CHAPTER 1

17 4 0
                                    

                                                                               Third person Pov

Patak ng mga tubig. Huni ng mga kulisap. Ungol ng mga lubo ang tanging naririnig sa gabing ito ngunit sa isang madilim na kweba sa silangang bahagi ng outcast land, maririnig ang sigaw ng taong punong puno ng pagdurusa.

"Aarrgghh!" Sigaw ng lalaking nasa harapan ng isang tronong upuan na para sa isang hari.

Sa tronong iyon nakaupo ang isang lalaking hindi makita ang kalahati ng kanyang mukha, dahil natatabunan ito ng kanyang mahabang itim na buhok na lumalampas sa kanyang mga mata.

He was sitting like a king. With his black cape and his black clothes. He also have a black ring with a design of snake.

"Kill him" he said. Mababakas sa kanyang tinig na wala syang awa.

Ang lalaking nakahandusay na sa maduming lupa ng kweba ay nilapitan ng isang babae na merong hawak na malaking espada na meron ring disenyo ng itim na ahas sa patalim nito.

"You leak an information and the black Lord didn't like it" Sabi nito at sinimulang itaas ang hawak na patalim.

"P-patawad!Arrghh!" Sigaw nito sa sakit. Meron itong mga itim na marka sa katawan na nagpapahirap dito.

"Don't worry, I'll end your suffering" the woman was smiling devilishly.

Pagbaba nya ng kanyang espada, napuno ng dugo ang lupa ng kweba.

"Magaling Saber, ngayon bumalik kana sa trabaho mo"

"Masusunod Black Lord"

White's Pov

Do you ever feel like you're not existing? Because I do. Simula pa noong bata ako, hindi na ako gusto ng lahat. Siguro dahil hindi ako gifted kagaya ng mga kapatid ko.

"Lady white, you're mother said..stay locked in your room after the guest leave's" sabi ng isang tagasunod ng mansion namin.

"You don't need to remind me, I know it already" sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa librong aking binabasa. Nakaupo lang ako sa aking kama,kasama ang mga librong kinuha ko sa library namin.

Ganun naman palagi ang nangyayari kapag kaarawan nila. I'll be locked up in my room while they're doing happy stuffs of their lives.

Mahilig akong magbasa ng libro. Dahil hindi ako gifted,kailangan kong matuto ng skills. Rare case kasi ang mga katulad ko. Kadalasan kasi. Simula pa lang ng isilang sila nagkaroon na agad sila ng gift (magic) at pagdumating na sila sa edad na walo gumigising ang gift nila. Ngunit Isa ako sa mga hindi nabiyayaan. Wala akong namana sa pamilya ko. Kaya kailangan kong magaral ng mga skills. Isang klase ng magic na natutunan ng isang tao gamit ang mga libro at minsan self training.

Busy ako sa pagbabasa ng biglang humangin ng malakas sa kwarto ko. Nakita kong nakabukas pala ang mga bintana ng kwarto ko. Inilapag ko ang librong binabasa sa bedside table ko at nilapitan ang mga bintana. Dali-dali ko itong isinara at bumalik sa aking kama. Ngunit meron akong nakitang libro na nasa sahig. Dinampot ko ito. Kulay itim ang cover ng libro.

"Outcast Sacred Law" Basa ko sa title ng librong hawak ko.

Binuklat ko ito at nagulat ako nang makitang walang kahit anong nakasulat sa mga pahina nito.

"Paano ito napunta dito?"

DEADLY PRINCE SERIES 1: That Black PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon