Chapter III : The Past

681 28 1
                                    

< Ana POV >

Pauwi na ko ngayon galing sa paborito kong Coffee shop. Nakakapagod. Hindi ako napagod sa school, sa kakakwento ni Sam ako napagod. Ang dami kasi niyang kinwento tungkol sa bakasyon niya palagi naman siyang ganun.. Pero ang lakas ng tama niya kay John. Yun ata next target niya..

Anak. Nandito ka na pala. How's your first day? Kumain ka na. I cooked dinner for you. Sabi saakin ni mommy.

It's okay naman po mommy. Aakyat nako sa kwarto. busog pa po ako lumabas po kasi kami ni Sam eh.

Time Check: 11:43pm

Hindi ako makatulog. Si Sam kasi pinaalala pa saakin yung nakaraan..

*FLASHBACK* (3 years ago)
Page 1

The Signs of Mr. Right Guy

[ ] Unang pagkikita namin ay magkakabangaan kami

[ ] Mapupulot ko yung panyo niya

Ana! Ano ba yang katarantaduhan na ginagawa mo jan? Ano sinusulat mo?

Wala sam.. Wala to. Assignment lang.

Bakit mo tinatago kung Assignment lang ha? Patingin nga ko. (Sabay agaw ng notebook ko) The Signs of Mr ...

Bago pa niya mabasa kinuha ko na. Sabing wala yan. Wala lang ako magawa.

Hahahahahahaha! Naniniwala ka jan sa mga signs signs na yan? At kay Mr. Right Guy ata yan.. Nako wag ka nang umasa. Paglalaruan ka lang ng taong umaaligid sayo.

*PAUSED THE FLASHBACK*

Oo tama kayo umaaligid saakin.. Iba ako noon. Mahaba ang buhok ko, hindi pa malabo ang mga mata ko at marunong pa kong mag aayos kaya kahit papaano may nagkakagusto saakin.

*CONTINUE OF FLASHBACK*

Bwisit yun si Sam pinagtawanan ako. pakielam ba niya eh sa naniniwala ako eh. Nandito ako ngayon sa Library itutuloy ko na tong naumpisahan ko. Teka Asan na nga ba ako?

Page 1

The Signs of Mr. Right Guy

[ ] Unang pagkikita namin ay magkakabangaan kami

[ ] Mapupulot ko yung panyo niya

Ano pa kaya? Hmmm..

[ ] Makikita ko siya sa favorite kong Coffee shop wearing blue polo shirt

[ ] Sa unang beses na yayayain niya ko lumabas uulan

[ ] Bibigyan niya ko ng sampaguita pag may sakit ako

[ ] Kakantahan niya ko ng favorite song ko with matching white guitar

[ ] Sa pangalawang time na yayayain niya kong lumabas nakasuot siya ng pink tshirt

[ ] Bibigyan niya ko ng Angel Necklace

[ ] Bibigyan niya ko ng favorite kong Blue Roses

[ ] And last the magic words.. I LOVE YOU

Uwian na. Nandito ako sa CR ng Coffee shop kasama ko si Sam pero nandun siya sa table namin.

(After a week)
Aray ko. Tumatakbo pa kasi eh.

Sorry hinahabol ko kasi kaklase ko.

Bwisit yung bumangga saakin kanina. Oh my.. BUMANGGAAA? Asan na yung notebook ko..
[ ✔] Unang pagkikita namin ay magkakabangaan kami

Uy best. Natupad yung first sign :')

Hindi mo talaga titigilan yan? Hahaha. bahala ka masasaktan ka lang.. Pangako.

Panira ka talaga ng moment eh! Basta naka isa na ko :'')

Oo na. Oo na. Pumunta ka na dun sa pwesto natin bibili lang ako ng pagkain.

Ang High blood naman nun ni sam. hindi nalang ako magpapaapekto basta masaya ako ngayon. Kanino tong panyo na to? patay mga umupo dito sa pwesto namin ni sam.. Ayaw na ayaw pa naman nun na may umuupo dito.

Excuse me, panyo ko yan. Sabi ng lalaki na nasa harap ko.

Edi sayo. Hindi ko naman inaangkin. Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko yung lalaking nasa harap ko. Siya yung nakabangga saakin kanina!!!!! :')

Ako nga pala si Sean Montaigne, 3rd Year student.

Ahh.. Im Ana, first year.

Pagkatapos nung araw na yon. Nag umpisa na kaming magkita.. Natupad niya ang 4 signs..
[✔] Unang pagkikita namin ay magkakabangaan kami

[✔] Mapupulot ko yung panyo niya

[✔] Makikita ko siya sa favorite kong Coffee shop wearing blue polo shirt

[✔] Sa unang beses na yayayain niya ko lumabas uulan

Pero pagtapos nun bigla nalang siyang multo na nawala, hindi na nagpakita.

Nasundan pa ng iba pero ng dumating si Macky Reyes sa buhay ko nagbago ang ikot ng mundo ko.. Kinumpleto niya ang mga signs at naging kami.. After 5 months nakipaghiwalay siya.. ginawa ko ang lahat para bumalik siya dahil ang alam ko siya na talaga si MR. RIGHT GUY. At hindi pwedeng nagkataon lang ang lahat.. pero wala.. kaya ganito ang nangyari saakin ngayon. *END OF FLASHBACK*

Bwisit talaga si sam. binanggit pa kasi si Macky Reyes!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon