Chapter I : First Day

1.7K 34 1
                                    

< Sam POV >

Hay nako sobrang init sa labas, nagfafade na make up ko first day na first day of school. Ang dami pa nagkalat na tao dito sa hallway.

Oy nanjan na siya, Tumabi kayo baka masaple-an kayo niyan. Sabi ng isang babae sa hallway.

Anong binubulong bulong mo jan ha? Baka gusto mong sapakin kita.

Wala po, sabi ko lang po sakanila na walang pinagbago yung ganda niyo.

Yan ang gusto ko sayo. Kunin mo tong bag ko at ilagay mo sa classroom ko.

Aray! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba? Sabi ng babaeng transferee.

Hindi mo ba ko nakikilala? At para malaman mo hindi ako bulag nakikita ko ang kapangitan mo!

Sino ka ba ha? Artista ka ba? Ay hindi pala pwede sa itsura mong yan. Nababagay ka sa zoo! Sabi ng transferee.

Aba sumosobra na to ah. Halika dito makakatikim ka saakin!

(Samantha Nicole Dela Cruz A.K.A Sam Senior Student, Maganda, Matangkad, Maputi, Sexy at Popular dahil sa angelic voice niya, sa mga lalaking pinaglaruan niya at sa mga taong binubully niya. Nasakanya na lahat isang bagay nalang ang wala sakanya "ANG UTAK")

Best, tama na yan. first day palang baka mapa guidance office ka na agad. Sabi ni Ana.

Ana nandito ka na pala. Namiss kita saang lupalop ka ba nag punta nung bakasyon?

Makaalis na nga dito. Mahawa pa ko ng kapangitan ng nasa harapan ko pwe! Sabi nung transferee.

Bwisit na transferee yun. Magkakaaraw din saakin yun!

Best kalma lang baka pumangit ka niyan sige ka. Tara na baka malate pa tayo. Sabi ni Ana.

Duh. Ayoko ngang maging katulad mo saksakan ng pangit! Joke :)

(Anastasia Ysabel Batbatan A.KA. Ana, Simula pagkabata first honor for short NERD. Walang time magpaganda, palaging gulo gulo ang buhok, suout suot ang rounded eye glasses at maraming pimples. Naniniwala sa Destiny, Signs at kay Mr. Right Guy Loner pero nung dumating si Sam, naging kaibigan niya ito; Nag iisang kaibigan)

< Ana POV >

Buti nalang at hindi kami nalate. As usual Section D namaman si Sam wala na siyang pinagbago at ako naman Section A padin.Hay nako Si Ms. Caturza pa ang adviser namin ang kinakatakutan at terror teacher ng Bright Academy. May bago daw transferee na lalaki saamin kaso absent. Sana gwapo!

Ms. Batbatan ... Ms. Batbataaaaaaan! Sigaw ng Adviser namin.

Ha? Ano daw yun? Yes Ms? Bakit po?

Nasa bakasyon padin ba yang pag-iisip mo? At hindi ka nakikinig? Kanina ka pa nakatulala para kang .....

(KRIIIIIIIIIIIIIING) Yes save by the bell! First day na first day nasermonan ako badtrip talaga. Nasan na ba yun si Sam sabi niya dito kami sa canteen magkikita baka nakikipaglandian nanaman yon.

Nakita niyo ba si Sam?

Nandun sa.... Sabi nung babaeng nakasalubong ko. Pero hindi na nakatapos nagsalita agad yung kasama niya.

Wag mong pansinin yan baka mahawa ka pa sa kapangitan niya. Tara na punta na tayo sa Gym baka makikita tayo ng gwapo.

Wow ha! Kala mo kung sino mukha namang palaka. Pag ako gumanda humanda saakin yun. Makapunta na nga lang ng library.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon