya.

"Galingan mo diyan anak ah, proud na proud talaga kami sayo," masayang sabi naman sa'kin ni papa kaya niyakap ko na rin siya.

"Promise po gagalingan ko dito para may trabaho na 'ko agad at matulungan ko na po kayo dito sa bahay," nakangiting sabi ko sa kanila.

"Nako, 'wag mo masyadong isipin yung dito sa bahay, mas mabuting makapag-ipon ka para rin para sa sarili mo," paliwanag naman ni mama na sinang-ayunan ni papa.

"Ma, Pa, alis na po ako," paalam ko sa kanila. It was 6:00am in the morning at paalis na 'ko upang magbiyahe papuntang Manila for my job interview, may kaba man akong nararamdaman still nando'n ang excitement.

"Mag-i-ingat ka ah, mag-text ka sa'min kapag nakarating ka na do'n at kumain ka rin ha," bilin naman ni mama.

"Opo. Bye Ma, Pa!" paalam ko ulit saka lumabas na ng aming bahay.

This is it, pancit! Sabi ko sa sarili.

Mabilis naman akong nakarating sa Manila kahit pa nangangapa pa 'ko sa mga sakayan at mga lugar dito.

Pagkababa ko ng bus, sumakay naman ako ng taxi papunta sa ResortSuit Services Company and as expected kilala ang company kaya wala ng tanong-tanong si manong taxi driver kung saan 'yon.

Hindi ko naman first time dito pero never pa 'kong bumiyahe mag-isa kaya nakakapanibago pa rin.

Habang nasa biyahe, nakatanaw lang ako sa bintana ng sasakyan.

"Ma'am, andito na po tayo," tawag pansin sa'kin ni kuyang driver.

Kumuha naman ako agad ng pera sa wallet at nagbayad.

"Salamat po," paalam ko naman kay kuya bago bumaba.

At ngayon nasa tapat na 'ko ng kumpanyang papasukan ko at nararamdaman kong makakapasa naman ako.

Huminga muna ako ng malalim atsaka palamang ako nagsimulang maglakad papasok ng building.

"Good morning po Ma'am, may appointment po kayo?" Bungad sa'kin ni kuyang gurad.

"Good morning din po, meron po. Nag-email po sa'kin yung sa HR office niyo na pupunta ako ngayon for my final interview," magalang na sagot ko.

"Ah, sige po sakay po kayong elevator then press 4th floor po tapos yung right hallway ando'n po lahat ng mga nag-a-apply," pag-i-instruct ni kuya.

"Okay po, thank you po," pagpapasalamat ko sa kanya.

"Welcome po, sana makapasa po kayo," sagot niya pabalik sa'kin kaya ngumiti ako sabay tango sa kanya at nagsimula na'kong maglakad papuntang elevator.

Nakakaramdam na'ko ng kaba sa aking dibdib habang nasa loob ng elevator.

Ting!...

Hudyat na nandito na 'ko sa floor ko dahil ako lang naman mag-isa sa loob.

Huminga ulit ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkarating ko sa hallway na tinutukoy ni kuyang guard, nakita kong maraming nakaupong kababaihan at mangilan-ngilang lalake sa isang mahabang upuan sa labas ng nag-iisang room sa hallway na ito.

Naglakad naman ako papunta sa kanilang direksyon, lahat sila nakatingin sa'kin kaya naman na-conscious ako sa mukha ko. Baka mamaya may dumi na pala 'ko sa mukha.

"Hi, dito ba nag-a-apply?" tanong ko sa katabi kong babae ngayon.

Tumingin naman siya sa'kin saka bahagyang tumango.

"Oo dito nga, ano i-na-applayan mo?" tanong niya sa'kin.

"As an HR officer sana, ikaw?" balik na tanong ko.

Napa-ohh naman siya sa bago ngumiti at sumagot, "Ako naman nag-a-apply bilang receptionist," sagot niya

Nakakatuwang may nakakasundo na 'ko agad at mabuti na 'yon at least may kilala na 'ko dito.

"Ano nga pa lang pangalan mo?" tanong pa niya.

"Micaela, ikaw?" tanong ko naman sa kanya.

"Ganda ng name mo ah, ako naman si Cassie," nakangiting sagot niya.

Nagkuwentuhan pa kami habang hindi pa kami natatawag dahil medyo marami-rami kami ditong nag-a-apply ng iba't ibang posisyon.

Niyaya na nga niya 'kong mag-lunch mamaya, 'di ko naman matinaggihan dahil natutuwa rin ako sa kanya at para na din sa pagpapasalamat ko na may kaibigan na 'ko agad dito sa Manila.

"Miss Micaela Dizon?" tawag ng isang babaeng kakalabas lang mula sa pinto.

"Ako po 'yon," sagot ko naman saka ako tumayo. Nakita ko namang papalabas na si Cassie.

"You're next," nakangiting sabi niya.

Nang magkasalubong kami ni Cassie ay nakangiti ito mukhang maganda ang naging resulta ng interview niya.

"Go girl! Kaya mo 'yan! Hintayin nalang kita sa lobby ah," bilin naman niya kaya tumango nalang ako.

"Good morning Ms. Dizon, have a seat," panimula ng babaeng nakaupo ngayon sa aking harapan.



╚═*.·:·.✧ ✦ ✧.·:·.*═╝



"I am impressed with your answers Ms. Dizon." Sabay abot nito ng kanyang kamay kaya agad ko naman itong kinuha.

"Thank you po Ma'am, I hope po na matanggap ako dito sa company niyo," masayang sabi ko sa kanya saka nagsimulang mag-ayos para sa aking pag-alis.

The interview went well but I am not that confident na matatanggap ako.

Nang makapag-ayos ako ay handa na sana akong umalis nang magsalita si Mrs. Paras.

"Ms. Dizon, I got a message from the CEO and he was also impress with your resume but the only thing we were concern about is you still lack of experience but if you are willing to be trained we would consider your application," mahabang sabi niya

Napatigil naman ako ng panandalian, I will grab this opportunity!

"Yes Ma'am! I'm willing po," mabilis na sabi ko at natawa naman siya ng bahagya.

"Good. I'll see you next week Monday here, for your first day as our recruitment officer trainee," masayang sabi naman niya sa'kin din.

"Thank you po Ma'am! Thank you po talaga," pagpapasalamat ko.

"You're welcome, sige na you may go alam kong nagugutom ka na rin," paalam niya.

"Ahhh! Really?! Natanggap ka?!" tumitiling tanong sa'kin ni Cassie, tumango naman ako sa kanya saka tinakpan ang bibig niya, ingay eh.

"Dahil diyan mag-celebrate tayo dahil may trabaho na tayo," sabi naman niya at hinila na 'ko paalis.

"Ingat po kayo Ma'am," bati sa'min ni kuyang guard.

"Kayo rin po and see you next week," sagot ko naman sa kanya.

"Sige po Ma'am," nakangiting sagot niya.

At tuluyan na kaming nakalabas ni Cassie.



***

IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon