Tumakbo ako sa gubat. Umuulan ng malakas. Sumasabay pa ang kulog at kidlat. Walang direksyon ang aking pagtakbo, basta ang alam ko lamang ay gusto kong tumakas. Ang makalayo sa lahat ng sakit at paghihirap na aking naranasan sa Buhay kong ito.
Malabo ang aking paningin sa kapaligiran,dulot ng ulan. Ngunit meron akong na aninag na kweba, hindi naman malayo sakin.
Tumakbo ako papunta doon. Pagpasok ko, nakita ko ang lalaking nakaupo sa bato na nakatalikod sakin.
"Who are you?" Tanong nya sa malamig na boses.
"Sabihin mo muna ang pangalan mo bago ko Sabihin yung sakin." Sabi ko habang niyayakap ang sarili.
Nilalamig na ako. Limang Oras ba naman bumabad sa malakas na ulan. Pero nagtataka rin ako sa taong ito. Bakit sya nandito sa kweba? Anong ginagawa nya dito? Kagaya ko rin ba syang tumakas at nagtatago?
Unti-unti syang humarap sakin. Nawala lahat ng lamig na nararamdaman ko at napalitan ito ng takot. Takot sa bagay na aking nalaman. Ang taong to! Kinakatakutan sya ng lahat.
Wala pang taong nakakita sa kanyang mukha ang nabuhay.
"I'll repeat my question, WHO ARE YOU!" Right at this moment, he is smiling devilishly at me.
"W-white R-rain" I am already trembling in fear.
Mali ako ng taong kinausap. Ang kapa nyang ITIM. Ang buhok nyang kulay ITIM. Ang singsing nyang ITIM na merong disenyo ng ahas at ang hanging nakikita ko sa paligid nyang kulay ITIM, habang umiilaw ng kulay pula ang kanyang mga mata. Sya nga! Sya nga ang Black Prince!

BINABASA MO ANG
DEADLY PRINCE SERIES 1: That Black Prince
FantasíaThe Elipsu world was full of magic and this world is divided into two lands. The outcast and holy land. A prince who had suffered from a cursed fell in love with a lady who had escaped from her ruthless family. ~"If loving you would be my greatest...