Chapter XIX : Friends for REAL

411 25 1
                                    

Nabalitaan ko na namatay yung nanay ni Sam kaya we decided na puntahan siya ilang linggo narin kasi siyang hindi pumapasok.. Naisipan muna namin na dumaan sa puntod ng nanay niya..

How much is this bunch of flowers? tanong ni mommy sa tindera ng bulaklak

Mommy, si Sam oh nandun.

180 po ma'am. Sabi ng tindera

Oo nga sakto at nandito siya. Sige ate bigyan mo ko ng dalawa.. eto bayad oh.

Pagkalapit namin dun sa puntod nakita kami ni Sam. She's crying..

Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Nabalitaan namin ang nangyari sa Mommy mo kaya nagpunta kami dito. Sabi ni mommy

Okay lang po ako tita. Sorry nga pala Ana sa mga nasabi at nagawa ko noon.. hindi ko dapat ginawa yun sobrang mahal ko lang talaga si Mom. Sabi ni Sam

Okay lang. matagal na yun kinalimutan ko na yun.. pwede pa naman tayong mag umpisa ulit di ba? Yung totoo na at wala nang halong paghihiganti. Friends? Ningitian ko siya sabay abot ng kamay ko.

Oo. Friends.. Sabay binigay niya yung kamay niya. FOR REAL! :)

Natapos ang school year at napakarami naming magagandang memories na nabaon sa pagiging Seniors at last year namin sa high school. Si Sam nagkaroon na ng boyfriend for real yung hindi na pinaglalaruan, natuto na siyang sumeryoso at ako wala parin balita kay John. kahit kelan hindi siya nawala sa isipan ko.

Best.. Hoy.. Anastasia Ysabel Batbatan! Sabi ni Sam

Ha? bakit ba?

Kanina ka pa tulala. Ano ba iniisip mo? O baka ayaw mo dito ang ganda ganda kaya ng beach at ng sunset!

Natutulala ako sa ganda! Haha Enebe.

Sus ako pa lolokohin mo. Alam kong si John ang iniisip mo! Bakit kasi hindi mo itext?

Itext? kamusta naman isang taon na ang nakakalipas syempre baka nagpalit na yun..

Ang sabihin mo, ayaw mo lang magfirst move o baka nahihiya kang itext. Itext mo na kasi!

Wala akong load. Sa susunod nalang..

Kung gusto may paraan, Kung ayaw may dahilan. Yun lang yon best haha! Yun lang yon..

Oo na itetext ko na..

Sabi mo wala kang load?

Meron...

Hi! Uhm Kamusta? Ana to. Remember?

-- Sent to John ✔

Ayan na tinext ko na ah!

Patingin nga ng sinabi mo. Sabay agaw ng phone ko. Yun lang? Dapat tinanong mo kung nakamove on na siya sabihin mo ikaw hindi pa, Mahal mo parin siya.

Ewan ko sayo.. Ano ako baliw? Eh dati nga halos pagtabuyan ko na siya tapos ngayon sasabihin ko Mahal ko siya..

1 message received

From John:

Hi Ana. John is not here he's in America. He left his phone here but tomorrow is his flight back here. I will just tell him that you texted.

Oh bakit ka nakasimangot jan? Nagreply na ba?

Oo.. kaso yung mommy niya yung nagreply..

Mommy niya? nako alam ko na yan! Sinabi ng nanay niya na patay na si John noh? tapos iiyak ka tapos magsisisi ka dahil pinagtabuyan mo siya noon.. Nabasa ko na yan sa ibang libro!

Ang O.A mo Sam.. Yan ang napapala ng kaadikan sa pagbabasa ng wattpad eh. Sabi nung nanay niya na nasa america daw siya..

Aww. how sad. wala na si Mr. Right Guy.

Pero bukas daw ang flight niya pauwi dito. Sabay Evil Smile.

Haha good! edi ano pang ginagawa natin? Tara na't umuwi sa Manila! Haha.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon